Chapter 23: Under The Moon
I can do whatever I want to do right now but not as a human... but a pure vampire.
Kalalabas ko lang ng bathroom pagtapos maligo dahil umaga na. Sabi ni Davis ay hihintayin nila ako sa baba para pagbaba ko ay nakahanda na ang lahat.
Inayos ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay gumaan ang katawan ko, halos bumaba na yata ang timbang ko at pumuti pa ang balat ko katulad ng isang patay na tao. Ang mga mata ko ay gano'n pa rin pero alam kong mag-iiba rin iyon katulad ng kina Davis.
What should I wear?
"Your favorite dress," napalingon ako sa sliding door ng closet ko ng marinig si ang boses ni Davis.
Nakasuot naman ako ng roba kaya walang problema.
I blinked twice, "O-okay." Sagot ko at kinuha ang black dress na natatandaan kong ito rin ang suot ko nang pumunta kami sa Sidrid.
Ramdam ko ng wala siya sa likod ko kaya tuluyan na akong nagpalit. Paglabas ko ay nakaupo na naman siya sa sofa habang nakapandekwatro at nakatukod ang baba sa isang palad niya habang daretsyo ang titig sa akin.
"I-I am done," banggit ko.
"Come here," utos niya na sinunod ko naman pero agad niya akong sinalo dahil sa bilis kong tumakbo na hindi ko man lang namalayan ang bilis na ikinilos ko. "You're a pure vampire now, control yourself." Aniya.
Tumango-tango ako dahil bago ang kilos ko na iyon. Hinawakan niya ang kamay ko at sumunod na lang ako sakaniya pababa ay muntikan na akong mapatalon ng biglang may magpalakpakan.
"WELCOME BACK HAVIANNAH!"
Bati nilang lahat at nandito ngayon sina Calix, Caleb, Cleo, Klomia na nakangiti sa akin. Si Viana, Khalil at Tristan na may hawak na iba't ibang flavor ng cake. Si Gracia na pumapalakpak mag-isa. Pati sina Gevina at Zaxton na nakakrus lang ang dalawang kamay na mukhang walang pakialam.
Pilit akong ngumiti sakanila dahil medyo awkward. "Salamat sainyo... good morning, by the way. Let's eat." Sabi ko para mapawi ang tensyon sa pagitan namin no Zaxton na wala man lang reaksyon ang mukha.
He's still mad. I want to talk with him too, to clarify why he's mad about.
Bigla akong nilapitan ni Viana para yakapin bago kami maupo. Gusto kong tumibok ulit ang puso ko para maramdaman ko ulit yung excitement tuwing niyayakap ako ni Viana.
Pero... natutuwa pa rin ako dahil sa tagal ng panahon ay hindi rin sila sumukong hintayin ako.
"I miss you... Savannah." I whispered and all of them remained silent when I heard Savannah's sobbing.
Hinarap niya ako at tumawa siya ng peke, "Ako rin... kumain muna tayo, ang drama ko sa umaga." Iling niya at napayuko na lang ako tyaka kami nagpatuloy sa pagkain.
Nagkwentuhan, tawanan, biruan ang nangyari sa gitna ng hapag habang kumakain kami. Binalik-balikan ni Viana at Khalil kung paano sila naghintay sa garden 24 hours katulad ng ginagawa ni Davis.
"Where do you want to go after this?" nakangiting tanong ni Davis habang naghihiwa ng steak.
"Blade," sagot ko at mukhang nakuha niya agad ang gusto kong sabihin kaya pati sila ay natigil sa tawanan bago napatingin sa akin. "I mean... I want to visit my son grave." Yuko ko at uminom ng tubig.
"Then... let's visit him," napaangat ang tingin ko kay Davis ng sumang-ayon siya bigla. Tiningnan niya ako at tumango. "What else?" Tanong niya pa.
"Just blade," sigurado kong sagot.

BINABASA MO ANG
A Vampire's Bite [COMPLETED] ✔
Vampire| EDITING | In an empire where vampires love bloodshed and violence, Haviannah Hellith, the next on the throne was tired of following her father's rules and law. William Jones, the king, wants her to follow in his footsteps and become the next queen...