Aking tinatangi, Baby Ola
Isang dilag na sa akin, pati na rin sa karamihan, ay maganda
Nagtataglay ng pusong kay busilak
Masayang kausap at may masarap sa tenga na halakhak
Gusto kong magpasalamat
Una
dahil inalayan mo ako ng simpleng tula
Na nakapagpadama sakin na kay espesyal ko pala
Na nakapagpaalala na napakaswerte ko sa inyo
Na nakapagbigay ng munting kilig at matamis na ngiti sa mga labi ko
Pangalawa dahil nananatiling magkasangga pa din tayo
Na nandito ka pa din para sakin at ganun din ako sayo
Na nagtatagal pa din ang ating samahan
Na nangingibabaw pa din ang ating pagmamahalan
Na meron pa din akong ikaw
Pangatlo dahil nakilala kita
Natagpuan ang isang diwata
Malaanghel ngunit may kamalditahan ding taglay
Nakapalagayan ng loob at naging parte ng aking buhay
"Mahal kita" bulong man o sigaw
Una, pangalawa, pangatlo
Isa, dalawa, tatlo
Tanda ko ang estilo mong ganito
Ang pauna mo sa mga tula mo
Mga tulang laging nakakapukaw ng damdamin ng tagabasa o tagapakinig mo
Syempre isa ako sa mga umiidolo sayo
Tula
Sa tulang to
Sa pagbibilang ko
Hindi ko itutumbas sa bilang ng mga panahon na ikaw ang Baby Ola ng buhay ko
Tula
Sa tulang to
Sa pagsagot sa tulang alay mo
Gusto ko lang sabihin na
Salamat at Mahal na mahal kita
Aking tinatangi, Baby Ola
YOU ARE READING
A Friendly Wish
PoetryThis is for my Baby Ola. She wrote me a letter and I return back the favor. She loved it!