**6**
Nung pagkadating naman namin sa school eh nagprisinta si Miko na ihahatod na daw niya ako. Sabi ko nga wag na kasi alam kong pagod siya. Pero nag-insist siya. Kaya wala akong nagawa.
Pag-uwi naman namin e nabigla ako kung sinong nasa sala namin.
Guess who. -___- Si Ashley. Akala ko saturday pa yung dating niya? Nabigla naman siya kasi pumasok din si Miko. Alam niyo naman, kukumustahin nanaman si Daddy.
Umakyat naman ako sa kwarto tapos naramdaman kong may sumusunod saakin. Si Ashley. siguro he wants me to explain kung bakit kasama ko si Miko.
"Uhm. Akala ko sa saturday pa yung dating mo? Wala ka bang pasok bukas?" tanong ko pero may along parang kaba. Kasi feeling o galit siya eh. Kahit siguro ako magagalit. Hindi ko naman alam eh.
"Wala." yun lang yung sinabi niya.
"Ah yung kay Miko uhm siya yung may gusto na ihatid ako eh kasi palagi niyang pinupuntahan si Daddy dito."
"Baka naman dinadaan lang niya yun para makasama ka? Kailan pa siya palaging pumupunta dito? Bakit hindi mo sinasabi saakin? Ha? Siguro may gusto ka na sakanya? Niloloko mo ako?"
"Wag kang magsalita ng ganyan. Ganun ba ang tingin mo saakin? Ashley sa tagal na natin magkakilala. Please naman. Kaya nga eto ako oh, nag-eexplain sayo. Na walang namamagitan saamin. Friends lang kami. You know naman na ikaw yung gusto ko. No, ikaw yung mahal ko Ashley. Please don't be like this."
"Ang hirap Summer. Ang dami kong mga sakripisyong ginagawa para lang makasama kita. Tapos ikaw iba yung kasama mo kapag wala ako? Ano yun? past time mo ako ganun?"
"It''s not what you think! Kilala mo ko Ash. Hindi ako manloloko."
"Well I guess hindi kita ganoon kakilala." tapos umalis siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I was dumbfounded. Hindi ko magalaw yung mga paa ko. Kasi pakiramdam ko kapag gumalaw ako maiiyak ako. :((((((
And ganun nga. Ayaw tumigil ng mga luha ko. :( Kainis naman siya. Parang hindi kami magkaibigan. Alam naman niya na mahal ko siya. Hindi ako nagffail na ipakita yun sakanya. :'( tapos yung simpleng ganito lang iiwan niya ako? :((( I can't even....
Miko's POV
Lumabas naman ako kaagad para sundan si Ashley. Shempre kailangan kong mag-explain sakanya. Medyo naririnig ko kasi sila kanina sa taas. Nalulungkot ako para kay Summer.
"Pare, mali yung iniisip mo." Nakaupo siya sa may bench sa garden nila Summer.
"Alam ko." sabi niya na parang napiyok pa siya. Teka umiiyak ba siya?
"Pare, pwede bang makiusap?" tanong niya.
"Teka bakit anong nangyari ba?"
"May sakit mama ko, kailangan naming pumunta sa Amerika. Hindi ko alam kung gaano katagal. Kailangan magpa-opera ni mama. Hindi ko kayang mawala si Summer sakin pero mas hindi ko kaya na mawalan ng nanay. Naiintindihan mo ba?"
"Bakit hindi mo nalang sabihin sakanya? Mas kilala mo si Summer kesa saakin. Siguro maiintindihan ka niya." sabi ko.
"Alam ko maiintindihan niya ako. Pero ayaw kong maghintay siya saakin. Gusto ko kahit nasa Amerika ako maging masaya siya. Na wala siyang iniisip. Napaka babaw na dahilan diba? Pero siguro eto yung dapat kong gawin. Ikaw na muna bahala kay Summer ah." pagkasabi niya nun eh pinunasan niya yung luha niya tapos tumayo na at naglakad paalis.
Umakyat naman ako sa taas at nakita kong medyo bukas pa yung kwarto niya. Aba, tulog siya. Pagod siya. At alam kong pagod din ang puso niya. Ako na muna bahala sakanya? Payag ako dahil alam ko naman ang pakiramdam ng naiwan eh. Masakit. Parang nung namatay si Papa. Pagkatapos nun eh umuwi na ako. Buti nalang wala kaming pasok bukas.