chapter 10

201 8 0
                                    

Pagdating ng hapon pagkatapos makabalik ng fourth imperial boy sa kanyang palasyo nanatili lang na nakaupo ang lalaki sa sa upuan sa may labas ng veranda tanaw na tanaw kasi mula doon ang magandang view at ang baba kung saan nagiinsayo ang mga kawal.

"Awaira alam mo ba kung nasaan ngayun ang reyna.?" Tanong ni crus sa babaeng tagapanglingkod. Kakapasok lang na agad tumabi sa tabi niya.

"Hindi fourth imperial master.! Ang alam ko lang may pagpupulong ngayun ang imperyo sa kalawig imperyo at sa ibang nasasakupan na kaharian.!" Tinanaw ni crus ang baba mula sa veranda.

"Sa tingin mo ba.! Mahahanay ako sa pagpipilian ng reyna ng imperial man ng imperyo kahit isa lang akong mababang uri ng nilalang.?"  Humingi ng tawad si awaira at sinabing hindi nito masasagot ang tanong niya. Dahil sa nakakita niya ngayun imposible yung mangyari.

"Huling pagasa ko na ang posisyon na yun.!" Pumikit si crus hindi dapat siya panghinaan ng loob laging may pagasa.

"Kakain ako sa dining table ng palasyo.!" Napatigil ang tagapaglingkod ng marinig yun sa fourth imperial boy agad itong napayuko at agad na inabisuhan ang mga tao sa fourth palace.

"Ganito ba talaga dito ang tahimik.?" Nakatingin si crus sa mahabang lamesa at mula sa imperial table bumaba si crus esteban para umupo sa isa sa mga upuan na nandun sa baba na kinatahimik ng tao sa lugar.

"Mind if i sit here.? Masyadong malungkot ang magisa.!" Sobrang tahimik ng mga tao sa loob nawala ang maingay at parang may kasiyahan
na ganap sa lamesa.

Tinitignan siya ng mga kawal maging ang mga tagapanglingkod. Imbas na pulutin ang kubyertos na nilapag ni awaira sa harap. Ginamit ni crus ang kamay para kumain ng mahulog ang hinihila niyang paa ng lechon at mabitiwan niya yun na kinahulog niya mula sa upuan.

Lahat nagalala ng marinig nila ang tawa ng fourth imperial boy habang hawak ang tiyan nakatingin sa isang kawal na puno ng sauce ang mukha eksaktong mukha itong kamatis dahil sa hugis ng mukha ng kawal.

Ng makita yun ng tao sa loob hindi na mapigilan ang tawanan ng lahat. Sa ganun na impression mas nakilala pa ng mga tagapagsilbi ng fourth palace ang fourth imperial boy.

Lumipas ang ilang minuto ng tawanan sa hapagkainan ang saya ulit ng lahat at this time kasama na nila si crus eban na nagmamay-ari ng fourth palace.

"Mauna na ako sa inyo mga kaibigan.! Goodnight.!" Nagsara ang pintuan after umalis ni crus sa lugar. Walang nakagalaw sa loob una sinamahan sila ng fourth imperial boy na kumain ng hapunan ng nakakamay, ikalawa sinabihan silang kaibigan, ikatlo ay nag sabi ito ng goodnight na ang laking bagay sa kanila.

Hindi nila maintindihan kung bakit sa ilang taon na pananatili ng fourth imperial boy sa palasyo lumabas ito ng kwarto at nakihalubilo sa mga tao. nakipagkaibigan pa ito sa mga tulad nilang alipin.

"See sabi ko sa inyo iba siya.!" Tumingin ang mga tao sa loob sa lalaking nagsalita kasama nito ang isa pang kawal. Yun ang mga kawal na nagbantay sa fourth master ng araw na lumabas ang mga ito sa palasyo.

"Tignan natin hanggang kailan magtatagal to siam ziran.!" Ani ng isang pinuno ng mga alipin. Lahat sila sa fourth palace mga alipin na pinagkaitan ng imperyo ng buhay sa labas ng palasyo kaya hindi mo sila masisi kung hindi agad ang mga ito nagbibigay ng katapatan sa isang tao.

