RS:H 38

4.1K 88 11
                                    

Dara's POV

Lumabas na ako nang banyo at nadatnan ko silang natataranta-bukod kay Jiyong.

"Ba't ganyan mukha nyo?" Tanong ko sa kanila habang iniipitan ang sarili ko.

"Nasa terrace kasi sina manager." Sagot ni Chae.

Humarap ako sa kanila. "Ano naman?"

Lumapit sakin si Bommie at kinurot ang pisngi ko. "Aaaaah?! Para san yon?" Atungal ko habang hinihimas ang pisngi ko.

"Sa harapan lang naman kasi naka park ang sasakyan. Gising gising nga Ssantoki! Tulog pa ata ang kaluluwa mo e." Sermon sakin.

Tulog pa naman talaga e.

"Bilisan na lang natin ang takbo." Suggestion ni Seungri.

"Sige, basta. Tyempo tyempo ah. Tsaka chekin din natin. Mamaya maka bungguan natin sina Gummy Noona e." Pabulong na sabi ni Chae.

"Noona, susi oh." Abot sakin ni Top.

Hindi ba pwedeng matulog na lang kami? Nakakatamad kayang pumarty ngayon. -_-

"Tingin ko tulog na sina Unnie e. Sina Manager na lang ata ang gising." Masiglang sabi ni Minzy na halatang atat na atat nang magparty.

Hindi sa ayaw ko sa party. Inaantok lang talaga ako at higit sa lahat. MADAMING BABAE DON!!!

"Osige. Una, magpanggap lang kayong dadaan ah. Tapos pagsakay sa van patakbuhin mo agad nang mabilis Noona." Utos ni Seungri.

Tumango tango na lang ako bilang sagot. Lumapit sakin si Jiyong at inakbyan ako.

"Marunong kang magmaneho?" Tanong nya sakin.

"Oo naman. Si Ssantoki pa! Mamaya nyo malalaman ang katagang death racing." Nakangising sabi ni Bommie.

"Hindi kaya ako mabilis magpatakbo." Pagtanggi ko.

"Talaga lang ah?" Sabay sabay na sabi nung tatlo habang naka bored look.

Hindi naman talaga e. T3T

"Okay, 10:30 na. Tara na!!!!" Masiglang sabi ni Chae.

Lumabas na kami nang sabay sabay at nauuna ako dahil ako daw ang magmamaneho. Haysss!! Wala pa man din ako sa mood.

Nasa terrace na kami at sumalubong agad samin ang mga manager namin.

"Papahangin din kayo dito?" Tanong nang manager nang Bigbang samin.

"A-Ah. H-Hinde." Utal na sagot ni Dae.

"Oh? Eh bat nasa labas kayo? Paalam ni Sajangnim bawal na daw kayong lumabas nang gabi e." Sabi naman nang manager namin.

"K-Kasi ano...." Nagaanlinlangan na sabi ni Chae.

"Don't tell me-."

"TAKBO!!!" Sigaw ni Top.

Ano daw? Takbo na ba?

Agad agad kong naramdaman ang hawak ni Jiyong sa kamay ko at hinatak ako patakbo. Natutulog pa kasi ang kaluluwa ko kanina kaya di ko namalayan na takbo na pala.

"BUMALIK KAYO DITO." Sigaw ni Manager samin habang hinahabol kami.

Nang makasakay na kami sa van ay huminga muna ako. Mahaba habang takbuhan din yon. Nakakapagod kaya!

"Noona!! DRIVE NA." Tarantang sabi ni Top sakin.

"Omygod. Ayan na sila!" Kinakabahang sabi ni Chae habang tarantang taranta sa likod.

Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon