Chapter 28

145 5 0
                                    

ILANG minuto lang ang lumipas ay nailipat na si Aliyah sa silid nito sa hospital. Batid ang pag-aalala ng binata. Kaya naman napahilamos na lang ito ng kaniyang mukha gamit ang dalawa nitong mga kamay. Pabalik-balik na tila balisa habang hinihintay ang resulta mula sa Doktor ng dalaga. Natigil na lang ang agam-agam niya nang biglang lumabas ang Doktor mula sa silid nito.

“How is she?” tanong kaagad ni Adrian nang mabungaran niyang lumabas ng pintuan. At seryosong nakatitig sa Doktor nito.

“Don't worry, she's fine, but she needs to take care of herself, lalong-lalo na sa kalagayan n'ya ngayon,” ani nito. habang iniaabot ang isang kapirasong papel sa kaniya.

“What do you mean?” Kunot noo ni Adrian. Kasabay nang pagkuha niya ng papel mula sa Doktor nito. Tinitigan pa niya ito na tila hindi maintindihan ang nakasulat sa kapirasong papel.

“She needs to take medicine. And also for the health of her baby. Masyadong maselan ang pagbubuntis n'ya kaya kailangan ng ibayong pag-iingat,”ngiting wika ng Doktor sa kaniya.

“She's pregnant!” gulat na wika ni Adrian.

“Yes, she's pregnat. Congratulations, Mr. Casanova.” Sabay lahad ng kamay nito upang makipagkamay sa kaniya. Wala naman nagawa si Adrian kaya sinang-ayunan na lang niya ang reaksyon ng Doktor. At saka ito umalis sa kaniyang harapan.

Ang ekspresyon sa mukha ng binata ay tila nag-iba. Tila ba bumuhos ang ang pagkakasisilay na ngiti sa kaniyang mga labi.  Napapakagat ang labi niya dahil sa galak na kaniyang nararamdaman. At saka niya mabilis na binuksan ang pintuan ng silid ni Aliyah. Halos pagmasdan niya ang maganda nitong mukha. Habang mahimbing itong natutulog. Marahan niyang hinawakan ang mga kamay nito. Saka niya dinampian ng matamis na halik. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Tila ba napapawi ang galit sa kaniyang puso. Ito ang matagal na niyang pangarap. Ang magkaroon ng anak katulad ng iba. Ang maranasan kung paano ang naging hirap noon sa kaniya ng mabuti niyang ina.

“Why do you have to keep this a secret from me, Aliyah?” malungkot niyang wika sa dalaga. Kasabay nang pag-igting ng kaniyang mga panga na tila ba naiinis sa kaniyang sarili. Hanggang sa napatikom na lang ang kaniyang mga kamay.

Minabuti niyang lumabas ng silid upang bumili ng mga prutas at ilang gamot na kailangan rin niyang bilhin para sa dalaga. Excitement ang bumabalot sa damdamin ng binata. Hinalikan muna niya sa pisngi ang dalaga bago siya nagpasyang iwanan ito.

“I'll be back, Babe,” huling katagang sinabi ni Adrian bago siya umalis.

***

SA PAGMULAT ng mga mata ni Aliyah ay tanging liwanag ng ilaw mula sa loob ng silid ang kaniyang nasisilayan. Dahan-dahan niyang iginalaw ang kaniyang mga kamay. Ngunit napansin niya ang dextrose na nakasabit sa gilid ng taas ng kaniyang kama.

“Na saan ba ako?” tanong nito sa kaniyang sarili. Kasunod nang unti-unti niyang pagbangon mula sa kaniyang pagkakahiga. Akmang iaapak na niya ang kaniyang mga paa. Nang biglang bumukas ang pintuan nito mula sa kaniyang harapan.

“Naku! Miss. Huwag ka muna bumangon!” alalang ani ng Nars sa kaniya.

“Okay, na ang nararamdaman ko. Ayoko na rin magtagal dito.”

“P-Pero, Miss. Hintayin muna natin ang asawa mo at tatawagin ko na lang muna ang Doktor para malaman natin kung maaari ka nang lumabas.”

“A-Asawa!”pag-uulit na wika ni Aliyah.

“Lumabas lang nang saglit si Mr. Casanova, para bumili ng gamot mo. Kaya hintayin mo na lang muna s'ya.”

“Ibig sabihin ba siya ang nagdala sa akin dito sa Ospital?”

When Hate and Love Collide (tagalog) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon