15 minutes ang ginugol ko sa pagtuturo sa kanila. Niligpit ko na ang mga gamit sa mesa at pumunta na sa upuan ko para hihintayin na lang na tumunog ang bell.
nang tumunog ang bell "PUTANG INA NIYO BREAK TIME NAAAA!!" sigaw ni joseph tsaka tumayo
"Hoy kalansay ang ingay mo" sigaw naman ni eunice sa kaniya.
"sabay na tayo yeng, baka sugudin ka pa ni skya" kinuha niya yung bag niya tsaka tumayo
"bakit? kaya ko yang labanan gurang siya" tumayo ako bitbit ang bag ko tsaka bag ng laptop para ibabalik ko na kay sir aki.
nang makalampas kami sa pintuan....
"GURANG SIYA!" pang-aasar ko pa habang nakatingin sa kaniya.
Pagkasabi ko non, tumakbo na ako sa hallway para bumaba.
"anong oras na?" tanong ko kay eunice.
punyeta kasi, naiwan ko yung wrist watch ko sa bahay ni jeonghan, kakamadali niya yung importante pa yung naiwan ko
"9:22" sagot niya
"ah okay, may 2 hours pa tayo bago mag lunch"
Naglalakad na kami sa hallway kung saan papunta kami sa library nang bigla naming masalubong si sir aki na sakto ay naglalakad sa direksyon namin.
"sir aki" tawag ni eunice "-n ka na lang" mahinang tinuloy ni eunice tsaka kumaway kay sir aki.
isa din pala 'tong tirador ng teacher.
Lumapit kami sa kaniya "tapos na kayo?" tanong ni sir aki sa amin habang inuunat ang kamay sa harap ko para kunin ang bag sa akin.
binigay ko sa kaniya yung bag "yes sir, tinanong ko na rin po sila ng mga questions related sa topic" magalang kong sagot
"napano yang nasa pisngi mo" tanong ni sir aki sa akin habang tinuturo ang pisngi ko
kinapa ko ang sugat ko "kinalmot ni gurang" sagot ko na ikinatawa niya
"sinong gurang" tanong ni sir aki na interesadong malaman kung sino
"hay nako sir, nagrambulan sila ni skya kanina" si eunice ang sumagot para sa akin
"bakit?" curious na tanong ni sir aki
"wala sir... hindi lang po nagkaintindihan" sagot ko
nakita ko si sir yoon na lumabas ng library. tinagilid ko ang ulo ko para tignan siya.
"hi sir" nakangiti kong bati habang kumakaway ang kanang kamay ko.
tumingin siya kay sir aki tapos sa akin. sinara niya ang pinto at naglakad sa direksyon namin
lamig ng hangin ah
tinakpan ko kaagad ang sugat ko sa pisngi para hindi niya makita.
"sandio paki tawag nga si skya sabihin mo pumunta sa opisina ko" suyo niya kay eunice at naglakad na paalis.
"iwan na muna kita kay sir aki" sinabi sa akin ni eunice bago tumalikod
"wag mo aagawin sakin yan ha" bulong ni eunice sa tenga ko bago umalis.
Jeonghan's pov
inutusan ko si eunice na ipatawag si skya sa opisina ko. nakalagpas na ako kila aki at marielle and they are still talking.
huminto ako sandali at humarap sa kanila para tignan kung nag-uusap pa sila.
i saw how aki smiles at her. he even ruffles my girlfriend's hair.
YOU ARE READING
Professor's Secret Relationship
FanfictionA story wherein jeonghan and a social filo reader na makulit, pasaway at maalaga na estudyante ay girlfriend ng isang teacher na si jeonghan. Kayanin kaya ng guro ang kakulitan ng estudyante na ito?.... Started: 06-04-22 End: 00-00-00