Scream of Affection

14 2 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story may contains sensitive content, mature themes, strong language that is not suitable for the young audiences.



Hindi ko maintindihan... 

Sa tuwing magloloko ang papa ko, gustong gusto ni Mama na makipaghiwalay. Kapag aalis naman ang Papa,iiwan ako para sa babae niya, parang bata ang inaasta ni Mama. Pipigilan niyang umalis.

Nakakasawa.

Lumaki ako sa pamilyang walang katahimikan, minu-minuto kong magsigawan. Uwi-uwi ako galing sa paggawa ng project, nasa labas palang pero maririnig mo na ang sigawan mula sa loob ng bahay. 

Kuparipas ako palabas ng kwarto. Isang malakas na bagay ang bumagsak. Nakita ko ang Mama, naka-upo sa sahig, yakap ang dalawa niyang hita. Mga bubog na nakapaligid sa kaniya

"Ma, what happened?" tanong ko. 

She didn't respond. Instead she cry, cry like a baby. Nagmamadali akong bumaba. Hindi ako makalapit agad dahil sa mga bubog. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya, puno ng pag-iingat na hindi mabubog. 

Niyakap ko si Mama. Humagulgol ng malakas si Mama. Punong-puno siya ng mga sugat at pasa sa buong katawan. Tears filled my eyes, my sight blur. I closed both eyes, tears run down my cheecks.

"Ma, sinaktan ka na naman ba niya?" tanong ko. Tinukoy ko ang magaling na asawa ng Mama ko. Walang ibang ginawa kundi ang magsugal, magsabong, mambabae. Lahat na ata ng bisyo nasa kanya na. Uuwi lang dito sa bahay pagtalo, tapos sa'min niya pa ibubuntong lahat ng galit niya. Sa'kin... sinasalo lang 'yon lahat ni Mama.

"Leina, please... don't leave Mama alone." paki-usap niya. Kumalas siya sa pagkakayakap, tiningnan ako sa mga mata, hinihintay ang sagot ko. 

"Mama... I won't. Ikaw lang po ang meron ako, hinding-hindi ko 'yon gagawin." 

Nang kumalma na si Mama inaya ko na magpahinga na siya. Inalalayan ko si Mama papunta sa kwarto niya. Parang may naapakan yata ako, hindi ko na ininda 'yon. Ayaw ko na mag-alala sa'kin ang Mama. 

"Maligo muna ikaw, Ma?"

Tumango naman siya. Inalalayan ko siyang tumayo muna sa pagkaka-upo sa gilid ng higaan. Ika-ika ang paglalakad ni Mama dahil siguro sa mga sugat at pasa niya sa paa. 

"Anak,  'wag kang aalis d'yan ha" bilin niya. 

Tumango ako kasabay ng pagbitiw ko ng isang malaking ngiti sa kaniya. Pagsara ni Mama ng pinto, ang kaninang ngiti ay napalitan ng sakit. Naglakad ako palapit sa drawer ni Mama, maghahanap ng pupwedeng pantanggal ng bubog. The only thing I saw her is chani, I pick it up and push back the drawer. Na-upo ng nakadekwatro. 

"Are you still there, Leina?" she make sure

Dahan-dahan kong inalis ang bubog sa talampakan ko. I make sure na walang aray na kumawala sa bibig ko.

"O-opo" I answered, shaky voice cause of pain. 

Tinapon ko ang bubog sa basuharan na nakalagay malapit sa pintuan. Inihanda ko na rin ang pamalit na damit ni Mama, at kinuha ko na sa kusina ang first aid kit. 

"Leina! Anak...Leina!"

Nagmamadali akong bumalik sa kwarto, hindi ko na ininda ang sakit ng paa ko. Pagpasok ko ng kwarto, wala akong Mama na naabutan. Nabitawan ko ang dalang first aid kit. Napasapo ako sa noo. Maling Iniwan ko siya...

