Misfortunes

2 0 0
                                    

"Hoy! Bumalik ka ditong bata ka! Kinakausap pa kita, bastos ka! Wala ka talagang silbi! ", rinig kong sigaw ni Tita Josie habang palayo  akong tumatakbo sa apat na hilerang  paupahang apartment nila. Muntik pa akong magkandarapa sa pagmamadali sapagkat mahuhuli na ako sa una kong klase. Galit si Tita dahil nasunog iyong adobong manok na niluluto na iniwan ko muna habang naliligo.  Napalakas pala ang apoy ko at medyo napatagal ako sa banyo kayo hayun, naiga na, tustado pa.

Si Tita ay kapatid ni Mama ko. Siya, si Tito Fred at dalawang anak niyang sina Janice and Fran ang tumirang kasama ko mula ng sampung taong gulang ako. Namatay sa aksidente ang parents ko at naiwan sa akin ang bahay at lupa at maliit na grocery store. Akala ko magkakaroon ako ng bagong pamilya pero parang ako pa ang nakikipisan. Inari na nilang kanila ang mga namana ko kina Mama at ginawa pa akong utusan. Wala naman ang akong magawa at bata pa ako. Mas mahalaga sa akin na pinag-aaral nila ako, pinakain, at hindi ako mag-isa. Ayos na din naman, nasanay ako sa hirap at hindi lumaking tamad, medyo palpak nga lang minsan.

Alam ko hindi ako tatantanan ni Tita kaya bago pa mabasag ang  eardrum ko ay mabilis na akong nagbihis at umalis. Kung makawalang silbi naman si Tita, parang hindi ako nag-general cleaning noong Sabado, naglaba, namalantsa at nagtupi ng isang tambak na mga damit kahapon at gumising ng maaga kanina para mamalengke at magluto bago ako pumasok sa school. Pagod na nga, nasermunan pa and worst, gutom na gutom pa. Haist.

***

"O, napa'no ka, Monday morning pa lang haggard ka na, anong ganap?" bungad ng best friend kong si Jean sa hintayan namin.

"As usual, na-bad trip si Tita sa akin. Nasunog ko almusal. May pagkain ka ba d'yan? Gutom na ako eh!" ungot ko sabay, kalam ng sikmura ko.

"Naku, wala ako baon eh pero binili kita ng kape, magmasid ka na lang ng mga gwapo, isipin mo pandesal," may hagikgik pang parang kinikiliting tugon niya.

Napabungisngis na rin ako. Ayokong simulan ang linggo kong pangit kahit maraming negative vibes. I want to be always hopeful and optimistic. Huminga akong malalim at inaya ko na siya sa classroom namin.

***
"Hi Laine! Ganda mo talaga, kailan ka ba papayag makipag-date sa akin? Kahit isama mo na itong asungot mong best friend, payag na ako, bigyan mo lang ako ng chance," masayang bungad ni Jed sa akin.

"Wow ha, asungot talaga! Kapal mo din eh! As if naman papayag akong third wheel noh?! Tsaka, pwede ba, friendzone ka na nga eh, umaapela ka pa! Acceptance is the key, okay?" nang-aasar na kontra ni Jean.

"Alam ninyo, mas bagay kayo," sabay tukso ko, "opposite poles attract, 'di ba? Kayo nalang kaya?"

"Grabe naman, bastedin mo nalang ako ng paulit ulit, pero huwag mo  naman akong ipamigay, lalo na sa masama! Kahit kaibigan mo pa!" Kunwaring naghihinanakit na sabi ni Jed.

"Sarap mo talagang patulang lalaki ka! Pigilan mo ako Laine! Baka hindi ko iyan matantiya!" nanggagalaiting wika ni Jean sa nakangising si Jed.

"Tumigil na nga kayo, and'yan na si Ma'am oh, mamaya n'yo na ituloy LQ n'yo, " gatong ko pa sa dalawa bago kami tumuloy sa designated chairs namin. Humabol pa ng irap si Jean habang nag-peace sign naman ako.

***
"Guys, nood tayo ng basketball game mamayang 2pm, wala daw si Mr. Acuzar. Nag-iwan lang ng mga topics for advance reading." yakag ni Tim sa amin. 1:00 pm na at kakatapos lang namin mag-lunch.

"Sama tayo Best, wala naman tayo gagawin. Hindi ka din naman agad makakauwi. Tsaka, ang gagwapo daw ng mga Shooters! Tara, dali!"

"Bad influence ka talaga Jean kay Laine, iyong game panonoodin natin  hindi iyong mga player."

"Pakialam mo ba? Threatened ka  lang at baka doon mahanap ni Best ang true love niya eh 'di nawalan ka na lalo ng pag-asa!" Sabay exaggerated na humalakhak pa.

Nakakunot na at parang mapipikon na si Jed kay Jean kay gumitna na ako, "Mga pinagsasasabi mo Best! Ikaw naman Jed, palapatol ka din eh, tigilan  n'yo nga love life ko. Love comes the least you expect it. Hindi ako naghahanap at hindi nagmamadali."

***

"Best, restroom lang ako. Saan ba dito?" tanong ko habang nakapuwesto na kami dito sa bleachers sa gym.

"Labas ka dyan tapos, turn left on the second corner. Diretso ka lang. Samahan ba kita?"

"Asus, h'wag na, saglit lang naman ako."

***

Medyo nalito pa ako kung saan liliko. Mahina din ako sa directions eh. Nakarating din naman ako sa comfort room. In fairness, ang bango at mukhang bago. Pumasok na din ako sa isang cubicle. May sumunod pa sa akin na tila nagmamadali.

"Oh shit babe! That's hot!"

Medyo natigilan ako. Parang kakaiba ang dating ng pagkakasabi noon. Parang hinihingal at tunog malaswa. Baka guni-guni ko lang. Tumayo na ako at lumabas.

And there, I'm stunned by a pair of  deep set brown eyes. Cold but unnervingly hot, piercing through me with intensity... and  malice.






























You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Definitely YouWhere stories live. Discover now