ASHLEY CARRACIO
Intrams na bukas! Yey. Tapos sa next week Junior Senior Prom na! Haaaay pag talaga 4th year ka ang dami mong Last. At feeling ko, si Ethan na ang Last heart break ko. Hm!
"Bes, ano ka ba? Bakit mo binusted?!" Ani ni Gabbie sa akin, yes you heard it right guys, busted. Hindi ko kasi inentertain si Dylan. Actually nag chat sya sakin at sabi ko ay friends lang. Kaya ngayon sinasabihan ako nila Jette ng 'Pa-fall' Duh! Paki ba nila e Still into Earl pa rin ako.
"Ts, wag nga ako ang alalahanin mo bes! Bukas na yung Singing contest nyo ni Rade dapat yun yung inaalala mo diba?" Change topic. Yeah! Ayoko nalang pag usapan pa..
"Kahit na, sayang e! Malay mo bes sya na pala yung hinihintay mo."
"Duh! Si Ethan lang ang hinihintay ko!!"
"Gago ka, obsess ka na ba? Huy bes may napanood ako sa movie obsess yung babae tapos err! Pucha e, parang Saw!" Gago 'to! Alam nang nakakadiri kinukwento pa.
"Yucky ka Gabriella! Bunganga mo."
"Mas yucky ka! Don't call me Gabriella! I am Gabbie. Gabbie the dyosa! HAHAHA!!"
"Hoy Gabbie! Napaka ingay mo naman e." Sabat ni Rade, well totoo naman maingay talaga sya.
"Leche! Makalayas na nga. Wait bes ha, CR lang ako."
***
"Binusted mo, kasi sya pa rin nasa puso mo. Iniiyakan mo, kasi nandyan pa rin yung sakit. Nagalit ka dun sa bago, kasi feeling mo niloko ka lang. Nawawala ka sa sarili, kasi feeling mo hindi ka na muli pang mabubuo. At sinisira mo 'yang buhay mo dahil sa gagong 'yon na wala naman palang pake sayo!" Saad ni Rade sa tabi ko. Gago sya! Wala syang karapatan. Oh! Ang luha ko nanaman, ang bigat bigat sa pakiramdam!!!
"How dare you, Rade?! Wala kang karapatang maliitin 'tong nararamdaman ko!"
"Hindi ko 'yan minamaliit Ashley! Ang sakin lang gumising ka! Hindi lang ikaw ang babaeng naiwan ng lalake, lalaking walang kwenta," Puta Rade? Anong alam mo?! Galit ako, oo pero hindi ko alam kung kanino. "Hindi ka mamamatay kahit iwan ka nya, marami pang iba dyan na handang mag mamahal sayo ng totoo!"
"Wala na! Sira na ako, sirang sira na ako. Minsan hindi ko na maintindihan 'yung sarili ko!" Putang ina. Naiiyak ako ng sobra, as in super sobraaaa! Wala na bang katapusang iyak 'to?!
"Ashley ang daming nagmamahal sayo! Pwede ba gumising ka! Hindi yung nag mumukmok ka lang dyan. May bukas pa para sa ganyan Ashley! Those fucking stuff, hindi 'yan pinag kaka abalahan tandaan mo 'yan! Wag mong pairalin yang tanga mong puso!" Sabay alis nya. Yung mata ko nag bblur na, ang hirap. Bakit ganon? Parang tinamaan ako sa sinabi ni Rade?
***
RADE SANCHEZ
Hindi ko na kayang makita pa syang umiiyak kaya ako lumabas at sakto naglalaro ng Basketball yung mga barkada ko kalaban sila Ethan. Syempre sasali ako, aba hindi ata 'to papatalo!! Inayos ko muna yung sapatos ko at jersey para Pogi.
"Oh pre! Sali ka na, sub ka sakin." Biglang sabi ni Niko, oo gets na kita tol! I wink at him.
Intense huh! Ang score ay 19-22 syempre kami yung lamang! Nasa kila Ethan ang bola at eto ako depensa, sige lang gago hindi mo ko kaya!!
Pero pinasa nya at naka shoot sila, na rebound ko naman 'yung bola. Pinasa ko kay Brix sabay balik sakin at Dakdak! Woah!!! Sigawan yung mga nanonood, PE kasi ngayon so free silang manood.
"Woah! Pinsan ko 'yan!! GO COUZ!" Ang ingay ni Gabbie! Hah, "Hoy wag mong landiin haliparot pinsan ko 'yan!" Her possesive ways, she's so cute actually.
Natapos yung game at kami ang nanalo. Pero bigla akong nakaramdam ng guilt, nakita ko kasi si Ash na mag isa e. I feel so, ugh! Never mind. Gusto ko na kasi e, gusto ko na sya. Kaya lang alam kong wala akong pag asa, o karapatan man lang. Atleast, I love her from a far.
***
ASHLEY CARRACIO
"Huy Ashley gising!" Gising sakin ni Gabbie. "Ano ba palagi ka nalang tulog dyan," Oo palagi akong tulog sa classroom wala sa sarili e. "Tss, may hang over ka no! Gago ka."
"Bes kasi e, pinag sabihan ako ni Rade. Sabi nya hindi lang naman daw ako ang unang babaeng naiwan ng lalaki."
"Omg! I am so proud of Rade! Sinabi nya 'yon? Tell me more bes. Kaya pala wala ka sa labas kahapon. Well, uhm what else did he say para naman kahit papano magising ka sa katotohanan, magising ka sa madilim na panaginip na hinaharap mo," Alam kong concerned sya at alam kong nahihirapan na din sya sakin. "Bes, minsan kaylangan mo ring mag Let go para malaman mo kung gaano ka kahalaga sa ibang tao. Oh well, bes practice lang kami ni Rade. Love you."
I super love my bestfriend. Kahit super tanga ko na nandyan pa rin sya sa tabi ko. She's been with me through my ups and downs. And I prayed na sana manalo sila bukas.
***
Simula na nung Singing contest, unang kumanta yung Gr.7 Section 1 ang kinanta nila Lucky. Yung Gr.7 Section 2 naman ay Say Some Thing. Yung Gr.8 Section 1 naman ang kinanta ay Let me be the one. Yung Gr.8 Section 2 naman ay Love me like you do. Yung Gr.9 Section 1 ay Royals. At kami naman 4th yr Combined section ay Break Even. Magagalin lahat syempre pinaka magaling ang section namin!!
Nung awarding na ang 3rd place ay yung Gr.7 Section 1 Second place naman yung Gr.8 Section 2 at ang champion well syempre kami!
"Congrats Gabbie and Rade!!!" Sigaw nang mga classmates namin syempre pati ako!
"Thank you guys! I appreciate all your efforts! Uhhhhh group hug guys!" Ang sweet ni Gab, kaya nag Group hug kaming lahat at katabi ko sa kanan si Gabbie at sa kaliwa naman si Rade. Err! Badtrip!
"Uh guys mamaya na yung 1st Game namin sana suportahan nyo kami ha, kalaban namin ang Grade 9! And we will beat them man!" Ani ni Rade samin, kalaban pala nila sila Ethan. Sino kaya ang mananalo? Wish ko sana kami.
'Moving on. Sounds easy but I died a thousand times in pain just to appreciate this phrase.'
---------------------------------------------------------
Hi guys! Ang lame nung sa basketball part sorry! Hindi kasi ako mahilig dun e kaya ganon. Pero thank you pa rin sa mga reads. Lablab <3 :)
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...