Chapter 33

519 9 0
                                    

I WAS SADDENED by what I heard from the doctor that she might never wake up again. And I'm in too much pain. I feel like my world has stopped. World that she should just be here by my side. I decided to open the door I could see not far from where I was sitting. I can see her suffering. Suffering that I deeply regret. That I could not even save her. I knelt at my stand as if begging. Asking for a prayer that she would wake up. I hope it's all just a nightmare. I called her name again.

“Aliyah!” wika nito. Sa walang humpay na pag-iyak. Marahan nitong hinawakan ang mga kamay ng dalaga saka niya ito hinalikan. “Pangako ko na hinding-hindi na kita sasaktan. Kahit anong gusto mo ibibigay ko para sayo. Huwag mo lang akong iwan.” Napahagulhol siya ng malakas na tila bakas sa kaniyang mukha ang pagdadamhati na sana tumigil na lang ang oras para sa kanilang dalawa. Na sana magkaroon ng milagro na baka may pagkakataon na muli niyang masilayan ang magandang ngiti ng dalaga.

Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaluhod at walang pag-aalinlangan niya itong hinalikan sa mga labi.

“Kung mawawala ka . . . hihilingin ko na sana mawala na rin ako!”

Napansin niya ang itim na bag mula sa couch nakatapat lang na kinahihigaan ni Aliyah. Nilapitan niya ito at isang maliit na kahon ang kaniyang kinuha. Namumugto na ang kaniyang mga mata na tila ba wala na siyang luhang mailabas pa. Ang walang malay na kamay ng dalaga ay muli niyang hinawakan. Kasabay nang pagbukas ng maliit na kahon na kaniyang hawak.

“You are my precious in my heart that regardless of what happens I will always love you. In my dreams, I'll always see you. In my heart, there'll always be a place for you. I love you, Aliyah. Will you marry me,” malungkot nitong wika sa babaeng hindi niya alam kung magigising pa. Marahan niyang inilagay ang diamond ring sa palasingsingan ng dalaga. Hindi man niya naririnig ang pagtugon nito ay nararamdaman naman niya ang pintig ng pulsuhan nito.

***

TANGING ngiti ng isang paslit ang nagpapangiti sa mga chandelier na nagsabit sa taas ng kisame. Tila ba kumakaway ito dulot ng liwanag na nagmumula sa maliliwanag nitong bumbilya.

“Hi, baby. Napaka-cute talaga ng batang 'to. Akala ko hindi ko na mararanasan ang humawak ng malusog na bata,” pagbibirong wika ni Anny.

“Babe, sa akin na muna si baby, baka mamaya mahulog pa sa pagkakabuhat mo,” pang-iinis nito sa babae.

“Hoy! Dave Velasquez. Umaayos-ayos ka sa pagsasalita mo. Baka nalilimutan mo na may kasalanan ka pa sa 'kin!”

“Oh, sandali lang. Nagbibiro lang naman ako, babe. Isa pa sayang kapag nabalian ito. Ang hirap-hirap pa naman gumawa.”

“So, nahihirapan ka! Eh, wala ka naman ginawa kundi mag-atras-abante.”

“Ganyan na ba talaga ang dulas ng dila mo. Mamaya n'yan marinig ka ni baby, magtaka pa ito. Kung ano ang atras-abante.”

Halos sunod-sunod na hampas ng kamay ang tinamo ni Dave mula kay Anny. Tila ba wala silang pakialam kahit pagtinginan pa sila ng mga tao sa loob ng isang Mall.

“Kapag hindi ako nakapagtimpi sa 'yo. Babalatan na talaga kita ng buhay!”

Natigil na lang sila nang biglang dumating si Adrian. Dala nito ang ilang laruan na pinamili nito sa isang Toys Store.

“Nag-aaway na naman ba kayo. Kailan ba kayo titigil na dalawa? Maghiwalay na lang kaya kayo. Hindi talaga kayo magandang impluwensya sa anak ko.” Kinuha nito si Baby, Adrianna sa pagkakabuhat ng kaniyang kaibigan. “Next time, gumawa na kayong dalawa para sa susunod hindi na kayo nag-aaway,” ngiting wika ni Adrian.

Minabuti na niyang iwanan ang dalawa. Kasama ang maganda niyang anak na si Ayah Adrianna. Kita niya ang naghihintay na si Tatay Randy sa labas ng sasakyan. Na tanging ngiti ang sumisilay sa kanilang mag-ama.

“Hijo, ang dami mo naman dalang laruan. Halika at tutulungan kita.”

“Salamat, Tatay Randy.”

“Maliit na bagay,” ani nito. “Kung naririto lang ang anak ko tiyak mas lalo akong matutuwa. Miss na miss ko na talaga s'ya. Hindi ko man lang . . .” Natigil ang pagsasalita ng matanda nang hawakan siya sa kamay ni Adrian.

“Alam kong sobra ang lungkot sa puso n'yo. Pero natitiyak kong masaya s'ya sa kung anong ginagawa natin ngayon. Darating ang panahon na maghihilom rin ang sakit sa ating mga puso.”

“Tama ka, hijo. Kaya mahal na mahal ko ang anak kong iyon. Siya lang ang anak kong nagbibigay lakas para sa akin.”

“Let's go, Tatay Randy. Baka maabutan pa tayo nang lakas ng ulan sa daan.”

“Oo nga, hijo. Tiyak akong malakas-lakas na ulan ito. Oh, s'ya natapos ko na ilagay sa compartment ang mga pinamili mo. Halika na at umalis na tayo.”

Habang binabaybay namin ang daan pauwi. Hindi mawala sa paningin ko ang mukha ng maganda kong anak na si Ayah Adrianna Gomez. Casanova. She's eight months old. Akala ko mawawala siya sa akin. Ngunit nagkamali pala ako. Nakuha niya ang mata ng kaniyang ina. Ngunit ang buong mukha niya ay nakuha naman sa akin. Sobrang saya ko na kahit hindi ko man kasama ang pinakamamahal kong si Aliyah. Nandito naman ang anak ko para punan ang mga sandaling hindi ko siya nakasama. Wala akong dapat na pagsisihan dahil alam ko at nararamdaman ko nadarating ang panahon ay muli kaming magsasama. Everything can change but my love for her will never be changed even if, When love and hate collide. Love is patient. Love is kind. Love never fails. But it always protects, trust, and hopes with you.

Tila ang nararamdaman ni Adrian ay magsisilbing pag-asa para muli niyang makasama ang pinakamamahal niya. Ngiti ang sumisilay sa kaniyang mga labi. Nang marating nila ang mansion na kung saan tanging puting bulaklak na paborito ni Aliyah ang kaniyang nakikita. Ang mahalimuyak na amoy nito na tila nagpapabalik sa unang pagkikita nila noon ng dalaga. Ang mga alaala na magpahanggang ngayon ay hindi niya kayang kalimutan. Pumitas siya ng isang bulaklak at ibinigay niya ito sa kaniyang anak. Kasabay nang hanging dumadampi sa kaniyang katawan.

“I promise, Aliyah. That I will be the best daddy, for her,” tanging sambit niya na may ngiti at pag-asa sa kaniyang mga labi.

When Hate and Love Collide (tagalog) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon