HASNE IVO LIVE ARQUIM AT AMAREO!

254 15 6
                                    

OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:

PERFECT (ED SHEERAN)


PALASYO NG SAPIRO

"Di ko po alam kung ano ang mauunang mapudpod ... ang sapatos niyo o ang semento, tay." Pinagmamasdan ni Lira ang ama. Naghihintay ang dalawa sa labas ng isang silid.

"Ganito ba talaga katagal..." Tila kinakabahan ang hari ng Sapiro. Pabalik-balik ang paglalakad niya.

"Wala pang thirty minutes tay..." Winika ni Lira. 

"Bakit parang ang tagal." Hindi mapakali si Ybrahim.

Nang bigla silang makarinig ng sigaw mula sa silid. Tinig ito ng reyna ng Sapiro...ang hara Amihan.

"Amihan!" Papasok na sana ang rama ngunit pinigilan siya ni Lira.

"Relax ka lang tay...kaya ni nanay yan..."

"Pero..." Bakas sa mukha ni Ybrahim ang pag-aalala.

"Hinga tatay... inhale...exhale..." Ang payo ng diwani. "Ikaw yata ang nangangailangan ng doktor eh..." Biro nito.

Sabay silang umupo sa gilid. "Kakaiba talaga dito sa Encantadia ... di lumalaki ang tiyan, isang araw lang manganganak na...convenient ah."

Muli nilang narinig ang sigaw ng reyna...ngunit kasunod nito ay tinig ng bagong silang na sanggol. Napatayo si Ybrahim.

"Mahal na hari..." Lumabas mula sa silid sina reyna Danaya, Alena at Pirena. "Maaari niyo nang puntahan ang reyna."

Dali-daling pumasok si Ybrahim. Narinig na lamang niya na nagpasalamat ang anak sa kaniyang mga ashti.


Napahinto siya sa nakita.

Napahinto siya sa nakita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kalong-kalong ni Amihan ang kanilang anak...mga anak.  Tumulo ang luha ng rama ng Sapiro. Naalala niya saglit ang mga napagdaanan nila ng diwata. 

Nakikita niya ngayon sa kanyang harapan ang mag-iina niya...ang kanyang reyna kasama ng kanyang mga anak.

"Ybrahim..." Tinawag ni Amihan ang hari.

"Salamat ... maraming salamat mahal ko." Hinalikan niya ang noo ng reyna.


Binuhat ng hara ang isa sa mga sanggol at ibinigay sa hari.

Binuhat ng hara ang isa sa mga sanggol at ibinigay sa hari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


 "Ang nakatatanda sa kanilang dalawa... " Bulong ng diwata. 

Hinagkan ni Ybrahim ang anak.  "Si Arquim... " Winika niya.


 "At si Amareo." Sambit ni Amihan habang yakap ang isa pang sanggol.

" Sambit ni Amihan habang yakap ang isa pang sanggol

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tuwang-tuwa ang dalawa habang pinagmamasdan ang kanilang mga anak.

 "Woah twins... " Narinig nila si Lira.

 "Halika anak...lapitan mo ang iyong mga kapatid." Akmang pinakita ng reyna ang mga sanggol.

 "Ang cute nila... " Abot-mata ang ngiti ng diwani.  "Kamukha ko po sila."


Hindi maipaliwanag ni Ybrahim ang galak na nararamdaman sa mga sandaling iyon. Isang larawan ng kumpleto at masayang pamilya...na sa kabila ng mga naranasan nilang pagsubok noon, lubos-lubos siyang nagpapasalamat. Isang bagay na pinangarap niya lamang. Isang kahilingan na akala niya ay hindi matutupad kailanman...ngunit ngayon ay abot-kamay na niya.

.

.

.

.

.

Mula sa awtor:

Maraming salamat sa mga tumatangkilik sa Pinagtagpo, Itinadhana series! Abangan pa po ang mga susunod na maiikling kwento na iikot sa pamilya nina Rama Ybrahim at Hara Amihan.

Huwag mahiya na ifollow, iboto at idagdag sa inyong reading lists.

Muli, avisala eshma sa mga boto o rebyu!

PINAGTAGPO, ITINADHANA(YBRAMIHAN FAMILY SNIPPETS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon