NAPAKAGAT sa kaniyang ibabang labi si Sania habang kasalukuyang naglalakad pauwi. Kahit anong pilit niya ay hindi siya mapakanali. As usual ay kasama niya ang kaibigang si Leslie but what makes her feel uncomfortable is the guy behind them. Si Michael na siyang nagpumilit na sumama sa kanila at ihatid sila hanggang sa makauwi. Naalala pa niya ang sinabi nito sa kaniya bago sila umalis ng eskwelahan.
"Sasamahan na kita pauwi baka mamaya ay may makasalubong ka na naman na ikapapahamak mo. Mabuti ng kasama mo ako para maprotektahan kita. Sobrang hina mo pa naman."
Pakiramdam ni Sania ay mababaliw siya dahi sal mga nangyari sa kaniya ng araw na 'yon at sa mga sinasabi ni Michael sa kaniya. Pasimple niyang nilingon ang lalaki na tahimik lang na naglalakad sa kanilang likuran.
"Okay ka lang ba, beshie? Ano'ng pakiramdam mo ngayon?" tanong sa kaniya ni Leslie.
Hindi sumagot si Sania bagkus ay ngumiti lang ito pagkatapos ay hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kaniyang kaibigan. “Ayos na ang pakiramdam ko kaya huwag ka ng mag-alala.”
Laking pasalamat na lang ni Sania dahil ang buong akala niya ay hindi ito maniniwala sa kaniya at patuloy siyang kukulitin nito. Totoo naman kasi ang kaniyang sinabi. Mula nang makapag pahinga siya sa infirmary ay umayos na rin ang kaniyang pakiramdam. Marahil ay nakatulong ng malaki sa akin ang pinainom sa akin ni Michael.
Hanggang sa mga oras na ‘yon ay iniisip pa rin niya kung ano ang kulay ube na pinainom nito sa kaniya dahil nang mainom niya ‘yon ay agad na nawala ang panghihina na kaniyang naramdaman mula nang magising siya sa infirmary. Malaki ang kaniyang pagtataka sa biglang pagbabago ng pagtrato nito sa kaniya. Una ay nilapitan at kinausap niya ako na hindi naman nito ginagawa dati pagkatapos ngayon ay sinasamhan pa sila nito pauwi.
Alam ni Sania na hindi lang siya ang nagtataka sa ikinikilos ng lalaki kun ‘di pati na rin ang kaniyang kaibigang si Leslie. Ilan pang sandali ay tumigil ito sa paglalakad at saka hinarap ang binatang nasa kanilang likuran habang patuloy pa rin sa paglalakad patalikod.
“Sandali nga, Michael. Bakit pala naisipan mo na ihatid kami ngayon pauwi?” direktang tanong nito sa lalaki sabay inilagay ang dalawang kamay sa magkabila nitong bewang. Hindi pa do’n natapos ang ginawa ng babae at pinaningkitan pa nito ng mata ang binata na animo’y isang bagay na sinusuring mabuti. “Tapos napansin ko rin na first time mong magpakita ng sobrang pag-aalala kay Sania? Aminin mo nga! May gusto ka ba kay Sani?”
Muntik ng matalapid si Sania sa biglaang sinabi ng kaniyang kaibigan. Agad niyang sinaway ito sa pamamagitan ng paghampas niya sa braso nito pagkatapos ay tinapunan ng tingin si Michael na bakas ang disgusto sa guwapo nitong mukha. Napakagat sa kaniyang ibabang labi si Sania. Pakiramdam niya ay sobrang pulado ng kaniyang pagmumukha ng mga oras na ‘yon habang nakatingin sa lalaki.
“BABYE! INGAT kayong dalawa! Michael ingatan mo ‘yang kaibigan ko ah!” sigaw ni Leslie habang kumakaway sa kanila.
Nagmamadali si Sania sa kaniyang paglalakad nang matapos nilang mahatid ang kaniyang kaibigan. Ngayon na silang dalawa na lang ang naiiwan na magkasama ay hindi niya alam kung paano ito pakitunguhan lalo pa dahil na rin sa sinabi sa kanila ni Leslie. Sobra siyang nahihiya sa ginawa ng kaniyang kaibigan.
“Alam mo wala namang masama na magkagusto ka sa kaibigan ko. Pinahanga mo rin ako sa sinabi mo kanina na kaya mong protektahan si Sania kahit na sobrang payat mo pero sana lang kapag pinormahan mo ang kaibigan ko ay huwag na huwag mo siyang sasaktan kung hindi sa akin ka malalagot.”
Patuloy lang sa paglalakad si Sania nang bigla niyang maramdaman na may pumigil sa kaniya na isang kamay.
"Sandali nga! Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ng lalaki sa kaniya.
