Hintay (Short Story)

1.4K 36 28
                                    

HINTAY

By: Splitseconds

July 28 , 2009 – Tuesday

            “Hindi naman masakit maghintay…”

            Dalawang taon na ang lumipas mula nung nagpaalam si Cyrus. Ang nag iisang lalaking nagpatibok ng puso ko. Ang lalaking kaya akong pasayahin habang pinapagalitan ako. Siya yung taong walang ibang ginawa kundi ipagtanggol ako sa mga nananakit sakin.

            Dalawang taon na kong naghihintay… Ilang araw na lang babalik na siya. Ilang araw na lang, tutuparin na niya ang pangako niya, ang magkasama kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, saya at sabik. Hindi na ko makapaghintay.

*flashback

 

“Pagbalik ko, pinapangako ko sayo Micah.. liligawan na kita.. magsasama na tayong masaya.. ” hinalikan niya ko sa noo..

 

 

Pag mulat ko na lang malayo na siya. Inaabot na niya yung passport niya.. iyak ako ng iyak nun. Kaso, iniisip ko na lang… hihintayin ko siya, hanggang makabalik siya..*

            Dalawang taon na mula nung nakita ko siya. Ano na kaya ang hitsura niya ngayon? Sigurado ako katulad ng ibang lalaki, maginoo na siya. Si Cyrus na matangos ang ilong, itim ang buhok, makinis ang balat, mapulang labi at mapungay ang mata. Sigurado ako, gwapo pa din siya..

            Panibagong araw na naman ng paghihintay… panibagong araw na naman ng pagpunta sa University kung saan ako nag aaral.. Kolehiyo na ko at nakatakdang magtapos ngayong taon..Gaya ng dati, uupo ako sa aking upuan katabi ng aking matalik na kaibigan na siMacon, sa kabilang banda naman ay si Joshua, ang nagmamahal sakin. Sa ilang taon na nakalipas sila yung laging sumasama sakin pag nag iisa ako..

            Hindi naman boring ang mag aral.. In fact, nageenjoy pa nga ako eh. Alam kong maraming kokontra sakin pero depende naman yun sa tao.

            Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw sa University dahil sa nakatambak na gawain, uuwi na naman ako ng bahay...

            Sa kwarto ko, dun nabubuo ang araw ko.. Dun kasi walang nakakapasok na iba.. Halos dito na ako nakain, nanonood ng tv at nagbabanyo.. Gumawa ako ng sariling mundo ko sa loob ng aking silid. Bakit sa silid lang? Kasi umuupa lang ako. Hindi ako ang tipo ng taong mayaman may kaya lang..

            Binuksan ko ang tv habang ako ay nagbubuklat ng aking mga reviewer.. kailangan kong mag aral baka bukas hindi ako makasagot sa tanong ng professor namin, nakakahiya yun pag nagkataon..Nakakaantok tingnan ang mga papel na ito. Hindi ko alam pero gusto ko na siyang makita.. Naramdaman ko lang na makikita ko na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hintay  (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon