Chapter Six

7 3 2
                                    

"ANO BA ang problema, Rene? Kanina pa kita napapansin na para may gumugulo sa isip mo. Ano ba ‘yon?” mahinahong tanong ng lola ni Sania sa kaniyang asawa na mula nang makapasok silang dalawa sa loob ng bahay ay hindi na maipinta ang mukha ng kaniyang lolo. Halata ang pagkabalisa nito at pagkairita. Wala itong naging imik habang kumakain sila ng hapunan na tila ba may malalim na iniisip. 

Nag-iba lang naman ang kilos ng kaniyang lolo nang makilala nito ang kasama niyang si Michael. Isang malaking tanong sa kaniya kung bakit gayong 'yon ang una nilang pagkikitang dalawa. Hindi lang 'yon ang gumugulo sa kaniyang isipan ngayon kun 'di pati na rin ang biglang pagkawala ng lalaki ilang segundo lang ang lumipas. Hindi maisip ni Sania kung saan ito nagpunta. Imposible naman na makapagtago ito dahil walang matatagpuan na mga poste sa kanilang kalye. And come to think of it. Bakit naman magtatago si Michael?

Matapos ang Kasama niya ang kaniyang lola, ang kaniyang daddy pati na rin ang kaniyang lolo sa sala dahil nagsabi ang kaniyang lolo na may mahalaga itong sasabihin na tungkol sa templo na nakaatang sa kaniyang pamilya upang bantayan na siyang labis niyang ipinagtataka kung bakit kasama siya sa pag-uusap ng mga ito. 

Sa kaniyang pagkakatanda ay hindi siya kailanman sinama ng mga ito sa mga usapan tungkol sa templo. Hindi gusto ng kaniyang lolo na isinasali siya at dahil batas ang salita ng kaniyang lolo sa kaniyang pamilya ay wala nang nagawa pa ang mga ito.

Sa katunayan ay hindi siya pinapayagan ng mga ito na sumali o sumama man lang sa templo at katunayan ay natatandaan niyang nagagalit pa ang mga ito sa t’wing nagtatanong siya at nangungulit noon kapag gusto niyang mamasyal sa templo. 

Ang babala sa kaniya ng kaniyang lolo ay bawal ang bata sa templo dahil baka magustuhan ito ng isang masamang halimaw at gawin itong pagkain pero nang dumating siya sa edad na 15 alam niyang kasinungalingan lang ang sinabi ng kaniyang lolo sa kaniya dahil nang muli niyang sinasabi rito na gusto niyang makapunta sa templo ay tumanggi ang kaniyang lolo. Muli ‘yon naulit nang umabot siya sa edad na 16 pero hindi pa rin siya pinayagan.

Mula no’n ay hindi na niya kinulit ang kaniyang lolo na dumalaw sa templo hanggang sa dumating ang unang beses niyang makapunta do’n nang isama siya ng kaniyang lola na hatiran ng pagkain ang kaniyang lolo ng taon din ‘yon. Which is nauwi lang din sa away dahil bakit daw ako isinama ni lola sa templo gayong alam nito na baka mapahamak ako do'n. Na napaka-odd kasi bakit naman ako mapapahamak sa templo? Hindi ba sacred place ang mga 'yon?

Kung hindi pa kinausap ng kaniyang lola ang kaniyang lolo at idinahilan na malaki na siya at wala namang ibang nangyari ng araw na dumalaw sila ay baka hindi na muling naulit ang pagdalaw niya sa templo. Sa kasalukuyan ay malaya na siyang dumalaw do’n kaya napakasaya niya. She doesn't know why but there was something in that temple that made her go there. Like something was calling her every time until the present. Hindi niya nga lang ito pinapansin dahil busy na rin siya sa school works.

Naalala pa niya ang kaniyang naging pakiramdam ng unang beses na nakapunta siya sa templo. She was so amazed and in awed habang iginagala ang kaniyang paningin sa paligid ng templo. It was a shinto temple kaya naman napakapresko dahil sa napakaraming puno sa paligid nito. Katulad ‘yon ng mga templo na napapanood niya sa mga anime noong maliit pa siya. Ang tanging alam niya ay mula pa sa una nilang ninuno na isang shaman ay ang pamilya na niya ang nagbabantay dito.

“May problema ba sa templo?” dagdag pa na tanong ng kaniyang lola na kasalukuyang nasa tabi ng kaniyang lolo na siyang nakaupo sa single chair at hinihimas ang likuran nito. 

Nanatiling nakaupo lang sa isang sulok si Sania habang nakatingin sa kaniyang mga lolo't lola nang biglang tumingin sa kaniya ang kaniyang Lolo Rene. Nakita niya ang dumaan na pag-aalala sa mga mata ng kaniyang lolo habang nakatingin sa kaniya. 

His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon