Kanina pa ako paikot-ikot sa taas ng double deck dahil hindi ako mapakali at kanina pa rin paulit-ulit na nag-strum ng gitara si Ate Selene.
"Ate! Magpatulog ka naman!" angil ko.
Sinilip niya ako at tinitigan ng mariin. "Eme mo! Hindi ka nga natutulog, kanina ka pa ikot nang ikot diyan bago pa ako mag-practice ng gitara!" aniya.
"Kanina 'yon!" balik ko.
"Kumain ka na ba? Pag-uwi ko, nakahiga ka na agad diyan. Hindi pa ata nagalaw 'yung pagkain doon," tanong niya.
"Hindi pa, wala pa akong gana," sagot ko.
"Bumangon ka na diyan, sumabay ka na sa 'kin kumain," aniya at lumabas ng kwarto, kaya naman bumangon na lang ako at bumaba mula sa double deck.
"Nakauwi na ba si Ate Maia, Ate Selene?" tanong ko paglabas ko ng kwarto.
"Umuwi siya kanina pero umalis din agad. Nagluto lang ata siya, tapos umalis na rin," sagot niya kaya tumango na lang ako.
"Napapadalas ata ang pag-alis niya?" sabi ko.
"Malamang nagtatrabaho. Hayaan mo na," sagot niya.
Kumuha na ako ng plato at kutsara para dalhin sa lamesa. Kumuha naman ng kanin at ulam si Ate Selene at nilapag sa lamesa.
"Kain na," aya niya at saka umupo sa harapan ko at nagsandok ng pagkain niya, kaya gano'n na lang din ang ginawa ko.
"Shae, daanan mo ako bukas sa room ah. Alam mo naman kung saang department ako, sabay na tayo umuwi bukas," aniya.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Punta tayo kila Yves, birthday ni Tita Amie, iniimbitahan tayo. Sayang, wala si Ate Maia, hinahanap pa naman siya," aniya.
"Mas nauuna kayang natatapos class mo kesa sa akin. First year college ka, and grade 11 ako, so see the differences. Mas malawak nga ang vacant mo," balik ko naman.
"Daming reklamo ah, sige, ako na pupunta sa 'yo!" sagot niya.
"Ate, may tanong ako." Agaw ko ang atensyon niya.
Nag-angat siya ng tingin sa akin habang ngumunguya. "Ano?" tanong niya habang tuloy-tuloy pa rin ang pagkain.
"Naranasan mo na bang magkagusto, like not intentionally?" biglang tanong ko. Napatigil siya sa pagkain at napatingin sa akin nang mariin.
"Bakit?" mariing tanong niya, kaya napakagat na lang ako ng labi sa hiya.
"Wala naman, nagtatanong lang," pagsisinungaling ko.
"H'wag mo nga akong pinagloloko! Sino 'yan? Pogi ba? Malaki etit-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla ko siyang sinaway.
"Ate!" saway ko.
"Nagtatanong lang naman, e. Pero sino nga?" kuryos na tanong niya.
"Sagutin mo muna 'yung tanong ko," sagot ko.
"Well... Actually, it's hard to explain, pero sa totoo lang, minsan talagang may nangyayari na hindi mo ine-expect na magkakagusto ka sa isang tao," panimula niya. "Hindi naman natin napipili kung kailan o kanino tayo magkakaroon ng damdamin, diba? Pwedeng nagsimula lang sa pagiging magkaibigan o kakilala, tapos habang lumalalim yung connection, doon mo mararamdaman na may iba ka nang nararamdaman," dugtong niya.
YOU ARE READING
Enlightened The Dark (Escape Series #1)
Ficção AdolescenteEnlightened The Dark (Escape Series #1) How far would you go to reach someone who feels out of reach? Ilang awkward conversations at ilang pag-aalangan ang kakayanin mo? Ilang masasakit na titig ang titiisin mo para lang mapansin ka? For Azalea Shae...