KELLY'S POV
"Ang ganda talaga ng bahay n 'yo kambal. Wala ba parents n 'yo dito?" Tofer asked.
"Nasa Davao sila. You know business, pero they knew na mag-oovernight kayo here," sagot ni Ella kay Tofer habang binubuksan ang main door.
Papasok na kami ng sala at manghang-mangha ako sa loob nito. Parang sinaunang bahay. Lahat ata ng gamit dito antique.
"Is this antique?" I asked Elli with full of curiousity habang hawak ang isang figurine na gawa sa kahoy.
"Yeah! Mom loves collecting antique just like my granny." tugon niyang nakangiti na lalong nagpasingkit sa kanya.
"Amazing! Si Lola ganyan din, pero si mommy hindi. Natatakot kasi siya, baka raw kasi may nagmamay-aring hindi natin nakikita," sabat ni Marie na nasa likod na rin namin.
Natawa ako. May mga gano'ng kaso ba? Oo, may mga nararamdaman ako at si Marie lang ang nakakaalam no'n. Ayokong malaman ng iba kasi baka sabihin nila nababaliw na ako.
"Nagpaalam ka ba sa Mom mo Kea? Na sasama ka sa'min?" tanong ni Ella while we are heading our way to the dining hall.
"Yeah! Okay lang naman kay Mommy since kayo ang kasama ko. Gusto niya nga sanang do'n tayo mag-spend ng vacation sa'min," sagot ko habang inililibot ang paningin sa buong pasilyo.
"Sayang! Gusto ko pa namang ma-explore 'yung lugar niyo Kellay," sabat ni Tofer bitbit ang shoulder bag nitong kulay pink.
"I'd love too.." pangungumbinsi rin ni Elli na nauna sa 'ming lima sa paglalakad.
"Kain na muna tayo. Nakakagutom eh," yaya ni Ella habang kinakalkal ang refrigerator.
Habang kumakain, inilibot ko ang aking paningin sa paligid. May nakasabit na family picture sa wall. Napakunot-noo ako , bakit dito nakasabit sa dining hall 'yan?
"Girl, bakit dito sa dining hall nakasabit ang family picture n'yo? Mostly kasi sa mga ganyan, nasa sala," nagtatakang tanong ko kay Ella.
Uminom ng tubig si Ella bago sumagot. "Request 'yan ni Granny d'yan. Ewan ko nga sa kanya."
I shrugged. Makakain na nga, nakakagutom e.
Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa sala. Napagkasunduan naming magmovie marathon. Horror movies pa talaga. Hindi ako sumang-ayon kasi kung anu-ano pumapasok sa isipan ko.
Unang isinalang ni Elli ang Wishing Stairs. Korean horror movie ito pero I'm not so sure sa title, hindi ko na kasi pinag-aksayahan ng oras para mabasa ang title.
"Uyyy, ano na Marie. Saan pala tayo magbabakasyon?" pagbibigay pansin ni Tofer na kumakain ng lollipop.
Nagsimula na ang movie pero kami, busy sa kakachika, si Elli lang ata ang seryosong nanunuod e.
"Sa bahay ng lola ko. Sa province namin. Maganda ang lugar r'on, relaxing," sagot ni Marie habang ngumunguya ng chips.
"Are you sure? Maraming papable?" singit na naman ni Tofer. Kaloka ang baklitang ito.
"Ewan? Matagal na kasi akong hindi nakadalaw kay lola," kibit-balikat na sagot ni Marie.
"Aaaaahhhhh!" Napalingon kami kay Elli na napasigaw. Agad naman kaming lumapit sa kanya.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ng kakambal niya.
"Kung hindi kayo manunuod, patayin na lang natin ang T.V.." sagot niya sa tanong namin. Ginawa niya lang pala yun para maka-agaw pansin.
"Peace na! Busy kasi kayo sa pakikipagchismisan diyan e " sabay peace sign at pa-kyut. Tumayo siya at pinatay ang DVD player at T.V.
"Okay, back to topic," singit naman ni Ella.
BINABASA MO ANG
Oh my GHOST![on-going]
ParanormalLahat hahamakin sa ngalan ng pag-ibig. Pero imposible nga ba magmahal ang isang tao sa isang multo? Kelly Andrea Benedicto. Babaeng nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. July Romulo. Ang multong parang hindi multo. Misyon...