**7**
Summer's POV
"Anak, breakfast in bed." aba, anong meron at may breakfast in bed? At hindi ko napansin na nakatulog ako kagabi kakaiyak. Kakaiyak? :( naalala ko nanaman. Sanang di nako nagising. Ashley, diba nabigla ka lang? Ang saya saya natin eh. Tapos biglang ganun? :'(
"Anak wag kanang umiyak. Andito lang kami ni Jet sa tabi mo. Pasasayahin ka namin. Alam ko kahit hindi naging kayo eh masakit kasi isa siya sa mga matagal mo nang kaibigan. Pero andito lang kami magsisilbing lakas mo." hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Niyakap ko naman si Daddy. Sila nalang ang meron ako ngayon. :'(
"Dad.. Si Miko? Ano pong nangyari sakanya?" naalala ko naman siya. Baka kung anong nangyari sa baba kagabi.
"Pagpasok niya ulit dito kagabi eh parang tulala siya. Hindi ko alam yung nangyari, nagluluto kasi ako. Umakyat pa nga siya para tignan ka eh. Kaso nakatulog kana pala. Napakabuting bata talaga ni Miko. Anak kain kana."
"Mamaya nalang po. Wala pa po akong gana eh. Thankyou po dito dad. I appreciate this."
"Alam ko anak. Basta alalahanin mo palagi andito lang kami."
Tinignan ko naman yung phone ko. 8 messages.
3 kay Jenna.
Msg1: Bruha :( sinabi ni Ashley kung ano yung nangyari kagabi. Hayaan mo muna siyang magpalamig ng ulo. Kasi ngayon lang siya nagseryoso. Kaya he's taking small things seriously. Loveyou girlfriend.
Msg2: Dito lang ako palagi.
Msg3: Skype tayo tonight. Miss you.
Tapos yung apat naman puro mga GM lang. with quotes pa na pang inlove. Hay. :( pero sana nga magbago yung isip ni Ashley :( kasi ang sakit naman eh! Ang babaw ng dahilan. =(((
Pero meron ding message si Miko.
Msg: Summer, gusto ko lang malaman mo na okay lang ako. Pero alam ko ikaw hindi ka okay. Kaya sana malaman mo na you have my back. Kung hindi mo na kaya, andito lang ako. Wag kang magpapagutom. Hindi mo bagay ang buto-buto. Joke lang. Kung kailangan mo ako, I'm just a text away.
Hindi ko alam kung mata-touch ba ako sa sinabi ni Miko o matatawa lang ako. Ok na sana eh. I smiled at the thought na andaming concerned. I feel loved kahit papaano.
My weekend was.. Uhm. Fine? No. :( Duh.. Sanay kaya akong andito siya kapag saturday. Akala ko nga dadating siya eh. Para ano, you know para magpasorry. Na sasabihin niyang nagbago na yung isip niya. Na nabigla lang siya. Pero hindi eh. The only person who went here eh si Miko. Shempre para sa painting lessons niya and to check nadin daw kung ok ako.
/ MONTHS AFTER. Start ng 2nd semester /
Hi guys!! I'm still alive and kicking. Hahaha. Okay na din ako. Thanks to my friends! Shempre sa ever loving family ko. :))))
"Summer! Nakuha mo ba yung sa Algebra? Absent ksi ako eh. Paturo naman oh." pangungulit ni Anya. May pa Bora bora pa kasi. Hahaha. Nakakamiss magbora! -__-
"Ayan, anong napala mo diyan sa Boracay? Ayoko nga. Ayan oh kay Ysh. Mas magaling saakin yan eh." sabi ko.
"Ihh ganyan ka no bestfriend." pag-papaawa niya. Haha.
"Ganyan yan. John Michael yan eh." singit ni Shar.
"John Michael?" sabay sabay naman kaming apat.
"AnJOHN kapag MICHAELangan. K di benta." -Shar
"Ewww. Baduy!" sabi ni Anya.
Sumakit ulo ko sa kakakulit ni Anya kaya pumayag na din ako. Wala kaming english eh. Kaya mas mahaba yung lunch break namin. Sayang, favorite ko pa naman English. Guess what baby! Talagang naka merge na samin yung mga ComSci. :> Classmate namin sila sa lahat ng subject. ^_________^