1

6 1 0
                                    

"K-kahit anong mangyari, hindi ka m-magtatrabaho. Hind-i mo pagsisilbi-han ang P-papa mo..."

"Huwag mong iwan ang bahay na 'to."

'yan ang huling habilin ni Mama bago siya bawian ng hininga. Hindi niya kinaya ng katawan niya ang mga bugbog na tinatamo niya sa araw-araw. Walang araw na pinapalampas ang papa ko na hindi nabubugbog. Money issue.  Pinalayas  naman siya hindi ko alam saan siya kumukuha ng lakas ng loob. 

Ipapapulis mo... wala din, may kapit. Ilang beses na namin inilapit sa pulis para ireklamo, ang sagot, 'wala ho tayong matibay na ibidensiya.'

"Magbabayad ako kahit magkano. May pera ako!"

Hindi ba matibay na ebidensiya ang mga pasa, sugat sa katawan ng Mama ko? Justice system isn't fair. Ligtas ka kapag may kapit ka.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong ni Gelay, kaklase ko sa Art app.
Naging irregular student ako gawa ng napapahinto ako dahil sa kagagawan ng amain ko. Ang pera na dapat na pambayad ko ng tuition, kinukuha. Nag-aadik kasi. 

"Tibay no? 'di matokhang-tokhang." natatawang sambit niya.

"Ikaw ba naman malakas ang kapit kay kataas-taasang hukom,"

Pareho kaming natawa sa kina-uupuan namin. Wala namang nakakatawa pero pareho kaming natawa. Baliw na ba kami nito?

"Girls, quiet! Library 'to." suyaw ng labrarian.

Nagkatinginan kami ni Gelay, parehas kaming nahiya sa ginawa. Kanina pa kami napapansin ng librarian, grabe nga 'yong tiig sa'kin, nakataas ang isang kilay. Kanina pa  kami naandito sa library, nagpapalipas ng oras para sa susunod na subject. 

Lumabas kami ng library at naghiwalay  ng daan ni Gelay. Magka-iba ang schedule ng klase namin. Isang subject lang ang parehas ang schedule namin at yun ay Art app. 

"Leina!" 

Isang lalaking matangkad ang natatanaw ko, patakbong palapit sa'kin. Huminto ako sa paglalakad.

"Chase," sambit ko ng makalapit siya sa'kin.

"Okay ka lang?" 
Hingal na hingal siya, napahawak siya sa tuhod niya. Naghahabol ng hininga.
Si Chase kaklase ko sa ethics, palagi kaming sabay pumapasok sa subject na 'yon. 

"Dumaan ako sa pinagtatambayan mo, wala ka dun..." nakabusangot niyang sambit

" Mainit kasi kaya lumipat ako sa library. Tampo ka agad dyan" paliwanag ko, nagawa ko pang magbiro "Tara na nga baka malate pa tayo. Repoting ngayon, no, reporter ka pa naman"

"Pinaalala mo pa," nanlaki ang butas ng ilong niya at ngumuso

"Kaya mo 'yan,no, Ikaw pa ba!" pag alu ko.

Pagdating namin sa room ay wala pa ang prof, mga nagkakagulong kaklase ang naabutan.Pagdating prof agad na nagsimula ang mga reporter. Dalawang oras akong nakakalumbaba, pakitang tao, nakikinig kunyari. At mabuti naman natapos na.

"Sabay na tayo, leina." alok ni Chase.

"Kasabay ko na si Gelay,e"

"Ah okay, I'll go. Take care." he said and gave me a little waved before turning and walk.

"Ikaw din!" ngumiti ako kahit na hindi niya naman makikita. 

Naglakad na ako palabas ng classroom. Bumungad sa'kin ang Gelay na may nakakalokong ngiti.

"Ano 'yon? May pagngiti" isang  nakakalokong ngiti ang binigay sa 'kin "Ikaw din!" panggagaya niya

"Gaga!"

Scream of AffectionWhere stories live. Discover now