(PLAY NOBELA —JOIN THE CLUB WHILE READING THIS STORY)
"Pry, hindi ba't si Demise 'yon?" Kaagad akong napatingin sa itinuro ng aking kaibigang sina Kaylee at Alfred. "Hindi ba't girlfriend mo siya? Bakit may kasamang iba?" Hindi ko alam pero para akong nasasaktan sa mga nakikita ko. Nasasaktan akong makita ang taong mahal ko na may kasamang iba lalo na't sa tagpuan namin dito sa parke.
"Hayaan niyo nalang tara na baka mawalan pa tayo ng puwesto." Sa ngayon nandito kami sa isang concert sa paboritong banda ni Demise. Marami raw siyang gawa sa trabaho niya kaya hindi siya makakapunta kaya sina Alfred at Kaylee nalang inaya ko kasi sayang ticket na nabili ko.
"Bro, sugurin na natin 'yong lalaking kasama ni Demise. Papayag ka no'n hinalikan niya girlfriend mo?!" Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Huwag, hayaan niyo lang sila d'yan naman siya masaya."
"Pry, naman." Kaagad ko lang silang binigyan ng isang mapait na ngiti bago umalis. Bago ako umuwi sa tinutuluyan namin ni Demise bumili ako ng maraming alak at nagpakalulong sa alak na binili ko. Hinihintay kong makauwi si Demise.
"Oh, bakit gising ka pa?" Napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses.
"Oy, and'yan ka na pala."
"Kumusta, saan ka galing?" Pilit kong pinipigilang pumatak ang mga luhang nagbabadyang umagos.
"Alam mo namang nag - over time ako sa work ko hindi ba?" I just smiled at her.
"Alam mo kung saan ako galing? Sa dati nating tagpuan kung saan ginanap ang concert ng paborito mong banda." I bit my lips for me to stop the flowing of my tears but it suddenly falls rapidly.
"Oh shocks! Pry I'm sorry." She started to cry on her knees when she realized what I'm saying.
"Bakit ka naman umiiyak?"
"Please let me explain."
"Hindi ba ako naman 'yong naloko?"
"I'm so sorry hindi ko ginustong saktan ka."
"Pero salamat pa rin kasi sa akin ka umuwi."
"Pry, I'm sorry but I have to go," ani niya bago siya umalis sa harapan ko.
Patuloy lang ako sa pag - iyak hanggang sa makaramdam ako ng antok, hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako.
I heard my alarm beeping and I just reach for it to stop my alarm. Naalimpungantan ako nang marinig ko ang tunog ng aking alarm.
YOU ARE READING
LONG - SHORT STORIES
Historia Corta"Long-Short Stories" is a unique novel composed of various short stories that seem unrelated at first glance. However, as the reader delves deeper into the book, they will begin to discover a hidden trilogy interwoven throughout the stories. Each st...