Delaney
*Kring Kring*
Agad akong napamulat ng aking mga mata ng marinig ko ang alarm clock ko. Well, excited ako e. First day of school na namin ngayon 'no. Ako lang ata yung tarantado pero excited pumasok at matataas ang mga marka. I'm not that bad naman 'no. Tarantado lang talaga.
I got up from my bed and started stretching my body. Medyo inaantok pa pero keri lang. Kinuha ko na yung towel ko at naligo na. Matapos kong maligo ay agad akong dumiretso sa baba to prepare my breakfast. Ako na lang mag-isa sa buhay. My parents died in a car accident. Ni wala man lang akong kakilalang relatives, as in. I was only 11 when they died. Kaya maliit pa lang ako ay responsable na ako. Kaya ko ang sarili ko na ako lang. My dad has a large companies, while my mom owns a restaurant. Ewan ko kung paano ko iha-handle lahat. Buti na lamang ay maaasahan ang kanang kamay ni daddy. Siya ang naging nanay at tatay ko when my parents died. Siya rin ang tumatayong guardian ko.
Nang matapos akong kumain ay agad akong bumalik sa taas para magbihis. I just wore a plain nike shirt and black pants, paired it with a nike white shoes.
Nang makatapos na ako ay agad na akong lumabas ng bahay and hopped in my car. Seatbelts on and started the engine.
15 minutes lang ang byahe mula sa condo ko dahil malapit lang naman. Naghanap talaga ako ng condo na malapit sa school para hindi sagabal ang mahabang byahe at baka ma-late ako. Ayaw ko pa naman ng ganun.
It's 6:05 AM at masyado pang maaga. Ilan-ilan pa lamang ang mga estudyanteng narito. Agad akong tumungo sa dinudumog ng mga estudyante at kumuha na rin ng aking schedule. Tahimik ko lamang itong tinatahak ng may nakabangga sa akin.
"Aw!" Daing ko dahil sa lakas ng pagkakabangga niya sa akin. Tsk! Ba't ba kasi tumatakbo. Kailangan bang tumatakbo?!
"Oh gosh. I'm sorry, Miss. I'm in a hurry kasi, I didn't saw you." Maganda siya at ma-appeal. Dahil maganda ka, patatawarin kita.
"Oh no, that's fine. It's okay." I smiled to assure her.
"You sure?" She asked na ikinatango ko na lamang. "I'm Patricia. Call me Pat." Then she held her hand na tinanggap ko naman.
"I'm Zielle." Pagpapakilala ko sa sarili.
"Nice to meet you, Zielle." I smiled. "By the way, I have to go. See you around!" She ran again while waving her hand.
Napangiti naman ako. Good thing friendly na pala ako.
Kinuha ko na ang schedule ko at 8 AM pa ang first subject ko na Major subject agad. Grabe naman yun!
Napakalawak ng unibersidad na ito at hindi ko alam kung nasaan ang building namin! My gosh!
Even my introvert ass won't let me ask for help ay wala akong nagawa, I have no choice.
Lumapit ako sa dalawang babaeng nakaupo sa bench at tinanong sila.
"Hi, good morning. Can I ask where Architecture Building is?" I asked nicely. I don't wanna rude 'no. Ako may kailangan e, lol.
"Oh. First year ka?" Tanong ng morenang babae. Tumango naman ako. "Ay bongga! Tara, sama ka sa 'min. Baka magka-blockmates tayo!" She said excitedly sabay hila sa akin.
Wow ha? Feeling close agad e nagtanong lang ako.
"Oh, sorry." Binitawan niya ako ng mapagtantong medyo tight na ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"That's fine." I smiled. They smiled. Medyo tahimik ata itong isa e. Hindi nang-a-approach e, ngiti lang ambag.
"By the way, I'm Cashielle. And this is Hailee." Pagpapakilala nang madaldal sabay turo sa tahimik niyang kasama. "Sorry about her. Medyo shy type 'to e." She added. I just smiled saying it's okay.
"Patingin nga ng schedule mo?" Sabay hila ng papel na hawak ko. Wow talaga haaa. Feeling close masyado. Napangiwi naman ako mentally. "Great! Iisang sched lang pala tayong tatlo." She exclaimed.
Napangiti lang ako ng alanganin. Mukhang masisira ang plano ko ah. Imbes na maging mysterious quiet innocent girl ako e magiging badass na naman ata ako nito. Napakadaldal ba naman, jusko!