"Leina!" agad akong niyakap ni Mama ng makita niya ako sa pintuan ng kwarto niya 

"Akala ko  iniwan mo na ako," kinalas niya rin agad ang yakap, hinawakan niya ang mukha ko gamit ang mga palad niya. "Huwag mo na ulit gagawin 'yon... Mababaliw ako."

I look at her eyes, you can see how afraid of being alone she is. ' I won't leave you, Ma... I won't abondon you, like what Papa did .' 

"Pasok na po tayo sa loob, gagamutin ko ang mga sugat mo." I told her, a warm smile draw on my face.

Habang nililinis ko ang sugat niya gamit ang cotton na may saline solution, nakatulog si Mama. Dahan-dahan kong nilatag ang kumot sa katawan niya at lumabas ng kwarto. Nilinis ko ang ang mga bubog na nagkalat sa sala, inayos ang mga gamit na nagkalat. Ramdam ko ang pagod ng matapos kong linisin lahat ng kalat, napasalampak ako sa sofa. 

"Lani!" Isang malakas sigaw ang narinig na namin na nanggaling sa labas, kasunod ay isang at sunod-sunod na pagkatok sa pinto.

"POTANGINA LANI! BUKSAN MO ANG PINTO!" sigaw ng tatay ko, kasunod ng isang malakas na kalabog.

"Ma..." natatakot ako. 

"Sige na, pagbuksan mo na." utos ni Mama habang naghahain sa mesa. 

Nagdadalawang-isip ako kung tatayo sa kina-uupuan ko para buksan ang pinto. Paano kung pagpasok niya palang ay saktan na niya agad si Mama? Ako?

"Sige na..."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan, at tumayo ako, naglakad papuntang sala. Bubog ang bumungad sa 'kin. 

Saan na naman kaya galing 'to?

I unlocked the knob, also the double lock above the knob. Bumungad sa 'kin ang Papa ko at may kasama itong babae, nakapulupot ang dalawang kamay sa leeg ni Papa. Kung pagmamasdan mo ang babae, wala kahit na kulubot ng balat ang makikita sa katawan niya. Ang bata niya tingnan. Sinamaan ko sila ng tingin. 

"Nasaan ang mama mo?" Tanong niya.
 Pumasok sila sa loob. Itinulak ako ng babae dahilan para matumba ako.

I clenched a jaw. Tumayo ako, gusto kong sugurin 'tong Babaeng 'to. Nakakagigil!

"Anong ginagawa mo rito? Kung umuwi ka rito para sa, pwes wala ka ng makukuhang pera sa'kin." sambit ni Mama na kararating lang galing sa kusina. 

Inalis ni Papa ang kamay ng kirida niya na nakapulupot sa leeg niya. Lumapit ito kay Mama, kinuha niya ang kamay ni Mama, pinalapit sa sofa at pina-upo. 

"Sorry sa ginawa ko, hindi na ulit iyon mangyayari." isang pangako na naman ang binitawan para pamako. 

Lumuhod siya sa harap ni Mama, hawak ang isang kamay at hinahalik-halikan ito.Agad binawi ni Mama ang kamay niya. Lumanding ang nguso ni Papa sa sarili niyang kamay. Tumayo si Papa at pumwesto sa likuran ni mama, inilapat ang dalawang palad sa balikat ni Mama, at may binulong siya. 

Pinagmamasdan ko ang ekspresyon ni Mama, hindi ito nagbago. Walang emosyon. Nalipat ang atensyon ko rito sa babaeng nasa harapan ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. I make face. She wouldn't see it, it's her back the one would see. Kung mayroon lang mata at bibig ang likod niya, siguradong kanina pa nagrereport sa kaniya. 

"Hihingi ka ng sorry? Gago ka ba?Sinong tanga ang bibili ng drama mo?" sarkastikong sambit ni mama "Ang kirida mo narito sa loob ng pamamahay ko, nakatayo sa harapan ko. Sinong ponsyo pilato ang maniniwala?"

"Huwag mo 'kong simulan,Lani." pagbabanta ni Papa. 

"Nasasaktan ako! Ano ba!"

Scream of AffectionWhere stories live. Discover now