Chapter 11: At The Coffee Shop

21 4 0
                                    

Nakarating na rin kami sa labas ng gate at dumiretso sa parking lot. 
 
"Pre, kaninong kotse tayo sasakay? Sino ang magda-drive?" tanong ni Zaren. 
 
"Kotse ni Kevin na lang, ako na magda-drive," sagot naman ni Axson. 
 
"Okay," sabi ni Kevin. 
 
Nauna nang maglakad si Kevin, sinusundan namin siya papunta sa kotse. Huminto siya sa tapat ng isang Aston Martin Vanquish. Ibinigay ni Kevin ang susi kay Axson dahil siya ang magda-drive. 
 
Sumakay na kami. Sina Zaren, Roxie, ako, Denise, at Calix ay nasa likod, habang si Meshie ay nasa passenger seat dahil mas gusto niya roon. Nagsimula na mag-drive si Axson at nakaalis na kami sa parking lot. 
 
Akala ko malapit lang ang coffee shop, pero medyo malayo pala. Buti na lang at matanong si Roxie. 
 
"Calix, akala ko ba malapit lang? Parang medyo malayo na ah," tanong niya. 
 
Napakamot lang sa ulo si Calix bago sumagot. 
 
"Akala ko rin malapit lang, kaya niyaya ko sila Denise." 
 
"Thirty minutes lang naman ang biyahe, malapit na 'yun," sabat ni Axson. 
 
Tahimik lang ako sa pwesto ko. Katabi ko sina Roxie at Denise sa pinakadulo ng likuran, habang sina Calix at Zaren naman ang nasa harapan namin. 
 
Axson | Meshie
Roxie | Ako | Denise
Calix | Zaren 
 
Ganyan ang ayos namin sa backseat. 
 
Matapos ang 30 minutong biyahe, nakarating na kami sa bagong bukas na coffee shop na sinasabi nila. Nagpark muna si Axson bago kami bumaba. Naunang pumasok ang mga lalaki, sumunod naman kaming apat nina Denise. 
 
Umupo kami sa table na may dalawang malaking couch na nasa tapat ng bintana. Cozy ang ambiance ng coffee shop, at classic ang style. Hindi masyadong matao, saktong dami lang para sa relaxed vibe. 
 
Habang nag-iisip ako, napansin ko na nasa tapat na pala namin ang crew para kunin ang order namin. Hindi na nila ako tinanong dahil alam na ni Denise ang favorite ko: strawberry muffins at strawberry milkshake. Hindi ako mahilig sa coffee, masyadong mapait para sa akin. 
 
Matapos mag-order, nagtanong-tanong kami. 
 
"So, Calix, ano nga pala ang mga pangalan ng mga kaibigan mo?" tanong ni Meshie. 
 
"Axson Clark Del Vale." 
 
"Kevin Dale Santos." 
 
"Zaren Lexus Salvador." 
 
"Okay, nice to meet all of you," sagot ni Meshie, masyadong pormal pero may respeto naman. 
 
Pagkatapos nilang ipakilala ang sarili, kami naman. Nauna si Roxie. 
 
"Roxie Vivian Smith." 
 
"Lauren Mariss Santiago." 
 
"Denise Allison Cruz." 
 
"Yushima Lorene Takiyama." 
 
Pagkatapos naming magpakilala, dumating na rin ang mga order namin. Habang masaya akong kinakain ang strawberry muffins ko, inalok ako ni Calix ng isang slice ng dark chocolate cake. 
 
"Do you want?" tanong niya. 
 
"No, thanks. I'm fine." 
 
"I insist." 
 
"But—" 
 
Pinutol niya ako, "Eat it, at least for me? Please?" 
 
"Alright, fine." 
 
Ano bang nangyayari sa kanya? Kinain ko na lang para hindi siya magreklamo. 
 
Matapos kong kumain, umiinom na lang ako ng strawberry milkshake nang biglang magsabi si Roxie na kailangan niyang magpunta sa comfort room. 
 
Nagpaalam kaming dalawa, tumayo si Roxie at sinundan ko na rin siya. Nagtanong kami sa crew kung saan ang CR, at itinuro nila ito sa kanan. 
 
Dumiretso kami roon at pumasok. Si Roxie ay agad na pumunta sa isang cubicle, habang ako naman ay nakatingin lang sa sarili ko sa salamin. Hindi ko namalayan na nagre-retouch na pala ako, nag-aapply ng face powder, cheek tint, at lip tint. 
 
Nakakatawa, hindi naman ako mahilig mag-makeup kung walang okasyon, pero bakit ngayon, nag-aayos ako? Parang may sariling buhay ang katawan ko. Bakit nga ba? Never mind. 
 
Tapos na akong mag-ayos ng sarili at nagtali ng buhok ko sa isang bun. Lumabas na rin si Roxie mula sa cubicle at nakita niyang nag-aayos ako. 
 
Naghugas muna siya ng kamay at tumingin sa salamin. 
 
"Lauren, pahiram ng face powder mo?" 
 
"Okay, here. You can also borrow my cheek and lip tint," sabi ko, sabay abot sa kanya ng mga ginamit ko. Wala namang problema sa akin, madalang ko lang naman gamitin ang mga ito. 

Baka biglang magkaroon ng party, at least ready ako.

I'm tired loving youWhere stories live. Discover now