Prologue

6 1 0
                                    

"You're taking over my parents' case?"


Kalalabas niya lang mula sa opisina niya ng hatakin ko ang suot niyang suit. "Nikkolo, what are you doing? Akala ko ba nag-usap na tayo?"


"Kaya nga. Nag-usap tayo. Hindi naman na kita ginagambala sa trabaho mo, in exchange of your time and company every night. Our deal is going smoothly."


Nakita ko ang ilang dumadaan na nagsisimulang tingnan kami, kaya hinatak ko siya palapit sakin at gigil na bumulong sa kanya, "Stop meddling with my life, Nikkolo."


"Will you stop involving yourself with them, Glycelle?"


Lumuwag ang pagkakakapit ko sa kanya saka nag-iwas ng tingin. Ang tagal na niya tong hinihingi sakin. Halos lahat na yata ng pangungumbinsi, nagawa na niya. Pero, hindi ko kasi talaga kayang bitawan to.


Hindi ko pwedeng iwan yung bagay na bumubuhay na lang sakin ngayon.


"Then it's a no." he firmly said before caging me on the hood of his car, na hindi ko namalayan na naurong na pala niya ako, "Hindi kita titigilan hanggang hindi mo sinusuko yang passion na sinasabi mo. Because I can clearly see it, what you're doing isn't your passion but your trauma responses. So stop it."


Kahit nanghihina ako sa mga mata niya, nagawa ko siyang matulak. Humilam ang mga luha ko, kasabay ng patuloy na paninikip ng dibdib ko.


"Then, I'll not stop too. I'll not halt on telling you to stop intervening with my life." Pagalit kong pinalis ang mga luha ko, "How dare you decide for me? How dare you tell right in front of my face na yung ginagawa ko ay hindi ko passion when you told me that I smile the brightest whenever I am dancing-"


"It's because you're dealing with your trau-"


Hindi napigilan ng kamay ko at nasampal ko siya. Unti-unting bumabalik sa isip ko ang mga senaryong pinipilit kong kalimutan. Sabi ko ay huling beses ko ng uungkatin yun noong nalasing ako at nahanap ko ang kapayapaan sa kanya.


Pero bakit ngayon, binabalik niya?


Pagak akong natawa bago kagatin ang ibaba kong labi kasabay ng pag-ayos ko sa buhok ko. Tinuyo ko rin ang pisngi kong nabasa ng mga luha kong di naman dapat tumulo kung hindi dahil sa lalaking to.


Masyado akong nagtiwala. Masyado akong naging komportable. Masyado ko siyang pinapasok sa buhay ko.


Nagkamali na naman ako.


"Mr. Nikkolo. Let me remind you of one thing." Huminga ako ng malalim bago tumingin sa mga mata niya. They're now void of any emotion, just like mine. Natawa ako sa isip ko. Gantong ganto rin ang sitwasyon namin ng gabing yon. Nakakatawa.


"I may be in your bed every night but that doesn't mean that you own or know me. Not even the slightest that you do. And I'll make sure that you'll never ever be."


Lumapit ako sa kanya at saka siya hinalikan sa pisngi. Ngumiti ako sa kanya, "See you later."


Invest me your passionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon