Chapter 13

363 5 0
                                    

-MAE's POV-

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko nung nakita ko si Josh na sugatan dahil sa bugbog ni Austin sa kanya. I wanted to stop him pero parang nakapako ang paa ko sa tayo ko.

Nasa kotse kami ngayon ni Austin. Hindi ko alam kung san niya ako dadalhin, ang alam ko lang gusto ko tumakas sa lahat ng toh.

"Bakit di mo agad sinabi sakin?"

"Wala naman magbabago kahit sabihin ko sa'yo."

"I... I want to help you... to forget him."

Napatingin ako sa kanya. Pwede ba? Masama ba kung pumayag ako? Pero magiging panakip butas ko siya. Alam kong may lugar pa rin siya sa puso ko. Hindi naman yun mawawala e.

"W-What do you mean?"

Noon, si Josh ang tumulong sakin para makalimutan ko ang sakit na naramdaman ko kay Austin. Ngayon, si Austin naman ang may gusto tumulong para naman makalimutan ko si Josh.

Tumingin siya sa'kin. Nag stop kasi ang traffic light. "I know. Alam kong kabaliwan toh Mae. But I'm willing to help. Wala akong pakialam kahit maging panakip butas pa ako, wag lang kitang nakikitang ganyan. Can I? Please Let me?"

"H-Hindi ko alam Austin. Hindi ba katangahan lang toh? Dati siya ang tumulong sakin para kalimutan ka. Ngayon ikaw naman para kalimutan siya." Biglang tumulo ang luha ko. Hindi na naubos.

"Katangahan? Lahat ng katangahan Mae gagawin ko para sayo. Bumalik ka lang sa dati. Makita lang uli kitang nakangiti....." sabi niya tapos bumaling uli ang tingin niya sa daan. "....Bumalik ka lang sakin."

Silence...

"Mahal pa rin kita Mae. Hindi yun nagbago. Hindi yun nawala. Handa akong maghintay. Handa akong gawin ang lahat para mahalin mo uli ako."

"Alam mong hindi yun madali..." sagot ko sa kanya habang nakatingin sa may bintana. Patuloy pa din tumutulo luha ko.

"Just let me."

Hindi na ako sumagot sa kanya. Ang gulo pa din kasi talaga ng isip ko. Ang daming tanong.

Saan ako nagkulang sa relasyon namin ni Josh?

Bakit hindi niya agad sinabi sa'kin?

Bakit friend lang ang pakilala niya sa'kin sa babaeng kasama niya?

Sino yung babaeng yun?

Anak niya ba si Lance?

Papayag ba ako sa sinabi ni Austin? Ok lang ba?

-AUSTIN's POV-

Sinarhan ko na ang pinto ng kwarto niya. Nakatulog siya sa kotse.

Nasan kami ngayon?

Asa rest house namin dito sa Anilao, Mabini, Batangas.

Rest house ito ng family ko, ni Mich at ni Mae. Binili nilang tatlo toh para pag magkakasama sama sila o ang pamilya namin, dito na lang kami.

Alam kong mas makakapagisip si Mae dito. Gusto niya ang lugar na toh. Tahimik. Maaliwalas. Masarap ang hangin.

Mali bang magpakatanga sa taong mahal na mahal mo? May sapat naman akong dahilan di ba? Mahal ko siya at hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan at umiiyak ng ganyan.

Ganun niya ba kamahal yung t*rant*dong yun?

Sana magawa kong pawiin yung sakit na yun. Sana magawa kong kalimutan niya yung lalaking yun.

Nagluto na lang ako ng pang hapunan namin. Tumawag na din ako kay Manang na hindi makakauwi si Mae ngayon. Baka kasi magalala pa sila.

"Bakit nandito tayo?" nagitla ako sa tanong niya.

"Wag ka nga Mae. Aatakihin ako sa puso sayo e! Pano pa kita mamahalin niyan?!"

"Tumigil ka nga Uste! Ano ba ginagawa natin dito?" -____- mukhang antok na antok pa siya. Ang ganda pa din niya :)

"Alam ko kasi mas marerelax ka dito. Gutom ka na ba?"

"Salamat. :) Hmm, medyo nagugutom na din ako."

"Yan! Dapat ngumingiti ka! Lalo kang napangit pag nakasibangot e! Haha"

"Dumali ka na namang mokong ka! Ano ba niluto mo dyan?" >.<

"Haha! Umupo ka na dyan. Eto, ang favorite mo.. Pasta Carbonara mula sa puso. Haha."

"Yack Uste! Ang baduy mo! Haha!"

"Kumain ka na nga lang! Haha!"

Kapag ngumingiti siya, di ko mapigilan ang sarili ko. Mahal ko talaga ang babaeng toh. I love every little bit of her.

"Anong tinititig titig mo dyan?! Matunaw ako ha! Haha!"

"Tange! May amos ka kaya! Ang samlang mong kumain!" pinunasan ko yung amos niya kahit wala naman talaga. Haha.

"Tae! >.< E bakit ka nakangiti?"

"E nakakatawa kasi itsura mo! Tamo oh! Hahaha!"

"Ewan ko sayo! Baka nilagyan mo ng gayuma tong pagkain ha!?"

"Oo! Madami akong nilagay dyan! Kaya wag kang masiba baka mamaya di mo na ako pakawalan niyan!"

"The ef! Uste naman eh! Hindi nga?!"

"Baliw nito! Mukha ba akong mangkukulam na naglalagay ng gayuma? Mapapaibig uli kita nang walang gayu-gayuma! Gwapo ko no!"

"Kapal mo! Nakakasuka ka! Haha!"

"Tuna---" bigla niya akong sinubuan ng tinapay.

"Oh tumigil ka na! Makapal ka pa sa dictionary oh! Mahiya ka naman, nasa hara---" sinubuan ko nga din siya. Haha.

*cough* *cough* *cough*

"Haha! Oh tubig?!" nasamid na. Di ko mapigilang tumawa. Pulang pula siya. Haha.

*gulp* *gulp* *gulp*

"Leche ka Uste! Papatayin mo ba ako?" sabi niya pagkainom niya.

"Ano ka ba Mae?! OA ka! Hindi ka mamatay sa pagkakasamid..... sa pagmamahal ko lang. Hahahaha!"

"Che! Mga banat mo! Hahaha! Hmm, salamat Uste ahh! Maraming salamat talaga." then she smiled at me. Tiningnan ko siya sa mata talaga.

"You dont need to. I want you to be happy, to be strong. If only I can ease all your pain Mae, I'll do. I'd do everything for you. Just let me so."

"Nosebleed ka naman e!" reklamo niya na halata naman na hindi niya alam ang isasagot niya kasi hindi siya makatingin sa'kin ng ayos.

"Kain ka na nga lang nang MAS madagdagan pa yang taba mo. Haha!"

"Ang sama mo talaga!" hinawakan niya tiyan niya, "Ganun ba talaga akong kataba?" nakasimangot pa niyang sabi. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. I just love everything about her.

"Hindeee.. Binibiro lang kita. Eto maarte! Kain na! Susubuan pa kita?"

"Wag na! Baka malagyan mo pa nga yan ng gayuma! Haha"

~~~******~~~

to be continued...

Vote, comment and be fan guys!!! >.< please please please!!!!

XOXO

khaycee16 ♥

You and I ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon