Nasan na ang Pangako?

1 0 0
                                    

I wrote this piece to those friendship that didn't last for good.


Unang araw ng buhay kolehiyo

Unang tapak ng bagong bukas

Unang mga araw kung saan, Unang saksi sa ating pagsasama

Unang araw kung saan nagsimula ang lahat


Tanda ko pa nung araw kung kailan tayo'y unang nagkita

Ako ang nauna sa ating tambayan

Tambayan kung saan natin bubuuin ang ating mga pangarap

Nagkasalubungan ating mga mata, Na tila ba'y ito ay pinagtagpong talaga


Simula ng araw na iyon ating pagkakaibigan ay nabuo

Nabuo rin ang ating mga pangarap sa isa't isa

Kung saan tayo'y magsasamang kakamtan ating bukas na maganda

Kung saan nangakong di mag iiwanan


Tanda ko pa ating masasayang alaala, kung saan tayo'y ayaw ng maghi hiwalay

Na kung saan may problema ang isa ay dadamayan ng lahat

Kainan sa labas pagtapos ng isang mabigat na aralin

Sama samang iiyak kung saan hindi nakakuha ng magandang marka


Pero nandyan pa rin sa isa't isa at nagdadamayan

Ngunit isang araw nawala ang lahat

Na para bang hindi nangyari ang lahat

Isang araw kung saan ang ating mga binuong pangako ay nawala...


06/17/2022 - 08:04 PM - By: VG



Mga Tulang Pang Atin !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon