Raven's POV
NAKITA ko ang pagpasok ng mga myembro ng royals dito sa opisina ni headmaster. Binalingan ko naman si Leo na kasalukuyang naghahanda ng maiinom na tsaa.
"Narito na sila headmaster," imporma ko.
"Sige," bitbit ang isang tray na naglalaman ng tea pot at cup ay naglakad sya papunta sa mahabang lamesa kung saan madalas maganap ang mga meetings nya.
"Sorry for being late," wika naman ni Calvin.
"It's totally understandable," nakangiting sagot naman ni Leo. "Maupo na kayo para masimulan na natin ang meeting."
I sat beside headmaster while the rest sat on the opposite side of the glass table. Isa-isa ko din silang inabutan ng tea cup habang si headmaster naman ay may binabasang mga papeles.
"I hope you're still doing good with your studies," wika muli ni headmaster.
"Everything is fine," si Ava na ang sumagot. "We can still manage headmaster."
Napatango naman si Leo. "Bueno, uumpisahan ni Raven ang diskusyon tungkol sa mga nangyayari sa academy nitong mga nakaraang linggo."
Tumikhim muna ako bago binuksan ang laptop na dala ko.
"Papalapit na ang inter-school duel," umpisa ko. "How's the preparation?"
"Malapit nang matapos ang paghahanda sa hall kung saan gaganapin ang ability test," sagot naman ni Calvin. "Both systems and beast are ready for the upcoming test. Hinihintay na lang namin dumating ang mga halimaw mula sa Dolara."
Nagsimula naman ako mag-type sa aking laptop. Ang Dolara ay ang lugar kung saan naroon ang mga malalaking kulungan ng mga halimaw na nahuli. Sila ang naka-assign para ikulong ang mga halimaw na nahuhuli sa iba't ibang parte ng South Alegria.
"We are still coordinating with the head of the program," sagot ko. "There is a high chance that the duel will be cancel."
"What?" bulalas naman ni Xavier. "Pero dean, ilang linggo na lang at magsisimula na ang duel."
Binalingan ko naman sya. "I'm afraid that whatever their decision is, we can't do something about it. Aware kayo sa mga nangyayari sa paligid. They are just taking precautionary measures since we don't know kung kailan mangyayari ang sunod na pag-atake."
To be honest, the vatican are already on alert. Maging ang iba't ibang ministry ay nakikipagtulungan na din sa militar para mapigilan ang mga pag-atake sa iba't ibang bayan ng South Alegria. Ilang bayan na ang nagmistulang ghost town dahil sa mga pag-atakeng iyon ng di pa kilalang grupo. Malakas naman ang kutob ko na ang Black Council ang nasa likod ng mga pag-atakeng ito. Kaya nga maging ang Light Vatican ay hindi na din mapakali.
"Should we inform the students about this?" tanong naman ni Ava.
I shook my head. "Huwag muna. Like what I've said, we're still coordinating with them. Wala pang pinal na desisyon kung mapo-postpone ba ang duel o hindi."
"Tama si dean," segunda naman ni Dylan. "The government are trying their best to hide this matter. Hindi pa gaanong lumalabas sa balita ang mga nangyayari. If we're going to announce that, it will just start another rumor. Hindi naman natin pwedeng sabihin ang totoong dahilan. That will just cause panic to our students."
Tipid akong napangiti sa sinabi ni Dylan. He really got the brain.
"Don't worry about the security," sabad naman ni headmaster. "Bukas ay darating dito sina Angela. She will bring more people to help us secure the academy. With all the happenings, we need all the help to protect all our students."
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasíaSuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022