Set you FREE...

44 1 1
                                    

My LOVESTORY nga ba talaga???

By: Xhiepot

(hindi ko po alam kung tugma ung title ko dun sa content, and sorry po sa wrong spelling at grammars. hope you like it.)

Haist… nakakainip talaga pag walang pasok. Sembreak nanaman, pahinga sa mga projects, activities, major examinations, at lalo’t higit sa mga katakot takot na contributions sa school. Hirap talaga maging college, dami mo dapat intindihin para ngang no time na para sa LOVELIFE… ehemmmm!!!! Wala na nga ba?...o puro lovelife ang iniisip kaya nasasabing mahirap maging college. Hehehehe peace tayo mga kumare hah. Ganun din naman ang ate mo kaya patas lang tayo…ahahahaha. Naalala ko tuloy lahat lahat ng pinagdaanan ko noong Grade 5 ako hanggang kaninang madaling araw kaya ako nandito sa loob ng kwarto ko, nagmumukmok… umiiyak… nasasaktan… at ang dahilan kung bakit ko ito naitype sa laptop ko para maging bagong composition na idadagdag ko sa aking mga writing collections…

Transferee ako noon sa elementary school na pinasukan ko. Bagong lipat kasi ako galing sa Bicol Province. At dahil matataas ang grades ko sa aking classcard, sa section one ako napasama. Noong una walang pumapansin sakin, akala daw kasi nila maldita ako, mayaman, masungit, mataray, maarte, masyadong matalino, isnabera at kung anu ano pa. Arayyyy ko naman!!! Puro negative yon ah. Wala bang positive manlang.????? Ahahaha yon ai akala lang daw naman nila. Hanggang sa isang araw kinakausap na ako ng aking seatmate, isang babae na maganda pero tahimik. YES!!! Sa wakas may kumausap na din sa akin. At sya ang una ko doon na naging kaibigan. Kinalaunan, dumami na din ang naging kaibigan ko at madami na din nagkagusto. Oh diba ang taray ng ate mo???? Haba ng hair. Pero hindi ko muna inintindi noon ang aking Lovelife kahit na may isang tao akong crush, yon nga lang ubod ng sungit at pagkayabang yabang. Naalala ko tuloy noong lumubog ako sa fishpond noong time na pinaglinis kami ni ma’am sa labas, nadulas kasi ako sa daan kaya ayon, disaster ang nangyari but take note ha sya ang tumulong saken. Aba tingnan mo nga naman may magandang kalooban din naman pala ang mokong na yon.

Ayan grade 6 na kami… mas dumami na ang naging challenges namin ng mga panahong yon hah. Kasi nga graduating na po, preparation na namin yon para sa Highschool life… akalain mo nga naman sa murang edad ko noon matututo akong mainlove dahil lang nakiuso sa mga barkada at mga kaklase. Nga naman laki talagang influence ng environment. Sino ba naman ang mag aakala na ang taong kinaiinisan ko noong isang taon ay makacrushan ko at lihim ko palang mamahalin? Eheeemm…ehemmmm… ano daw?... hehehe salamat sa bubble gum na dumikit sa buhok nya napalapit ako sa kanya ng unti unti. Hanggang sa nagkaaminan na nga at sinabi din nya na he likes me too… naalala ko pa nga yong palabas sa TV ng mga panahong yon, yong kay Kim at Gerald- pamagat ay Sana maulit muli na kung saan uso yong kanta ni Gary V. at yong umaasa lang sayo na naging themesong naming dalawa. Ui mga pare at mare indi pa kami noon. Torpe kasi sya at natatakot din ako na baka malaman ng magulang ko  na may boyfriend na ako. March 2, 2007 lang noong naging kami, para ngang nabigla pa ako non eh pero ayaw ko ng bawiin ang sagot kong OO sa kanya… grabe sobrang saya ang naramdaman ko non, hanngang sa mag practice na kami ng mga gagawin naming sa Graduation day. Syempre naging lihim yong relationship namin noon kasi baka mabugbog ako ng mommy ko pag nalaman nya at magkanda uuwi yon mula sa New York.

Ayan na!!! ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw na pinakapinaghandaan naming ng halos isang buwan, ang bunga ng aming anim na taong pag aaral sa elementary… Ang aming pagtatapos . April 2, 2007, ang aming graduation day at ang aming first monthsary bilang mag boyfriend at girlfriend. Partner pa kami pag entrance eh . Binati pa nya ako kahit nandon ang mama nya at tita ko. Kahit kinabahan ako sa ginawa nya, syempre sobra akong natuwa at humanga sa kanya dahil hindi nya ako kinahiya. Pero hindi ko akalain ang gabing yon ang kahulihulihan naming pagsasama ng matagal. At ang huling araw na mababati nya ako ng happy 2nd, 3rd, 4th ,etc. monthsary.

Set you FREE...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon