𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗪𝗢 :#SIRTARALARO
(DYX POV)Nagising ako dahil sa ingay na narinig.
It's almost 4:35 in the morning pero sino kaya ang siraulong mag-iingay ng ganito kaaga?!
Minsan na nga lang ako makatulog ng ganito kahaba may umisturbo pa.
Sunday ngayon kaya pagkakataon ko na magpahinga sa bahay buong maghapon. Bukas magiging abala na naman ako sa opisina.
Kahit na inaantok wala akong may nagawa kundi ang bumaba sa kama at lumabas ng kwarto.
Ilang araw na ang nakakalipas subalit hindi pa rin ako makapaniwala na may personal maid kuno ako.
Tsk, personal maid nga ba? Eh mukhang ako pa ang ginawang katulong!
Mula sa pangalan na YARA YUSHIEN DARKEYHELL hanggang sa ugali, kilos at pananamit ay napakachildish niya!
May maid ba na nagsusuot ng fairy dress ,may suot pang wings?! Minsan pa nga eh teddy bear costume ang sinusuot niya at magrereklamo na mainit daw o hindi kaya ay hindi siya makakilos ng tama kaya no choice ako kung hindi ang gawin ang mga responsibilidad niya.
Simula nang dumating 'yan dito palagi akong inuutusan kesyo raw wala siyang alam.
Seriously, bakit pa siya nag-apply bilang maid kung hindi lang naman pala maalam sa mga gawaing bahay?
Kung hindi ko lang nakita ang family background niya iisipin ko na anak-mayaman siya dahil na rin sa kakaibang kulay na mata na meron siya.
Unlike her parents green ang kulay ng kaniyang mga mata. Matangos ang ilong, pinkish lips ,
teka bakit ko ba ang dinidescribe ang panget na 'yon?!
Basta sa maikling salita para siyang may dugong maharlika!
She's annoying!!
"Hilikuptir! Hilikuptir!" sa hagdanan pa lamang ako ay rinig na rinig ko na ang pagkanta niya.
Kanta nga ba o sigaw? Maging ang boses niya nakakarindiri!
Ano na naman kaya ang ginagawa niya doon?!
Kay aga-aga ,nag-iingay. Tsk.
"What do you think are you doing!" inis kong sigaw ng maabutan ko siyang naglalaro sa ibabaw ng sofa.
Napatingin ako sa kabuuan ng sala.
May maliit na mop sa bintana. May dust feather sa sahig. May nakadikit na scrub sa,
dingding?!
"Ah wala naman sir. Napagod kasi ako sa paglinis dito sa sala mo hihi." tugon niya at tumigil sa pagtatalon.
"Kaya naisip ko na maglaro muna dito!" pagtutukoy niya sa ginawang pagtalon kanina sa sofa.
"Huhu ,ang lambot! Grabe ang lambot!" parang tangang sigaw niya at muling tumalon na naman.
Pero ano ang sinabi niya? Napagod siya sa paglilinis?
Naglinis nga ba siya talaga o nagkalat?!
May mga candy wrapper pa sa sahig!!
"Sir ,baka gusto mong..." Tinaasan ko lang siya ng kilay hudyat na magpatuloy siya sa sasabihin.
"Baka gusto mong maglaro rin dito?" abot-tengang ngiting tanong niya na muntik ko ng ikatumba.
Seriously?!
"BABAENG SIRAULO, BUMABA KA DIYAN!!"
Argh!! Maaga yata akong tatanda sa babaeng ito!
Matapos niyang kalatin ang buong-silid ng sala ay sabay namin na iniligpit ito.
Ang mop pala ginawa niyang pamunas ng binata. Ang dust feather ginawa niyang walis sa sahig at ang scrub design daw iyon sa dingding.
Saan kayang planeta nagmula ang babaeng ito?
Mali hindi pala planeta kun'di saang mental Hospital.
"Marunong ka bang magluto?"
Kasalukuyan kaming nasa loob na ng kusina ngayon. Buong-maghapon kaming naglinis ng buong bahay. Ang dapat na day-off ko ay naging ganito. Kaasar!
"Opo! Sabi ng mama ko masarap ako------"
"Tsk. Ako na lang ang magluluto." malamig kong pagputol.
Napagod ako sa kakalinis but I don't have any choice kundi ang magluto rin ng magiging hapunan namin. Kapag siya ang magluto, baka maaga akong mamatay ,mahirap na. Hindi pa naman marunong ng mga gawaing bahay.
And yes ,it's already passed 7 pm. Talagang tumagal ang paglilinis namin dahil nagkalat pa siya!
"Pero-------"
"No more buts. Stay here and sit!" pinanlakihan ko pa siya ng mata kaya bumalik ito sa pagkakaupo at parang tutang tiningnan ako.
Bad girl!
Napailing-iling na lamang ako bago pumunta sa Refrigerator at naghalungkat ng p'weding gamitin sa pagluluto.
I was born in silver spoon pero kagaya ng sinabi ko Independent na ako. Gumagawa ako ng mga gawaing bahay maliban sa pagluluto kaya kadalasan ay nag-o-order na lang ako ng pagkain sa food panda.
Psh! Kumuha nga si Mommy ng personal maid ko ,eh mukhang ako naman ang ginawang alalay!
"Tsk. Ayaw ko pang mamatay ddahil sa gutom." inis kong bulong habang sinusuri ang laman ng ref.
Hindi talaga ako marunong magluto.
Napalingon ako sa babaeng nakaupo pa rin sa p'westo niya saka muling napasulyap sa laman ng Refrigerator.
Marunong nga ba talaga siyang magluto?
Maaasahan kaya siya pagdating dito?
O baka naman...
Hayst.
"Hoy babae! Mag-order ka ng dalawang pizza!" singhal ko rito saka kinuha ang apple.
(YARA POV.)
Nandito ako ngayon sa loob ng banyo.
Umalis kanina si Sir ,may tumawag kasi sa kaniyang babae at hindi ko alam kung saan siya pupunta.
"Arghh!" mahigpit na napakapit ako sa panty ko at umiri ng malakas upang ilabas ang treasure tae ko hihihi.
Matapos kong magbanyo ,naghugas muna ako ng kamay saka lumabas.
Napakalaki ng bahay nila sir ay mali! Mansion pala ito.
Tapos ang bait-bait niya pa at ni Mommy--------- I mean 'yong Mommy ni Sir.
(𝐀𝐲𝐚𝐫𝐚 𝐘𝐮𝐬𝐡𝐢𝐞𝐧 𝐃𝐚𝐫𝐤𝐞𝐲𝐡𝐞𝐥𝐥. 20 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝. Dyx's personal innocent maid.)
Dumiretso na ako sa aking kwarto. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil mahirap lamang ang buhay namin pero mabuti na lamang at nakilala ko si Mommy------mommy ni Sir.
Inalok niya ako ng trabaho and charaannn! Nandito na ako ngayon!
Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ay binagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama.
Nilabas ko ang aking cellphone na niregalo ni Mama noong Grumaduate ako sa 3rd year high school.
Magtitiktok ako anoh!
Ano kayang kanta ang ipapatugtug ko? Ah mali! Kakanta na lang pala ako!
Ngumiti muna ako sa camera at tumikhim.
"Good evening everyone! So it's me again! And now ,kakanta na naman uli ako. So start na ako ha..."
Hindi ko nabanggit pero may million of followers ako sa tiktok hihi.
Bago pa ako nagsimula ay dinumog na ang pag-live ko sa tiktok.
"A,B,C,D,E,F,G" pumikit-pikit pa ako upang madama ang pagkanta.
Ang ganda talaga ng boses ko!
BINABASA MO ANG
"My Innocent Maid" (Completed)
Romance"I'll let you taste my brown hotdog but in one condition. Stay and be mine forever." -Dyx 𝗩𝗲𝗿𝘁𝗿𝗶𝗹𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #01 (𝗠𝗜𝗠)