Ryla
Oh well, that is the day. The day na nakasama ko sila Princess at Rence. Feeling ko that time may mangyayari. I feel nervous and sad that time. And about sa sinasabing plano ni Kyle, that morning ko lang narinig.
Nagvibrate phone ko sa tabi ko.. Huh? Sinong magtetext ng ganitong kaaga? Teka, anong oras na ba? Kinuha ko phone ko. Woah. I have 5 missed calls and 7 text messages. Okay?? Nalilito na ako. Binuksan ko phone ko...
"What the f?!" Omg. 9:30 am na. And SABADO pa? May lakad nga pala kaming magbabarkada!! Tumayo na ako at nagmadaling pumunta sa banyo. Kaya pala tinatawagan nila ako. 8:00 yung time na magmimeet kami. Oh no!!
Nagvibrate ulit phone ko, ngayon tumatawag si Kyle.
"HOY MS. SUNGIT! NASAN KA NA BA?! KANINANG 7:30 PA KITA TINATAWAGAN AH. TAKTE, BILISAN MO NA! HINIHINTAY NA KITA, ACTUALLY NAMIN! LAHAT SILA NASA MALL NA. BAKA NAKALIMUTAN MO?" Aga-aga, sumisigaw na 'tong si Kyle.
"Opo opo opo. Maliligo na PO ako!! Pwede ba? Aga-aga, sumisigaw!"
"Bilisan mo ah. Dapat 10 sharp nandito ka na sa bahay ko ah." Pinatay ko na yung tawag.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis na agad ako at umalis na sa bahay. Simpleng tshirt at pants suot ko. Nakarating na ako sa bahay ni Kyle bago mag-10. Well, sabi niya 10 sharp eh, 9:57 palang so maghihintay muna ako saglit sa labas ng bahay niya.
"Nandito ka na pala at hindi ka manlang nagtext?!" sabi niya nang lumabas siya sa bahay.
"Sabi mo 10 sharp eh?" Aaminin ko mas slow ako kaysa sa kanya so sana magets niya joke ko.
"Ha ha ha ha ha nakakatawa. Tara na! Hinihintay na nila tayo sabi ko pa man din na late na akong gumising." Basically, hinihila niya ako.
"Galing magsinungaling ah. Huyy! yung plano pala, hindi niyo pa sinasabi sa akin." bigla kong naalala.
"Walang plano. Pero may mission ka." sabi niya. Oooohhhh.. Secret mission. I love it!
"Mission mo, landiin mo, well hindi naman yung landi na pang-pokpok, basta agawin mo lang si Rence kay Princess ha." tinuloy niya.
"Pano ko gagawin yun?" nag-alala ako bigla.
"Basta wag mo ipahalata, 'kaay? Pano mo gagawin? Nasa sa'yo na yun. Well, goodluck!" nakakalito naman tong kausap.
"Buti naman at nandito na kayo! Susme! 2 hours namin kayo hinintay!" ito na naman yung kadaldalan ni Krystal! Hay nako.
Lumapit siya sa akin, "Alam mo na ba yung gagawin mo?"
Tumango nalang ako. Dumerecho ako sa pwesto ni Rence at kinuhako braso niya.
"Tara na!!! Lemme watch Fast and Furious 7!!!" sigaw ko habang hila-hila ko si Rence. Yung iba, nanuod lang, parang naibahan sila sa galaw ko. Nasorpresa rin si Princess. Well, that's the plan.
Nang malayo-layo na kami sa kanila, binitawan ko na si Rence. "Anong nakain mo ngayon Rye? At biglang hinila mo ako sa kawalan?!"Wow, nainis si Rence ah.
"Sorry sorry!" Tinaas ko mga kamay ko bilang pag-surrender. Sus! Hay nako! Juice colored!
Hindi ko na pinansin yung iba, dumerecho nalang ako sa sinehan at bumili ng ticket.
"Hala." Kinapkap ko bag ko, pockets ko... Hala, nawawala wallet ko! Jusko, wala akong pambayad. Huhuhuh
Bigla kong naalala... dahil sa masyado kong pagmamadali kanina... OMO. NAKALIMUTAN KO SA BAHAY. TANGA KO TALAGA.
"2 tickets po para sa Fast and Furious 7." Oh no. Naunahan ako ni Rence. Nung ibabayad na niya yung pera, buti natigilan ko siya.
"Rence. Wag mo na ako bilhan ng ticket." Ayaw ko kasing nililibre ako ng mga movie tickets eh. Pero kapag ililibre ako ng pagkain, go!
"Sinong may sabi na para sa'yo to?" Ouch. Ang sakit nun Rence. Wew. Ganun pala ako ka-feeler. Woah. Ang speechless ko sa tapat ni Rence. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko masabi. Bumubuka bunganga ko na parang may gustong sabihin pero walang boses na lumalabas. Dumating na yung iba, and I mean by iba pati si Princess. Dumerecho si Princess kay Rence at inabot ni Rence yung movie ticket ni Princess habang nakatingin sa akin. Ang dami kong nararamdaman ngayon. Ang dami kong gustong sabihin. Pero ang actual na nangyayari, nakatunganga lang ako, dito.
"Nakabili ka na ng ticket Rence?" tanong ni Francis. Hindi ba halata Francis? Hindi siya sinagot ni Rence, dahil napaka-obvious nga naman.
"Anong nangyari Rye?" Tanong ni Kyle habang lumapit sa akin kasama sila Trysha, Krystal at Brandon. Habang sila Michelle, bumili ng kani-kanilang ticket.
"Wala. Wala." Bumalik na ako sa sarili ko. Lesson learned: Wag mag-assume. "Narealize ko lang na naiwan ko wallet ko sa bahay."
"Sinong may kasalanan ngayon?" tanong ni Brandon. Masasapak ko na siya, unti nalang eh.
"Ha ha ha ha." Inikot ko nalang mga mata ko sa kanya.
Pumunta na kami sa ticket counter, " Please, libre niyo ako. Babayaran ko sa Monday." Ilang beses ko na ito pinaulit-ulit sa kanila. Tinatawanan lang naman nila ako. Ganun naman talaga sila eh.
"PLEASE NA..." nagpa-cute na ako sa kanila at lahat-lahat pero ayaw pa rin nila.
Nainis na ako at umupo nalang ako sa upuan. Hindi ko tuloy mapapanuod yung favorite kong movie.
May pumunta sa harapan ko at may hawak-hawak na movie ticket ng Fast and Furious 7, tumingala ako para makita ko kung sino. Syempre, hindi ako tatanggap ng alok kung kani-kanino diba.
"Ito na. Para sa'yo."
A/N:
Sino kaya yung nagbigay?
Comment and Vote now! :**