Samatala sa pagbalik ni crus esteban sa silid nakangiti siyang pumasok sa banyo para maghanda sa pagtulog. Habang nasa bathtub naisip niyang hindi narin masama ang pagiging ikaapat na lalaki ng reyna sa ikalawang katungkulan. Gaya ng gusto ng dating crus esteban ang magkaroon ng mga kaibigan. Maging siya sa dati niyang mundo kung saan siya nang galing gusto niya rin ng mga kaibigan.

Paglabas niya sa banyong na nakapantulog umupo siya sa sofa. Hihintayin muna niya ang reyna gusto niyang makausap ang reyna tungkol sa imperial man position.

Pero lumipas ang oras hanggang maghating gabi. Walang reyna ang sumulpot naghintay pa siya hanggang sa mag-uumaga. Ng maisipan niyang matulog dahil sa sobrang antok mukha ring hindi darating ang reyna.

"Hm! Awaira inaantok pa ako!" Gaya ng inaasahan dahil sa kakahintay ni crus sa reyna at natulog ito ng halos madaling araw na. Walang nagawa si awaira kung hindi hayaang makabawi ng tulog ang fourth imperial boy.

"Pass twelve na fourth imperial boy oras na ng lunch." Nagpapasalamat nalang si awaira ng bumangon na si crus na hawak ang ulo siguradong nasobrahan si ito sa tulog.

"Dumating naba ang reyna.?" Yumuko ang tagapaglingkod bago sumagot.

"Hindi pa dumarating ang mahal na reyna. Pero usap-usapan sa palasyo na nasa palasyo raw ng first imperial boy ang reyna ngayun araw mula pa kaninang umaga fourth master."  Naibaba ni crus ang kubyertos biglang siyang nawalan ng gana.

"Pwede ba akong manatili sa labas awaira.?" Pumayag si awaira tutal mas makabubuti yun sa fourth imperial boy sa kalagayan nito ngayun.

"Ang sakit naman sa balat ng araw dito.! Ang patag pa ng lupa. Pano niyo natitiis na magbilad sa sinag ng araw.?" Tanong niya sa mga kawal na nakasunod sa kanya sa malayuan lang maganda ang view sa palasyo niya pero ang totoo pangit nun sa personal.

"Sanay na kami fourth imperial master." Sagot ng head chief ng mga kawal. Tinignan ni crus ang mga kawal ang init ng araw at ang puno lang na nasa gilid ang tanging lilim.

"Hayaan niyo gagawan natin ng paraan ang init.!" Umupo nalang muna ang fourth imperial boy. Ayaw na niyang muling magbilad sa araw nagmumukhang impyerno ang palasyo niya dahil sa nakakapasong init ng araw.

"Tawagin mo ang mga kawal na nagsasanay dehydration lang mapapala niyo sa pagsasanay sa ganitong klima.!" Agad na sumunod ang mga kawal. Buti nalang malaki ang puno kung saan sila nakasilong yun nga lang dahil sa init ng field at wala masyadong puno maski halaman ang nakatanim sa lupa ang init rin ng  hangin.

"Pansin kong maliit ang palasyo ko kumpara sa ibang palasyo.!" Tinignan ni crus ang langit at ang location ng palasyo nakasentro sa araw malayo rin ang mga puno sa palasyo as in puro damo lang ang makikita sa field.

Sa ganung paraan pansamantalang nakalimutan ni crus ang reyna at ginawang pagdalaw nito sa first imperial boy. Dahil sa napaka pangit na pagtrato ng imperyo sa kanya, pagiging pangit ng kondisyon at posisyon na natatanggap sa imperyo. Bilang isa sa mga lalaki ng reyna na nabibilang sa mga imperial boy deserve niya rin ang tratuhin ng may paggalang at respeto.

Reincarnated as the Queen addiction (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon