Votes and comments please? :(
Zed's POV
ANG nakakasilaw na sikat ng araw ang nagpagising sa akin. Nakapikit pa din na napahilamos ako. Ugh! Napakasakit ng balikat ko. Akmang ikikilos ko iyon nang matigilan ako. Napakabigat noon na tila may nakapatong.
Naghihikab na nagmulat ako. "Ano bang—waaaahhh!" malakas kong sigaw nang makita kung ano ang nakapatong sa balikat ko.
Pupungas-pungas naman na nagmulat ng mata si Nix.
"Anong..." naitakip ko pa ang palad ko sa aking bibig habang pinapanood ang mabagal nyang pagbangon.
Magkatabi kami natulog? Mabilis na hinila ko ang kumot saka itinakip iyon sa katawan ko. Napasiksik din ako sa sulok ng kama habang nanlalaki pa din ang mga mata na nakatingin sa kanya.
"Gising ka na pala," as usual, her voice is as cold as ice. Balewalang tumayo sya mula sa kama saka nag-inat ng katawan.
"A-anong... b-bakit.... i-kaw...." hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Blanko naman ang mukha na bumaling sya sa akin. Bakit parang balewala lang sa kanya na magkatabi kaming natulog?!
"Hindi na kita ginising kagabi," aniya.
"D-dito ako nagpunta k-kagabi?"
Tumango naman sya.
Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kumot. Anong pumasok sa utak ko at pumunta ako dito? My brain is still not processing and I can't remember what I did last night.
"Okay ka na ba?" tanong nya.
"H-ha?"
Inilapat naman nya ang palad sa dibdib na tila pinapakiramdaman iyon. "Bukod sa nagulat at naguguluhan ka, mukhang okay ka na."
Ano bang pinagsasasabi nya? Napasulyap naman ako sa dibdib nya. Ganoon na lang ang pagkapahiya ko nang ma-realize na wala syang suot na bra!
Nagtalukbong naman agad ako ng kumot. Damn, I feel so embarrassed and violated! Napangiwi na lang ako dahil pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha.
"You were crying last night," narinig kong saad nya.
Hindi ko naman ibinaba ang kumot na nakasaklob sa akin. Pinakiramdaman ko lang ang kilos nya.
"C-crying?" naguguluhan kong tanong. Umiyak ako? Woah! Hindi ako iyon!
Ako? Iiyak? Nawala yata ako sa katinuan kagabi. Naipilig ko naman ang aking ulo habang hinahalukay ang memorya ko kagabi. I know that I'm really depressed last night after reading that black book. I just can't remember the exact details why I felt that.
"Ang libro!" napabalikwas ako at mabilis na bumaba ng kama. Hinanap ko agad ang librong iyon.
"Ito ba ang hinahanap mo?"
Napalingon ako kay Nix na hawak pala ang libro. Gusto ko namang mahiya dahil wala pa di syang reaksyon sa nangyari. Napalunok na lang ako saka pinakalma ang aking sarili.
I cleared my throat then fix my messy hair. "Yan nga."
Lumapit naman sya sa akin saka iyon iniabot. Malikot ang mga mata na tinanggap ko na lang iyon.
My heart suddenly skipped a beat when my hand touches the book. Tila baha na umagos sa alaala ko ang mga nangyari kagabi bago ako nawalan ng kontrol sa aking emosyon.
Kinakabahan na binuklat ko iyon habang lihim na pinapanalangin na sana ay namamalikmata lang ako kagabi sa aking nabasa.
"S-slavery contract," mahina kong basa sa nakasulat.
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasySuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022