Chapter Five

97.5K 2.7K 248
                                    

CHAPTER FIVE

MULA pagkatulog hanggang sa pagkagising ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ni Frances ang mga sinabi ni Matthew nang mag-usap sila kagabi.

Nakatulog siya na iyon ang iniisip at nagtatalo ang utak niya kung tama ba ang pagkakaintindi niya sa mga sinabi ni Matthew.

He somehow... what? Trying to point out that one time in college, he liked her? Nagkagusto ba ito sa kanya kahit nung magkaibigan pa sila o nagkagusto ito sa kanya nang maging sila ni Terrence noon?

Ugh. She does not know.

Pero bakit hindi niya naman halata noon kung totoo nga ang iniisip niya? Sanay siyang makaalam ng mga lalaking may gusto sa kanya.

Observant kasi siya. Sa pagkilos, sa pananalita, sa pagngiti ng isang lalaki, alam niyang may gusto sa kanya dahil nakikita niya ang hints.

Si Matthew noon, ang turing sa kanya ay parang "tropa" lang. Kahit anong pagka-kikay niya, Matthew would talk to her like she's one of the boys. Wala iyong usual na "pa-cute" na ngiti ng mga lalaking may gusto sa kanya.

Kahit nga si Terrence noon, alam niyang may gusto sa kanya dahil iba ngumiti at tumingin ang lalaki sa kanya. Pero si Matthew talaga... normal, eh.

O magaling lang talaga itong magtago ng feelings?

Napabuntong-hininga siya at nanatili ang pakikipagtitigan sa kisame habang nakahiga sa kama niya. Tuwid na tuwid ang pagkakahiga ni Frances, lapat na lapat ang likod niya sa higaan, ang dalawang kamay ay nakapatong sa tiyan. Para siyang isang straight line na iginuhit sa kama gamit ang ruler.

Hindi rin siya gumagalaw at hindi naman siya nakakaramdam ng pangangalay kahit pa magta-tatlong oras na yata siya sa posisyong iyon.

She won't rise up from the bed until she figured out what Matthew is trying to say.

Oh, let her rephrase that, hindi siya babangon hanggang sa makapag-decide na siyang na-gets niya na ang ibig sabihin ng lalake o magkukunwari siyang hindi.

Oh, my god. Napakalaman talaga ng mga sinabi nito. It was so hard to ignore! Frances can't just pretend that she does not know it.

May gusto sa kanya si Matthew.

Shit!

Bumangon siya ng kama, lumapit sa lalagyanan ng mga damit nila ng anak at saka kinuha ang mga damit doon. Binato niya ang mga iyon sa kama. Kumuha siya ng mga bente. Pagkuwa'y umupo siya sa kama at inisa-isa niya ang pagtutupi niyon.

Katulad ng dati, sinisiguro niyang lapat na lapat at walang gusot ang mga damit na tinutupi. She folded the clothes by color. From brightest to the darkest.

"Mama, breakfast is ready! Tito Matthew cooked eggs and hams and fish and..." Nahinto si Cyla sa pagsasalita nang pagpasok nito ng kuwarto ay nakita siyang matamang nagtutupi ng damit. Yakap-yakap nito ang pagong na stuff toy na binili nila kahapon. "Mama, why are you folding our clothes again? You already folded those... yesterday."

Frances unintentionally ignored Cyla because her whole attention was on the piece of cloth she's folding.

"Mama? Mama?" Ngumuso si Cyla at nakasimangot na lumabas ng kuwarto. "Tito Matt! Mama's doing it again!"

Inangat ni Frances ang pangalawang damit na itutupi. Bright yellow... ngunit napahinto siya nang makakita ng white shirt. Ah, dapat iyon ang mauna. Brightest to darkest...

"Frances."

Kusang huminto ang mga kamay ni Frances at kumabog nang malakas ang kanyang puso pagkarinig ng boses na iyon sa likuran niya.

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon