Sabine's POV
One week na rin after ng first day of school. May ibang di pa rin nakakapag-adapt sa mga bago nilang classmates. Basta ako, okay na ako kasama si Jasmine.
"Sab, nuod tayo ng try-outs mamaya!"
"Try-out saan?"
"Basketball! Duh? Anong papanuorin natin? Badminton?"
"Eh? Ayoko! Waste of time."
"Sus! Di ba si Papa Cyrus mo na ang captain ball ng varsity this year?"
"Oh talaga. Who cares?"
"Well, ang buong student population lang naman."
Eh di si Cyrus na ang magaling. Siya na ang captain. Shocks. Oo nga pala, si Nadine ang cheer captain. Oh di ba? Bagay na bagay talaga. The King and Queen of Westridge Academy. Magsama sila habang buhay, who cares? Ang buong student population? Eeeeenkk. Minus one student yun kaya dapat almost all lang.
Dumating na yung teacher namin kaya nakinig na kami. Ang dami na kaagad assignments. Ang dami ng pinapagawa. Second week of school palang pinaghahanda na kami para sa mga gagawin next month pati next quarter. Daig daw ng maagap ang masikap. Napaka-competitive naman kasi ng class adviser namin.
Blah. Blah. Blah.
"Okay, that's all for today."
"Goodbye, Sir."
"Oi! Tara na! Try-outs na ng basketball!"
"Dalian mo na diyan!"
"Si Cyrus daw captain ball ng varsity ngayon di ba?"
"Siya lang naman ang deserving."
Ang sakit naman sa tenga ng mga narinig ko. Basta ako binagalan ko ang pag-aayos. Big deal ba talaga yang try-outs na yan? Parang last year lang todo cheer ako kay Cyrus. Well, that was last year. Ibang year na ngayon. Kailangan naman may kaunting pagbabago di ba?
Pag-angat ko ng ulo ko. Wala ng tao! As in alikabok na lang ng classroom namin ang kasama ko dito. Hindi naman sila ganoon ka-excited? Kahit si Jasmine eh nauna na. Ang sabi niya lang sa akin eh something good will happen. Ano naman yun? Wala akong balak masakisihan if ever.
Inayos ko na yung gamit ko sa locker. Wala naman akong nilagay na dapat kong iuwi? Hhhmm. Ang wallet ko tiningnan ko kung nasa bag baka kasi maiwan ko na naman. Nyay. Naalala ko tuloy si Henry. Pogi talaga ni kuya tapos ang bait pa. Wait? Kung taga South High siya ibig sabihin it's either mas matanda ako or kasing tanda ko siya. So hindi ko siya Kuya? Wait! Baka ate pa ako? Oh no!
"Hi Sab!"
"Ay palaka!"
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?