Sa dalawang taong nagmamahalan, hindi maiiwasan na may mas higit na nagmamahal kaysa sa isa.
Naisip mo na ba, sa ilan taon nating magkakilala ang mga salita ba na, "ikaw lang ay sapat na" ang mas madalas nanggagaling saakin saating dalawa.
Minsan din ba, kapag tayo nagsasama sa pait at ligaya, hindi ba't mas ako yung nauuna na magpa-salamat dahil mas gusto magpatuloy sa ikalawa kaysa sayo na mas gustong mangyari ang nauna?
Nanghihinayang ka alam ko, dahil siguro naiisip mo rin ang mga araw na nag-sama tayo. Pansin ko iyon dahil sa unti-unti nang umi-ikli ang mga mensaheng dati nama'y wala nang mapag-lagyan sa espasyong ibinigay ko para lang sana saiyo.
Siguro totoo nga na sa buhay, sa pagod, sa araw-araw na pagsubok nauubos din tayo. Ngunit sa pagmamahal ba kailangan din na maupod tayo?
Katulad nang kandila ang pagmamahal mo din siguro saaki'y malulusaw pag dating sa dulo. At sigurado na ako iyong candelabra na sasalo sa upod mo na pwede pa ulit mabuo kung mapupunta sa kamay ng isang tao na sa pagmamahal ay mas hihigitan din ang pagmamahal ko kaysa saiyo.
BINABASA MO ANG
Mga Sulat Sa Gitna Ng Traffic
RandomSa jeep ako madalas sumakay kapag papuntang eskwela at itong mga sulat na ito ang nagagawa ko sa gitna ng traffic.