Chapter 21: Spending Time with Her

29K 1.2K 413
                                    

Paris' PoV:

"What are you doing here?" Nakakunot-noo akong nakatingin sa babaeng prenteng-prenteng nakaupo ngayon sa couch. Sya na ata ang pinakamakulit na taong nakilala ko.

"I'm waiting for you." Simple nitong saad at nagpose pa.

Napahilot ako sa aking sentido. Mygoodness. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya.

"Paano ka nakapasok dito?"

As far as I remember ay nilock ko kagabi ang pintuan. Hindi rin alam ni Taglagas ang pincode dahil hindi ko naman sinabi sa kanya 'yun.

Tumayo sya at nagsimulang maglakad papunta sa akin. Autumn's gazes are fixed on mine. Hindi nya ito tinatanggal. I returned back the same intensity of her stares.

"Well, I used my connections. I always use it to get everything I want." Ipinatong nya ang kanyang kamay sa itaas ng aking balikat. She leaned closer and whispered something to my ear. "Ikaw na lang 'yung gusto ko na hindi ko pa nakukuha."

I was taken aback because of what I heard. I'm stunned. What does she mean by that? Did Autumn really meant it? I thought she's just doing this dahil trip nya lang ako.

Although matagal na rin kaming magkasama, nahihirapan pa rin akong idistinguish kung seryoso ba sya sa isang bagay o nakikipaglaro lang. It's because of her alluring playful eyes. Idagdag mo pang palagi syang nakangisi ng nakakaloko.

I'm aware of her flirty remarks. Well, natural na ata sa kanya ang pagiging pervert. Nasanay na rin ako.

But no, I must stop thinking about those. Kahit na ganon, hindi ako dapat naaapektuhan ng ganito. Hindi dapat bumibilis ang tibok ng puso ko. Wala dapat na paro-paro sa tyan akong nararamdaman. I shouldn't feel the tingling sensations na tanging si Autumn lang ang bakakagawa.

I'm a firm person. Kailangan kong panatilihin ang pagiging kalmado ko para hindi nya ako mabasa.

"Bahala ka sa gusto mong gawin." Ang tangi ko na lang sinabi sa kanya. Autumn opened her mouth. She was about to say something when I wrapped my arms on her waist and pulled her closer to me.

"Did you eat already?" Umiling sya bilang sagot. Hindi ko maiwasang mag-alala.

Bakit ba kasi inuuna nya pang puntahan ako rito kaysa unahin na kumain? Baka mamaya ay magkasakit sya nyan.

"Wait me here. I'll cook something for the both of us." Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman kong may humawak sa aking pulsuhan.

"No need. I brought foods for us."

Hindi ko maiwasang magulat dahil doon. "Ikaw ba ang nagluto non?"

"I...uhh... No. Binili ko lang." Autumn said in a low tone. She quickly averted her gaze. "Pero wag kang mag-alala. Kapag natuto akong magluto, bubusugin kita ng pagmamahal ko."

Hindi ko maiwasang mapatawa dahil sa narinig ko. It's crystal clear that Autumn's shy with the fact that she can't cook.

On the other side, I don't see anything wrong with that. Ramdam kong determinado syang gawin ang sinabi nya.

I noticed that she started playing with her fingers. Kinakabahan sya ngayon. Wala syang dapat na ikabahala.

"Thank you for the foods, Love." Malambing kong turan at marahang dinampian ng halik ang kanyang noo. Kitang-kita ko kung paano natulala si Taglagas. Para syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan.

Napaawang ng kaunti ang kanyang  ibig. She's looking at me with disbelief. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa kanyang mata.

Dahil mukhang wala pang balak na maglakad si Autumn, hinila ko na sya papunta ng dining room.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon