May crush ako kay Sebastian Denn Salvador. Bagong salta sa class namin pagdating ng 3rd year high school. Ang kaso noong mabanggit ko sa mga kaibigan ko na may bago kaming classmate na gwapo, sabi nila:
"Nyee. Hindi naman masyado."
"Ok lang."
"Sakto lang pero di gaano."
Na-disappoint ako sa sagot nila. Ganun ba kalabong mga mata ko? 'Yon tuloy, di ko na sinabing crush ko 'yon.
Ewan ko, para sa akin kasi, importante 'yong tingin ng barkada kong 'to. Hindi naman din sila basta-bastang barkada lang. They've been with me through thick and thin. And I've been with them when they're down at kapag walang maisagot sa test. :D
Totoo naman e. O sige para maniwala kayo, heto ang profile namin.
Le Me:
Name: Stefani Mari Reynolds
Age: 14 yrs. old
Bday: Oct. 10, 1998
Talent: W-A-L-A
Saan Magaling: MATHEMATICS, ENGLISH, SCIENCE. In short, ACADS at Love Advices
Description: Kulot, Maputi, Maliit, Chubby, Singkit ang mata, AND MAGANDA :D JOKE! PANGO. :)
friend1:
Name: Raiza Mae Miguel
Age: 14 yrs. old
Bday: Dec. 11, 1998
Saan Magaling: Ka-kikayan at VOLLEYBALL
Description: Morena, MAGANDA, SEXY at PANGO. :)
friend2:
Name: Jeramie Razon
Age: 14 yrs. old
Bday: Oct. 17, 1998
Saan Magaling: VOLLEYBALL at Kalandian, chos :p
Description: Matangkad, Maputi, Sexy, MAGANDA at Mahaba ang hair at PANGO. :)
friend3
Name: Ishy Laine Gargoles
Age: 14 yrs. old
Bday: November 5, 1998
Saan Magaling: Tagayan
Description: PUSONG-LALAKI, Maputi, GWAPO at PANGO :)
friend4:
Name: Aira Mesa
Age: 18 yrs. old
Bday: Oct. 17, 1994
Saan Magaling: EWAN
Description: MATANDA (Haha :)), MAGANDA, Katamtaman ang kulay, Maliit, at PANGO.
Pansin niyo ang similarities, di ba? :D Kaya nga kami tinawag na TROPANGO. At alam niyo ba kung sino ang may gawa nun? YUNG CRUSH KONG SI SED!
I thought ako yung nagbigay sa kanya ng SED na nickname. Pero sabi ni Dom, yun din pala yung tawag ng family niya sa kanya. Sa school kasi, sa surname siya tinatawag. Akala pa nga ni Dom sobrang pagiging stalker ko nalaman yung nickname ni Sed e.
Naisip ko lang naman yun nung pinaglalaruan ko ang name ni Sed.
Ang lungkot ko kaya nung nalaman ko yun. Akala ko kasi ako lang nakaisip nun. Mehehe
Ewan ba, pero ganun ako e.
Anyways, siya nagbinyag sa amin niyang pangalang "Tropango" after ng mga ilang months matapos ang first day of school at palagay na ang loob namin sa mga bagong salta.
BINABASA MO ANG
Si Bestfriend o Si Crush? (ONE-SHOT)
Short StoryAnong gagawin mo kung nagkaroon ka ng minahal pero sa bestfriend mo may gusto? Kalilimutan mo ba ang pagkakaibigan niyo lalo 'pag nalaman mong gusto rin ito ng bestfriend mo? Ano bang mahalaga? Bestfriend o Crush?