Chapter 3- Problems

1.8K 60 7
                                    

Thank you for reach this chapter! Love you!

Unedited. Typos and grammatical errors. 

__

THE WHOLE lawn was filled with happy noises. Halos lahat ng empleyado ng mango plantation ay imbitado sa simpleng handaan na hinanda ng kanyang ina para sa kanya. For Levi, it wasn't simple for there are so many foods and delicacies on the table. Sanay rin naman ang mga tao na kapag dumadating siya galing ibang bansa ay may ganitong handaan. Medyo gulat lang siya dahil nakaya ng ina niya na maghanda ng ganitong karami kung kagabi lang niya sinabing uuwi.

But, he loved the feeling of having so many people in the mansion. Just like what his father always did, he always made the people part of their little or biggest celebrations. And just like what his father always said, 'love your employees and manage them well, they are part of the growth of the hacienda.'

"Pangmatagalan na po ba ang pananatili mo rito, Sir Levi?" panimulang tanong ni Tatay Pablo sa masayang kainan sa mahabang mesa. Iyong iba naman ay nasa ibang mga mesa, so basically parang fiesta talaga.

Si Tatay Pablo ang isa sa pinakamatagal na nagtratrabaho sa plantation. Kanang kamay pa ito ng kanyang ama. His father died years ago.

"Isa lang po ang sigurado ako, ang patatakbuhin at palalaguin ang hacienda. I can travel to US anytime if work allows me to. Kung bakasyon o mga importanteng investors, kailangan kong lumipad."

Nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng mesa. His mother and Alyana beamed at him. He slightly smiled, iniiwas ang tingin sa dalawa. Mas ngumiti siya sa mga empleyado.

"Mabuti naman po kung ganun. Ikaw lamang ang pinagkakatiwalaan ni Anciong na magtataguyod sa buong hacienda. Tumatanda na rin ang Mama mo, mainam na manatili ka na rito," dagdag pa nito.

Kinokonsensiya talaga siya ng Papa niya. So propably, forever he would stay here for good.

"Alegre is beautiful and enchanted. I wonder why you keep traveling. You're lucky to have Alegre," matamis na komento ni Alyana na ikinatango niya.

Isa sa mga rason kung bakit ayaw niyang manatili ay ang presensiya ni Alyana. He was sorry to say that, but he didn't get why she was always here whenever he was at home.

Nang wala siyang maibato pabalik ay 'yong Mama niya ang nagsalita. "You can always stay here as long as you want, Alyana. Bukas ang Hacienda Alegre para sa'yo."

Alyana was pretty. Not the kikay or social pretty, but tagapagmana-heiress pretty. Isang tingin niya ito alam niyang sumusunod sa utos ng mga magulang at hindi sumusuway sa utos ng mga magulang.

Magkaibigan ang mga pamilya pero hindi importanteng ka-sosyo sa negosyo.

"Marami pang hindi napuntahan si Alyana, anak especially in Guisi Lighthouse. You could tour her around for some time. Kung hindi ka agad babalik sa pagtratrabaho."

Sumubo muna siya ng pagkain bago tiningnan si Alyana. May kung anong mahika yata ang dumaan sa paligid at iyong mga tao sa mesa ay tila'y kinikilig. No, this should stop instantly.

"Are you also managing your sugarmills, Ms. Vallejos? Are you into business management?"

"I will acquire our hacienda if Daddy will allow me to. And yes, I'm a finance graduate, and into stock and real estate investment." Magkaibigan ang pamilya kaya kilala niya si Alyana simula pagkabata pero hindi niya subaybay ang buhay nito.

He didn't care about her. Or her personal life.

"I'm also into stock investment and Javier, too. It would be my honor if we could talk about any kind of investments while touring around the island, but I have actually so many things to do tomorrow. Fabiz is actually free tomorrow. Pasensiya na talaga. Okay lang naman, 'di ba? Fabiz is our resident doctor here in Alegre. One of my trustworthy friends."

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon