Vina's POV
Mga tanghali na at umuwi na kami. Sa van sobrang tahimik dala na siguro ng pagod.
Lahat sila tulog tapos ako lang gising, naglalaro lang ako ng COC habang si Yam natutulog.
Nang biglang napahiga yung ulo niya sakin.
I had this strange feeling tapos bumilis yung tibok nang puso ko, para akong nasa alapaap. Tapos bigla nalang akong nagimagine ng kung ano ano. Bat parang nagfa-fast forward ang lahat, parang nakikita ko yung future, na hawak ko yung kamay niya, na yakap yakap ko siya at hinahagkan.
"Oh shit!" sabi ko kasi inaatake na yung sa COC ko.
Ano bang nangyayari sakin!?? damn it!
"asan na tayo?" sabi ni yam tas kinusot yung mata.
"Ah sa NLEX na tayo." sabi ko.
Hindi na siya nagsalita pa at natulog ulit, sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko.
Eto nanaman yung nararamdaman ko, bakit ba ganto???
Yam' POV
Pumasok na kamI sa kwarto namin.
"Yam. May aaminin ako sayo." sabi nI vina.
"Ah ano yun?" bakit kinakabahan ako?
"Nung una palang kitang makita, gustong gusto na kita, lalo na nung naging kaibigan kita, lalo akong nagkagusto sayo. Alam ko ang weird, kasi parehas tayong babae, nung una pinipigilan ko yung sarili ko na magustuhan ka, kasi alam kong hindi tama at alam kong gusto mo si hiro. Pero nung untI unti akong napalapit sayo, hindi ko mapigilan sarili ko, hindi ka mahirap mahalin yam. Ikaw yung taong mataray, masungit, pero sweet sa tao at mahilig mag-alaga. Alam kong walang patutunguan tong sinasabi ko sayo kasi kahit kailan hindi mo magugustuhan yung katulad ko kasi babae ako eh. Pero gusto kong malaman mo to, dahil hindi ko na kayang itaga pa. Nung nagswimming tayo? muntik na kitang mahalikan, peri butI nalang kumatok nun si jhay. Natatakot akong umamin sayo kasi baka layuan mo ko, pero hindi ko na kaya yam. At pag pinagpatuloy ko ang lihim na to, baka lalo pang lumala tong nararamdaman ko. Maiintindihan ko kung lalayuan mo na ko, eto lang gusto kong sabihin sayo yam. Mahal na mahal kita."
Na speechless ako sa sinabi niya.
Pero hindi ko na napigilan pa, agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Unti unti ko ding nilapit yung mukha ko sa mukha niya.
Papalapit ng papalapit ang labI ko sa mga labi niya.
Nang bigla..
Akong ..
Nagising :3
"yam. Andito na tayo." sabi sakin ni vina.
"What? panaginip lang yun!?"
"Huh? ang alin?" sabi niya ulit.
"Wala. Tara na nga."
Nakakabadtrip yun! akala ko naman totoo na! ughh! bat ba to nangyayari sakin.
Vinaaaa!!! anong ginawa mo sakin :(((
-- --
BINABASA MO ANG
In Love With Her
Romantikabout ito sa babaeng na-in-love sa kapwa babae. kahit sobrang napakababae nilang dalawa. kahit ayaw nang mga magulang nila, lumaban parin sila hanggang sa dulo. hanggang san kaya aabot ang relasyon nila? makamit kaya nila ang hinahangad nilang happy...