"Hindi mo naman kailangan na gawin ito eh. At saka hindi ko pa rin makuha ang sinasabi mo na ikapapahamak ko!” asik niya sa binata samantalang iniiwasan na mapatingin sa direksyon nito.
“Kung iniisip mo ang sinabi ng kaibigan mo na baka may gusto ako sa ‘yo ay h’wag kang mag-alala dahil kahit kailanman ay hindi ako makakagusto sa ‘yo. Kinasusuklaman ko ang amoy ng dugo na dumadaloy sa ‘yong mga ugat. Sa totoo na lang ay wala akong intensyon na ma-involve sa ‘yo kung hindi ko lang sana dadalhin sa aking konsensiya kung may mangyarin masama sa ‘yo. Nakuha mo?” saad nito habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa kaniya. Hinigpitan nito ang pagkakapit sa kaniyang kamay at saka walang pakundangan na hinila siya. “Kaya halika na nang mahatid na kita at hindi ko na makita pa ang pagmumukha mo,” mataray na dagdag pa nito habang patuloy siyang hinihigit.
Wala nang iba pang nagawa si Sania kun ‘di ang magpatangay sa lalaki dahil kahit na gustuhin man niya na magpumiglas ay hindi niya kaya dahil sa lakas ng lalaki. Tahimik siyang sumunod dito hanggang sa hindi niya namalayan ay nakarating na silang dalawa sa harapan ng kaniyang bahay.
“Sania apo!”
Nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay nang marinig niya ang tinig ng kaniyang Lolo Rene. Agad na sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita niya ang kaniyang pinakamamahal niyang lolo na siyang nag-aabang sa kaniya kapagkuwan ay tumakbo upang salubungin ito ng isang mahigpit na yakap.
“Lolo, bakit ngayon lang po kayo umuwi? Miss na miss ko na ho kayo,” saad niya sabay bitaw sa pagkakayakap nito. “Pasensiya na kayo at hindi ko po kayo madalaw sa templo dahil na rin sa sobrang kaabalahan,” hinging paumanhin niya rito.
Umiling lang ang kaniyang lolo habang hinihimas ang kaniyang noo. “Naiintindihan ko naman, apo. Hindi mo na kailangan pang mapaliwanag,” ani naman ng kaniyang lolo na malawak pa rin ang mga ngiti sa kaniya ngunit agad na nabura ang ngiting ‘yon nang dumako ang tingin nito sa kaniyang likuran.
Do’n lang napatanto ni Sania na hindi pa pala niya napakikilala si Michael sa kaniyang lolo. Nang mapadako ang tingin niya sa direksyon ng lalaki ay kapansin-pansin din ang madilim nitong mukha habang nakatingin sa kaniyang lolo. Ah… okay? Ano’ng meron? Bakit parang magkagalit si lolo at saka si Michael?
“Siyanga pala, lo. Siya nga pala si Micha”--
“Sania halika na at pumasok na tayo sa loob. Naghihintay na sa loob ang kapatid mo pati na ang mga magulang at lola mo,” ani ng kaniyang lolo habang hinihila siya papasok ng bahay katulad ng ginawa sa kaniya ni Michael ilang minuto pa lang ang nakalipas. Bagamat nasa edad 60 na ang kaniyang lolo ay hindi pa rin maikakaila ang lakas nito na para bang nasa edad 40 lang ito.
“Pero lo”--
“Wala ng pero pero, apo. Makinig ka sa iyong lolo,” saway naman nito. Bakas sa mukha nito ang matinding kabalisahan na animo’y may kinatatakutan ito. Ang tanong ay ano?
“Hindi mo kailanman maitatago ang katauhan niya, punong ministro,” saad ni Michael na siyang nakapagpigil sa kaniyang lolo mula sa paglalakad.
Kunot noong tiningnan ni Sania si Michael dahil sa mga sinabi nito. Akmang magre-react na sana siya nang muli siyang hilahin ng kaniyang lolo.
“Hindi mo kailanman siya mapro-protektahan. Nasa paligid ligid lang ang gustong kumuha sa itinatago ng apo mo. Kung ako sa ‘yo ay sasabihin ko na sa kaniya para makapag handa siya,” dagdag pa nito.
Hindi nagsalita ang kaniyang lolo upang sagutin man lang ang sinasabi ng binata bagkus ay patuloy lang ito sa paghigit sa kaniya papasok ng bahay. Tiningnan niya si Michael upang humingi ng paumanhin at magpaalam ngunit sa isang iglap ay bigla na lang itong nawala. Saan na ‘yon nagpunta?
BINABASA MO ANG
His Mate
Сучасна проза"Since the beginning, I knew I wasn't sure but I felt like our fate was already decided."