Hating gabi na ay naglalakad padin si Carol pauwi ng kanyang apartment dahil sya ay nag overtime, at dahil halos mag mamadaling araw na ay wala na masyado masakyan kaya naisip nya na tumawid sa kabilang kalsada para doon mag abang ng masasakyan ng bigla na lamang may sumulpot na malaking truck sa kanyang harapan at sya ay nabangga. Nawalan si Carol ng malay at bigla nalang dumilim ang kanyang paligid.
Nang sya ay magising nasa isa syang kwarto na mataas ang kisame at malalaking bintana at mahahabang kurtina, sa labas ay napakaliwanag na nagkakahulugan na umaga na. Inikot ni Carol ang paningin at nagtataka dahil lahat ng gamit sa loob ng kwarto ay puro luma na para bang sya ay nasa sinaunang panahon.
Nagulat pa sya ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isang magandang lalaki, matangkad at matipuno ang katawan. "Magandang umaga sayo Caroline, nakatulog ka ba ng mabuti?" saad ng lalaki na biglang nagpabilis ng tibok ng puso ni Carol ng ito ay ngumiti sa kanya ng pagkatamis tamis.
"Nasaan ako at bakit ako nandito? At sino ka?" Ang tanung ni Carol na nagpakunot sa noon ng magandang lalaki. "Masama ba ang iyong gising at ganyan ang tanung mo sa akin?" saad ng lalaki sa kanya. Tumayo sya sa pagkakahiga at sumilip sa bintana, laking gulat nya na ang nasa labas ay napakalawak na sakahan at mga kabayo na nagkakainan. Agad sya lumingon sa lalaki at nasabi sa pahisterya na tanung "Nasaan ako? At sino ka?" Dahil sa pinapakita nya na pagkalito may tinawag na pangalan ang lalaki at ito ay biglang pumasok sa kwarto, isang matandang babae na nakadamit katulong, nahuhulaan ni Carol na isa ito sa mga namamahal sa bahay kung saan sya naroon.
May nakita sya na isang salamin at bigla tumakbo doon, laking gulat nya na ang nasa salamin ay ibang tao, matangkad na babae, maputi, mahaba ang buhok na hanggang balakang at matangos ang ilong. Saka lang naalala ni Carol na sya ay tumatawid ng biglang may sumulpot na truck sa kanyang harapan. Ibig sabihin ay nasa ibang panahon at katauhan sya. Agad syang lumingon sa lalaki na minamatyagan lang sya sa kanyang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Sweet Dream
RomanceNagising nalang si Carol na iba na ang lugar na kanyang hinihigaan, ang huli nyang natatandaan ay nasagasaan sya ng isang truck habang sya ay tumatawid ng kalsada.