Simula

9 1 0
                                    

“Whaaaa!!! Tabi!”

“Tumabi, po kayo!”- sigaw ko sa mga taong nadadaanan ko, habang tumatakbo sa napaka-low class na lugar namin.

Lubak lubak ang mga daan. May mga mababahong kanal. Giba gibang tindahan at walang maayos na bahay. Maingay ang mga tao, na parang nasa palengke sila. Hindi maayos ang mga damit namin. Higit sa lahat, parang mga takas mental ang mga taong nakatira dito… At isa na ako do’n.

Ibig sabihin nasa squatter area kami nakatira . . . Na siya namang tinatawag ng mga mayayamang tao, na ‘hampas lupa'.

Oo, masakit para sa amin ang salitang ‘yun, pero sanay na kasi kami. Wala na kaming pake-alam kung ano man ang sabihin nila, dahil totoo rin naman ‘yun.

Hindi sa pinapababa ko ang sarili ko, o ang uri namin, ha. Pero totoo rin naman kasi ang pinagsasabi nila. Lalo na’t pag-may naliligaw o pumuntang mayayamang tao dito sa lugar namin ay hinoholdap namin sila . . . And you can’t blame us.

Kailangan naming mabuhay, kaya nagnanakaw kami ng kung ano anong gamit sa mayayamang taong pumupunta dito para makakain kami ng agahan, pananghalian, at haponan.

Hindi ko alam kung paano ako napunta dito, noong bata pa ako. Basta’t lumaki nalang akung dahang dahan na nakikita at namulat sa katutuhanang ganito ako— kami.

Buhay ko ang pagiging snatcher, o sa tagalog, ‘magnanakaw’.

Kung hindi ka gagawa ng masama sa lugar na ‘to, mamamatay ka sa gutom.

Walang mababait, walang tulong tulongan na nagaganap dito. Walang nagma-Maria Clara sa lugar na ito. Dahil pagnakita ka nilang mabait, matulongin at madaling magtiwala. Tiyak na ikaw na ang next target nila, para kumita. Inuutosan nila ang mga taong mahihina para mangholdap o magnakaw, higit sa lahit inaalila nila ‘to. ‘Ni hindi ko nga masikmura ang ganong gawain nila, ngunit wala akung magawa, lalo na’tsa mga babaeng naaabuso.

“Ezen! Bumalik ka dito!”- sigaw ng dalawang ug*k na humahabol sa akin.

Mas lalo ko pa’ng binilisan ang pagtakbo noong makita ko silang, medyo malapit na sa kinaruruonan ko.

‘Mga tang’na! Hindi talaga ako tutulongan ng mga ugok na ‘to!’

Napangise ako ng may makita akung makipot na tambakan ng mga basura. Kaya agad kong tinakbo at dumiritso doon.

‘Whaaaa! Bakit parang mga aso kung makahabol ang mga ugok na ‘to papunta sa akin!’

Humihingal hingal akung napaupo sa gilid ng makapasok na ako sa tambakan ng mga basura.

“Tang’na! Bakit ang baho-baho naman dito?!”

ABA! E malamang, tambakan nga ng basura ‘di ba? ‘Huwag ka’ng maging b*bo, Ezen! Wala ka na ngang utak, nagpapahalata ka pa!’

Para akung masusuka sa alingasaw na nanggagaling sa amoy ng basurahan. Kaya napatakip ako bigla ng aking ilong dahil sa baho na nanggagaling dito.

“Walang’ya! Natakasan tayo ng babaeng ‘yon, pare!” galit na usual nito sa kasama.

“P*tang’na! Hanapin mo doon g*gong ka! Dito ako sa kabila.”

Pigil hininga akung napakagat sa ibabang labi dahil sa subrang kabang nararamdaman, nang marinig ang boses ng mga ‘to.

Napahinga ako ng maluwag ng marinig ang papalayo nilang mga boses at yapak.

“Meow! Meow! Meow!”

“P*tang’nang g*go ka!”- malakas na mura ko dito.

Puny*wa! Sinong hinay*pak na pusang ‘yon?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Is WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon