CHAPTER SIX
PAGKARATING nina Frances sa sayawan ng Nayon Maayo ay marami-rami na ngang tao. Mula sa mga bata hanggang sa pinakamatanda ay nandoon at isang kanta ang tumutugtog. Not the usual loud music in Manila parties. But the song was just an upbeat love song from the 80's.
Nang makakita ng mga kapwa bata ay bumitiw kaagad sa kanya si Cyla at nakipaglaro. Maliit nga lang ang pinagdausan ng kasiyahan kaya mukhang safe naman si Cyla kung saan man ito sumuot kasama ang mga kalaro.
"Upo ka muna rito, Frances," ani Peter at pinaghila siya ng upuan. "Hahanapin ko lang si Matthew at saka iyong iba pa naming mga pinsan."
"Sasamahan na lang kita," sabi niya dahil ayaw niyang maiwang mag-isa sa lugar na wala siyang kakilala.
Kanina niya pa rin napansin na parang pinagtitinginan siya ng isang grupo ng mga matatandang babae sa isang banda. Kilala siguro siya ng mga ito bilang ang babaeng nabuntis ni Terrence noon at ngayon ay nakikitira sa bahay ni Matthew na pinsan ng dating nobyo. Marahil ay pinag-uusapan na naman siya.
Or is she just being paranoid?
"O, sige sumama ka na lang. Mukhang gusto mo ring hanapin si Matthew."
"Of course not," irap niya rito. But it's partly true. Gusto niyang makita si Matthew para makita niya rin si Claire kung totoo man ang sinasabi ni Peter na magkasama ang dalawa ngayon.
Naiinis si Frances. Buong araw siyang nag-alala kung nasaan na si Matthew at nami-miss pa ito ng anak niya at pagkatapos ay malalaman niya lang na kasama lang pala nito ang "childhood sweetheart" nito?
Wow. Just wow.
"Ayun pala si Matthew, o!" turo ni Peter kay Matthew na nasa may ilalim ng puno ng mangga na maraming makukulay na ilaw na nakasabit.
May kausap si Matthew na isang babaeng nakaputing bestida na lagpas tuhod ang haba. May sleeves ang bestida hanggang kalahati ng upper arm.
Nanliit ang mga mata ni Frances at mas tinitigan pa ang babaeng maamo ang mukha na walang make-up at may magandang natural na kulot na buhok.
Nagtatawanan ito at ang kasama nitong babae habang nagkukuwentuhan. Mukhang galak na galak sa kung anumang pinag-uusapan. Kusang tumaas ang kilay ni Frances.
"So, that's Claire?"
"Oo. Sabi ko sa'yo, eh. Magkasama sila. Iyan pang dalawang iyan," sabi ni Peter. "Iyang si Claire, social worker siya kahit degree holder naman. Volunteer siya sa mga church activities. Lead singer din sa choir. Lahat ng babae rito sa'min, role model si Claire. Kasi hindi lang mabait at matulungin, maganda naman talaga dahil sa pagkasimple niya, matalino at talentado pa," pagbibida ni Peter.
At gusto niyang batukan ito. Mukhang nananadya ang hudyo!
Tumingin ulit siya kay Claire at hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng insecurity.
Oh, right.
Because anywhere she looked at Claire, she screamed of purity. At si Frances? Napakalayo niya kahit sa pinakamalayong synonym ng salitang "pure".
Ang mga ganoong klaseng babae ang bagay kay Matthew at dapat nitong magustuhan.
Napaismid siya. Parang kaninang umaga lang ay umamin sa kanya si Matthew na tama ang hula niyang may gusto ito sa kanya. Pagkatapos ay
pumunta ito sa ibang babae? Sa babae pa na kahit tingnan niya lang, manliliit na siya?
"Bullshit."
"Ay. Bakit ka naman biglang nagmumura diyan?" sabi ni Peter. "Selos ka sa kanila?"
Ngumisi siya ng sarkastiko. "Bakit naman ako magseselos?"
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
RomantiekMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...