45.

48 8 1
                                    

Leo's POV

NAKATITIG lang ako sa bisita namin na ngayon ay kumakain na. He look so hungry. Hindi man lang sya nagdalawang isip na sunggaban ang pagkain na pinadala ko.

"Head master," bulong ni Raven sa gilid ko. "Sigurado ka ba sa ginagawa mo? Paano kung tauhan iyan ng Black council? O kaya ay espiya ng ibang bansa?"

Natawa naman ako. "He's harmless," saad ko na hindi inaalis ang mga mata sa bisita. "Trust me, hindi sya nagmula sa Black council. Hindi din sya espiya."

"Paano mo nasabi iyan? He clearly trespassed."

I chose not to answer. Pinagmasdan ko muli ang nilalang sa harapan namin. His claw and fangs are already gone. Hindi iyon napapansin ni Raven. Kung gagawa ito ng masama, kanina nya pa kami inatake. But seeing him right now, devouring the food while not even looking at us made me think that.

He was just protecting himself. Base sa sira-sira nyang damit at sugat, sa tingin ko ay may tinatakbuhan ang batang ito. Tumuon din ang pansin ko sa crest na nasa kanyang damit. If I'm not mistaken, that is a school crest.

"Pagkakain mo ay pwede ka nang maligo at magpahinga," saad ko na ikinatigil nya sa pagkain.

His red eyes then looked at me. Wala naman akong nakita na anuman sa mga mata nya. Hindi sya mukhang galit o alerto.

"Why are you helping me?" he finally spoke.

Huminga naman ako ng malalim saka humila ng isang silya. I sat in front of him, not breaking our eye contact.

"Dahil alam kong wala ka namang masamang balak," sagot ko.

He suddenly grin. "Paano ka nakakasiguro?"

"Kung may masama kang balak, dapat ay patay na ang mga tauhan ko. Pero hindi mo iyon ginawa," pinasingkit ko pa ang aking mata. "Ngayon, sabihin mo, anong ginagawa mo dito? May tinatakasan ka ba? Hinahanap?"

I watch him put down the spoon. Naupo sya ng maayos saka tumitig sa akin ng diretso.

"Mula ako sa Zibemma."

"Zibemma?" nagsalubong naman ang kilay ko. "Akala ko ay mula sa Maenland ang mga kagaya mo?"

"Totoong sa Maenland nakatira ang mga kagaya ko. Pero sa Zibemma ako lumaki. I'm a half fox, half demon."

Bahagya akong nagulat sa sinabi nya bagaman hindi ko iyon pinahalata. Zibemma is known as the home of demons and nephilim descendant. It was actually my first time to come face to face with a demon, or should I say half demon. Nakakita na din ako ng wolves at fox na nagkakatawang tao. Kaya naman nagulat ako sa sinabi nya. Never in my life I imagined of meeting a demon.

"Okay," sumandal ako. "Anong ginagawa ng isang half fox half demon sa bansa ng mga mage?"

Napansin ko naman ang pagyuko nya. He even clenched his fist. "May hinahanap ako."

"Narito ba ang hinahanap mo?"

"I can smell his scent all over this place."

Nahulog naman ako sa malalim na pag-iisip. "Kung ganoon, may fox na naligaw dito?"

Umiling naman sya. "He's not a fox. He's a pure blood demon and he's my master."

Napalingon naman ako kay Raven. Gulat na gulat naman ang reaksyon nya. Tsk! Nakalimutan kong hindi nga pala mahilig lumabas si Raven. I bet he's having a hard time believing what he's seeing right now.

"There's a demon here," wika ko.

"D-demon..." Raven's voice is shaking.

Napailing na lang ako. Muli ay binalingan ko ang kaharap ko.

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon