Its Me

16 2 0
                                    

"Alam mo para talaga tayong itinadhana , Nadetention ka nadetention din ako. Destiny tawag dun diba ?" Sabi nya sabay smirk

"Destiny mo mukha mo!" sabi ko sabay layo sakanya .

Siya si Kai, Niligawan nga ako nyan kahit hindi naman ako pumayag ! May pagka basagulero din at malamang yun ang dahilan kung bakit andito yan sa Detention.

"Nako naman, Pakipot ka pa ehh. Alam ko namang type mo rin ko" Sabi nya sabay kindat . Iww kasuka !

(A/N: No offense sa mga KAI Biased dyan . Hahaha)

"Hey Kim Jongin ! Back off" Vien

"Wow . Sino ka naman ?" Tanong ni Kai

"Pakielam mo ba ?"

"Tsss. Dito na nga tayo Baby may pakeelamero sating moment eh, Badtrip" Sabi ni Kai at hinila ako dun sa isang tabi.

"Wag mo nga syang hawakan" Inis na sabi ni Vien at inilayo ako kay Kai

"Bakit ? Sino ka ba ?" Galit na sabi ni Kai.

"Ako si Vien, wag kang magkakamaling hawakan uli ang bestfriend ko."

"Aba ang yabang mo ah!" Sigaw ni Kai at sinuntok si Vien ginantihan din naman ni Vien yun hanggang sa nagsuntukan na nga sila.

"ANO BA ! Nasa detention na nga tayo. Mag-aaway pa kayo  Tama na nga !

" Sabi ni Karla habang inaawat sila Kai. Inilalayo nya si Vien kaya lang ang lakas talaga kaya hinigit ko na din si kai. At sa wakas napaghiwalay din ang Dalawa.

"Ano ba wag ka nga dyan humawak" Sabi ni Vien at inihiwalay ako kay Kai.

"Ang Epal mo ! Bestfriend ka lang naman kung makareact ka para kang Boyfriend" Galit pa rin na sabi ni Kai.

"Hiya naman ako sayo, Ano ka ba nya ha ? Tsss. Atleast ako bestfriend ehh ikaw ? Wala naman diba ?"

"Gago ! Ako ang future Boyfriend nya" Sabi ni Kai at pasugod na naman ng biglang may magbukas ng pintuan. Pare-parehas naman kaming napatingin.

"All of you , Go to faculty Now" Galit na sabi ni Mr.Delos Trinos asawa ni Mam Delos Trinos .

Wala na kaming nagawa kaya sabay sabay nalang kaming pumunta sa Faculty . Hayy bwisitt ! First time kong mafaculty, Wag naman sana makarating kila Mommy at Daddy.

-Faculty

"Asa Detention na nga kayo gumagawa pa kayo ng gulo mga hindi kayo nadadala" Sabi ni Ms.Principal

"Alam nyo ba ang sunod na parusa sa inyong dalawa?" Tanong nya kina Kai at Vien, ramdam parin sa dalawa ang tensyon at tuwing nagkakasalubong ang mga mata nila parang may apoy na nalilikha dahil sa sobrang init .

"Suspension. Yan ang parusa nyong dalawa" Sabi ni Ms.Principal. Wait , what ? Suspension ? The FVCK ! Silang dalawa ayun walang pakielam kung ma suspend pa sila .

Pinalabas na rin kami sa Faculty at sinabing bumalik na daw sa klase at lalo na daw si Kai at Vien kase isang linggo pa bago sila makabalik uli ng school. Napag-isipan naming wag ng pumasok at umuwi nalang . Kaya nagpasundo na si Vien dun na rin kaming dalawa ni Karla nasakay para sabay sabay. Si Kai malay ko dun, Yun pa baka di na rin yun pumasok tsss!

"Ayan na, Tara na" Sabi ni Vien ng makita ang kotse na laging sumusundo samin. Isa isa na kaming sumakay sa kotse . Sa wakas makaka uwe na din, Andami namang nangyare ngayon . Nakakapagod !

"Nako naman babe ehh . Galit ka parin ba ? Sorry na . Please !" Sabi ni Vien kay Karla na nakatingin sa bintana .

"Babe naman ehh, Pansinin. mo naman na ako ohh." Hinarap naman na ni karla si Vien at tiningnan ito ng seryoso.

"Ayoko ng mauulit na masususpend ka Vien" Seryosong sabi ni Karla , Ako naman nakikinig lang dun sa dalawa. Nakakahiya naman sa kanila, Ako kase ang dahilan kung bat sila nag aaway, Gawa ko kung bakit sinuntok ni Vien si Kai dahilan para Masuspend sya.

"Opo na babe ! Hindi na Pramis" Sabi nya at nagpramis Sign pa. Ngumiti lang si Karla sa kanya

"Bati mo na ko ? Hindi ka na galit ? Love mo na uli ako ?" Parang batang sabi ni Vien.

"Opo bati na tayo. Hindi na ako galit at kahit magalit man ako sayo palagi parin kitang love" Sabi nya at ngumiti na naman.

"Yehey. Iloveyoubabe, Sige kiss mo na ko" Sabi ni Vien at ngumuso na.

Hello may tao pa po sa tabi nyo. Invisible ata ako ! Tumingin si Karla sakin at parang sinasabing 'Okay lang ba?' Tumango naman ako, at yun nagkiss na nga sila .

Hay grabe Ang sweet nila.

Sa wakas malapit na din ang bahay namin.

"Ayy oo nga pala Bestfriend, Wag mo na lalapitan uli yung lalaking yun ha." Sabi nya. Tumango nalang ako at lumabas na ng kotse.

"Bye" Sabi ko at dali dali ng pumasok sa bahay. Isa lang ang gusto ko ang makalayo muna sa kanila dahil ang sakit nila sa Mata. Pagpasok ko sa bahay ay agad na akong pumuntang kwarto, Nagulat nga ako dahil andun sila Mommy sa baba gusto nga nila ako kausapin kaso sabi ko mamaya nalang dahil masama ang pakiramdam ko. Siguro nakarating agad sakanila ang balitang Ang magaling nilang anak ay Nafaculty..

Pagpasok ko sa kwarto agad na nagsibagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hanggan kelan ? Hanggang kelan ako magpapanggap na masaya akong makita silang mahal ang isat-isa ? Kelan ako titigil na magpanggap na hindi ako nasasaktan ? Kelan ba ako mapapagod na Mahalin ka ?

Tsss. Nakalimutan ko na ako nga pala si Yuri kwon The Great Pretender. Yeah , It's me the secret Admirer of My Bestfriend.

FIN~

---

A/N: Sobrang dami ko pang naiisip sa Story na to kaya baka hindi lang sya maging Two shot dahil baka maging On going to .

P.S - kung magiging man, Sana suportahan nyo ako. Hahaha , Thanks sa nagbasa nitey

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon