KELLY'S POV
"Wow! Ang ganda ng lake Marie," manghang bulalas ko pagkababang-pagkababa ko sa van na sinakyan namin.
Isa-isa na rin silang nasibabaan. Mahigit pitong oras ang binaybay namin papunta sa lugar na ito.
Tama nga ang sinabi ni Marie. Maganda nga dito.
"Ang ganda nga! So relaxing!" singit ni Ella na parang bata dahil pasayaw-sayaw pa ito habang pumapalakpak. I just rolled my eyes.
"See, I told you," pagmamalaki ni Marie nang nakangiti.
Manghang manghang pa rin kami sa paligid. Isang lake, tapos may mga nagtatayugang mga puno ng niyog sa kabilang side, sa kabilang side naman, mga puno ng mangga ang nandun. Amazing!
"Welcome home apo," Napalingon kami sa nagsalita.
Isang matandang babae na nakatungkod ang nagsalita. Nakasuot ito ng bestida na hanggang tuhod ang haba. Mapuputi na ang mga buhok at kulubot ang mukha. Halatang matanda na masiyado. May kaagapay itong nurse sa tabi niya.
Agad namang lumapit si Marie at yumakap sa matanda.
"Lola, namiss ko po kayo." Sabay yakap nang mahigpit sa lola niya.
"Namiss rin kita. Mabuti naman at naisipan mo man lang akong dalawin apo. Nagtatampo na talaga ako sa'yo." Napangiti ako sa sinabi niya. Para siyang bata kung magsalita.
"Andito na nga ako lola oh.. kayakap ka," paglalambing naman ni Marie na nakayakap sa matanda.
Bumaling siya sa'min na nakatayo lang at nakangiti sa kanila.
"Good afternoon po," sabay-sabay naming bati sa lola ni Marie.
"Mga kaibigan ko po lola, si Tofer, si Kellay, si Elli at si Ella po." Pagpapakilala ni Marie sa'min.
Ngumiti naman ang matanda sa'min.
"Bakit nakikita kong magkamukha ang dalawang iyan?" Turo niya sa kambal. Tumawa naman si Marie. Lokong babaeng ito.
"Kambal po si Elli at Ella lola," tatawang-tawang banggit ni Marie.
Naramdaman ko ang hangin. Ang sarap naman ng hangin dito. Tamang-tamang makapagpahinga.
"Ay! Matanda na talaga ako. Halina kayo. Sige na Maria, papasukin mo na yang mga kaibigan mo at nilalamig na ang mga pagkain sa loob." At tumalikod siya at naunang naglakad. Inalalayan naman siya ng nurse niya.
Pagkapasok namin sa bahay nila. Tinanggal ko ang shades ko. Kitang-kita ko ang kagandahan ng loob ng bahay. Tulad ng bahay ng kambal, para ring nasa sinaunang panahon ang bahay na'to.
"Ang ganda naman. Para akong nasa panahon ng hapon!" Manghang sabi ko.
Inilibot ko ang paningin ko, manghang-manghang talaga ako.
May nakita akong aquarium at may mga makukulay na isda. Ang ganda. Mahilig ako sa mga isda, sa katunayan nga may malaking aquarium rin ako sa bahay namin at may mga pangalan rin ang mga alaga kong isda.
Napangiti ako sa naiisip ko.
"Ma'am Marie, naghihintay na po ang lola mo sa hapag-kainan." Rinig kong sabi ng isang katulong.
Hindi ko inintindi ang tawag ni Marie sa'kin, naaliw ako sa mga isdang nakikita ko. Sana mabigyan ko rin sila ng mga pangalan. Ngumiti na naman ako. Nababaliw na ata ako.
May nakita akong bigla na lang lumangoy na isda, kakaiba ito sa lahat ng isdang narito. Hmmm.. inalala kong mabuti kong anong uri ng isda ito pero wala akong mahagilap na sagot.
BINABASA MO ANG
Oh my GHOST![on-going]
ParanormalLahat hahamakin sa ngalan ng pag-ibig. Pero imposible nga ba magmahal ang isang tao sa isang multo? Kelly Andrea Benedicto. Babaeng nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. July Romulo. Ang multong parang hindi multo. Misyon...