Chapter 28

4 0 0
                                    

"Babe, kain ka muna"



Abala ako sa pag-aaral at ilang araw narin akong walang sapat na tulog at isama mo pa yung stress ko. Malaking pagsisi itong desisyon kong pasukin akong kursong ito pero hindi ako pwedeng sumuko.



"Last nalang toh" sabi ko at narinig ko naman siyang bumuntong hininga. Pero nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko at subuan ako kata napatitig naman ako sa kaniya.



"Sige lang, just continue reading" aniya kaya napanguso naman ako at sinubo iyon kaya ngumiti naman siya. "Don't stress yourself, please?"



It was always like that. Ever since I moved to Manila, I started living with Quen. My parents bought me a condo unit pero madalang lang ako doon kasi palagi na kaming magkasama ni Quen. He also helped me with my studies, gaya kapag nag rereview ako he would be the one asking me questions at sumasagot naman ako. He also thought me tricks kapag nag-aaral ako like kung mag mememorize kung paano ko mas mapapadali. He was a huge help.


I would still often communicate to Kaia and Auri though and all we do is rant. Amarah is doing well, bumalik narin si Noeh sa Amerika. Madalas ko rin namang nakikita si Blaize kapag lumalabas ako kasama si Quen o yung mga naging kaibigan ko. Minsan nag-aaya rin kasi si Blaize kaya nagkikita talaga kami.



Madalas kaming sabay na pumapasok ni Quen kapag nag me-meet yung schedule namin. We're actually living in a house na bigay sa kaniya ng grandparents niya when he graduated college. Magna rin naman kasi siya nung grumaduate eh. Talino talaga ng ebab ko.



Nasa bedroom na kaming pareho but unlike him, I was still studying habang nakahiga na siya sa kama at tamang scroll lang sa phone niya. Daig niya pa ako sa kaka shared post ko eh. Parang 'di busy sa med school ah?



"Babe, let's sleep na" aniyang kinakalabit ako


"Mauna kana, tatapusin ko pa to" sagot ko kaya bumuntong hininga naman siya. Akala ko titigil na siya pero naramdaman kong pumasok ang kamay niya sa loob ng t-shirt ko kaya hinampas ko yun at tumawa naman siya "Parker, ang kulit ha!"


"Let's sleep nanga kasi ehhh"


"I'm not finish panga!" Pagmamatigas ko kaya napanguso naman siya at patalikod na humiga, nagtatampo "Ay wow, tampo yarn?" Pang-aasar ko pero hindi siya sumagot. Napailing-iling nalang ako at sinara yung librong binabasa ko at nilapag sa side table at umayos ng higa saka patagilid siyang niyakap.



"Eto na oh, matutulog na" sabi ko at siniksik ang mukha sa leeg niya "Di mo naba talaga ako kakausapin??? Huuuy" pangungulit ko at mas niyakap siya ng mahigpit "Sino bang babae sa 'tin ha?" Daig niya pa ako magtampo ah! "Di mo talaga ako papansinin ha, pwes." Bumangon ako at lumabas ng kwarto ng may ngisi. I went downstairs to the kitchen dahil parang gusto kong kumain ng ice cream. Natuwa naman ako ng makitang may natira pa dun sa binili namin kagabi sa freezer kaya nilabas ko iyon at kumuha ng spoon.


"Yumm" I opened the container and ate a spoon full. Nakaupo lang ako sa counter top habang kumakain ng marinig ko ang mga yabag niya sa hagdan kaya napangisi naman ako hanggang sa pumasok siya sa kusina. "Di mo ako matiis noh?" Pang-aasar ko pero binalewala lang ako nito at dumiretso sa ref at naglabas ng tubig. Napa tsk naman ako at inirapan siya.


Tahimik lang akong kumakain ng ice cream, making faces, dahil naiinis na ako dahil hindi niya ako pinapansin when he suddenly stole a kiss from me at tawa-tawang tumakbo paalis.


"HEY!" Sigaw ko at nilapag sa sink yung ubos na container ng ice cream at hinabol siya. Pagkapasok ko sa kwarto namin nagtaka pa ako kung bakit ang dilim. I was about to open the light when he suddenly pulled me and closed the door, pinned me against the wall and kissed me. We only stopped we were both almost out of breath.


My Greatest Adventure (BRKDA SERIES 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon