@purpleyhan (Ann Lee)

518 20 6
                                    

She was the first author that I came accross to Wattpad.

Her first work that I read was "A Ride to Love". Kakasimula ko pa lang sa wattpad noon at ito ang una kong nakita . Nakakatuwa na nakakaaliw dahil 'Jeepney Love Story with a twist' yung nasa description niya.

Ang pinakagusto ko sa story na ito ay yung may aral ka talagang mapupulot at konektado lahat ng mga Characters. Para bang merong tadhana.

Meron talagang linya na nakapagpatawa sa akin sa story na ito.

"Lola Roma! Lola! Kilala mo po ba si Lady Gaga?" Si Aera, ang napaka-cute at pinakaaaliwan ko sa story.

"Ay sino ba yoon, apo?At bakit mura yung pangalan niya? Mukhang masamang tao iyan ha!" Si Lola Roma, ang lola ni Ryde (myLovesss. Hihihi).

"Ano ka ba lola! Dun kaya galing ang pangalan mo! Hahaha. Ra Ra Ra ah ah ah! Roma Roma ma! Wachor Bad Rowmans."

Nakakatuwa yung scene nilang dalawa. Hindi ko talaga aakalain na mapapatawa at mapapaiyak ako sa kuwentong ito. Aba malay ko ba eh kakasimula ko pa lang sa Wattpad diba?

Rinocommend ko siya sa classmate kong nagbabasa din ng Wattpad. Dalawa pa lang kami noon na nagbabasa ng wattpad sa school. Hindi pa ganoon kasikat eh. At ayon nagustahan niya din kagaya ng pagkagusto ko.

May isang araw nga nagulat na lang kami na nagtatanong ang aming teacher sa Filipino na ano daw bang magandang basahin sa Watty, ayun sinabi namin ito. Ang kinalabasan? Tuwang tuwa si Sir at kinikilig.

Pagkatapos ng dalawang buwan na pagbabasa, try kong binasa ang iba niyong story. Katulad na lang ng ENGAGEMENT TROUBLE na tinakasan ang kanyang kasal. THE ARROGANT PRINCE at 7th Unit na sa huli ko lang narealize ang kanyang title. (Ehem, medyo slow ate eh. Hehe)

December, binasa ko yung TANTEI HIGH. As in napa W-O-W talaga ako. Ang galing ng pagkakasulat. Hindi ako mahilig sa mga ganoong genre pero dahil sa story na yan naging mahilig na ako. Oh diba? hahaha. I hope one day, may ganoong mga sense's din ako. Yung nakakapag usap ako thru brain. Yung malayo pa lang naaamoy, nakikita, at naririnig mo na yung mga tao. Ang astig lang kasi.

Sa ngayon inaabangan ko na ang UD ng Oh My Ice Goddess. And all I can say is AMAZING. ALL YOUR STORIES ARE AWESOME.

So here we go,

Hi Ate Ann! (FC lang). Ipagpatuloy niyo lang po ang pagsusulat dahil that is a gift from above. Iilan lang ang nabiyayaan ng talentong ganyan. Sana po (cross fingers) mabasa niyo ito dahil IKAW ang una kong naging idolong Author.

Keep inspiring us. More Books to be published and I hope maging movie din. Alam ko po busy ka, kaya hindi ka masyadong nakakapag-update pero sana ako po ang isang pagdedicate'n niyo. Ahihihi. :) Ingat po kayo palagi. I love you po. God bless you ang your family. Mwauh!

Love,
Kate Diane❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Phenomenal AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon