mali itong nasa isip ko hindi ako pweding mag ka gusto sa isang tulad niya isa lamang akong babaeng mahirap wala akong karapatan na mag mahal.
"Ms.Valdemor. are you listening?" saad nito na ikinabalik ko sa reyalidad. nag sitawanan naman ang mga kaklase ko. di ko nalang iyon pinansin at bumuntong hininga bago sumagot.
"Opo ma'am" saad ko dito at yumuko.
Uwian na. wala akong na intindihan sa bawat klase nang mga guro dahil kakaisip kanina nang kahit ano. Dali-dali akong nag lakad dahil randam kona ang mga galit na titig saakin. kinakabahan ako at baka gabi nanaman akong maka uwi nito
"San ka naman pupunta?" taas kilay na saad sakin ni Trixie
"Uuwi na" nakayuko kong ani sa kanya. "Aba. at sumasagot kana" galit na saad nang kaibigan niya at hinawakan ang buhok ko na ikina tili ko sa sakit.
"Ahh!!." tili ko dahil subrang sakit nang pagkakasabunot niya. Hawak hawak niya parin ang aking buhok. "
"Mag sorry ka!" saad nang kaibigan niya sakin at diniin ang pagkahawak sa buhok ko.
"Pataw—" naputol ang sasabihin ko nang may nag salita.
"Leviticus 26:7 And ye shall chase your enemies, and they shall fall before you by the sword." isang baritong bosses ang aking narinig. diko makita kong kaninong bosses iyon dahil naka talikod ako. nakita kong na milog ang mata ni trixie na ikinakunot ng nuo ko dahan dahan akong binitawan nang kaibigan niya at nag salita si trexie.
"It's not what you think kle—" di niya na tapos ang sasabihin niya nang mag salita ulit ang lalaki.
"I don't need your explanation Ms.Meltar." saad nito sa kanya muntik na akong matawa pero pinigilan ko ito. Pumasok sa isip ko na kaylangan ko nang maka-uwi Dali dali akong tumakbo at di na pinasalamatan ang lalaki.
[FF]
"andito na ako" sigaw ko bago pumasok sa loob. napa hinto ako nang mag salita si mama
"Ba't ang gulo nang buhok mo?" saad nito sakin na ikinalaki nang mata ko. hayts nakalimotan kong ayusin ang buhok ko. di ko kayang mag sinungaling kay ina. pero ngayun lang naman ito at di na mauulit pa.
"Ah.. kasi po ano—" na putol ang sasabihin ko nang sumabat si Venso
"Inay nagugutom na po ako" saad nito kay Ina.
"Haluh sigi. mag bihis kana Don Vanessa at bumaba upang kumain" saad nito at pumunta sa kusina. sumunod naman si Venso kay Ina. bumuntong hininga mona ako bago umakyat upang mag bihis.
"Halikana anak kakain na!" sigaw ni ina sa baba. Bumaba na ako at dumiritso sa kusina.
"Asan po si itay. inay?" tanong ko dito. nakita kong bumuntong hininga ito sasagot na sana siya nang mag salita ako.
"Hayaan niyo nalang po. kumain nalang po tayo inay" magalang kong saad kay ina. "kumain na po tayo at baka lumamig pa itong ulam" saad ni Venso
"Mag dasal mona tayo anak". Saad ni ina tumango lang kami bilang sagot.
"Panginoon kami ay nagpapasalamat sa iyong kabutihang-loob. Salamat sa pagkaing ito na aming inihanda ngayon"
"Panginoon alam naming lahat na ito ay darating sa iyong kamay at walang mangyayari kung wala ang iyong kalooban at ikalulugod mo kaming pagpalain na kakaiba nawa ay kami ay nagpapasalamat"
"Para sa iyong pang-araw-araw na panustos para sa amin at huwag hayaan ang iyong mga pangako para sa amin karamihan ay buhay na walang hanggan"
"sa pamamagitan ng iyong anak na si Hesukristo sa pangalan ni Hesus amen"
"Amen" sabay naming saad ni Venso. habang kami ay kumakain ay biglang nag tanong si Ina sa akin.
"Kamusta naman ang iyong pag-aaral anak?." saad nito sakin. "Okay lang naman po Ina" naka ngite kong saad kay Ina.
Tapos na kaming kumain. si Ina at si Kuya ang nag ligpit sa hapag kainan at ako naman ang nag hugas nito. pumunta ako sa kwarto ko at humiga sa sahig. sino kaya ang lalaking iyon? sana naman makilala ko siya. siya na ba si Mr.right? hindi mali walang mag kakagusto sa isang tulad mo Vanessa kaya wag kanang umasa pa isa kalang mahirap na babae.
unti-unti akong nilamon nang antok at tuluyan na ngang naka tulog. nagising ako dahil sa ingay sa baba minulat ko ang mata ko at tumayo upang tignan kong anong ingay iyon. dahan dahan akong bumaba at tumingin tingin kong san galing ang ingay na iyon.
"Itay ganyan na ba talaga kayo?. wala kayong pakinabang sa pamilyang Ito. lagi nalang kayong late umuwi at laging lasing di ba kayo naaawa kay inay? samin?." rinig kong saad ni Venso nag tago ako upang di nila ako makita.
"Ano ba! ba't kaba nangingi-alam?! sino kaba ha?!" saad ni itay kay Venso habang si inay ay pinipigalan si Venso na tumigil na.
"Tumigil kana Venso! San mo ba natutunang pag salitaan ang iyong ama?! umakyat kana don!" saad ni inay kay Venso.
umalis naman si Venso doon at umakyat sa taas. sinundan ko si Venso habang may namumuong luha sa mata ko.
"Venso?" saad ko dito na ikina-lingon niya naman. "Ate" saad nito sakin. "Okay kalang ba? narinig ko yung pag uusap niyo ni itay at inay" saad ko dito.
"Okay lang po ako ate wala po ito." magalang nitong saad sakin. niyakap ko siya at niyakap niya naman ako pabalik.
"Sigi na po. bumalik kana sa kwarto mo at matulog kana don ate maaga ka pang pumasok bukas" saad nito.
bumalik naman ako sa kwarto ko at
humiga sa sahig at natulog na.
BINABASA MO ANG
THE MAN OF GOD
RomanceSYNOPSIS A poor girl and a man of God. There comes to life where we all fall in love. Like, it suddenly knock us without warning and could only follow it's lead. Vanessa was typical type of girl, who only wish to have a good life. What will happe...