Please add me on my newly made facebook account. Chat niyo ako and chika us baka ma-inspire na ako tapusin ang HTMS HAHAHAHAHA.
Here's the link: https://www.facebook.com/profile.php?id=100073365173054
*****
"Baka nadala lang ng emosyon, anak. Baka pwede pa itong mapag-usapan."
"Manang, hindi po si Zykiel ang tipo na magpapadala sa emosyon sa simple lang na pagtatalo. Ito ang kanyang naging desisyon at sa tingin ko naman ay tama."
Bumontong hininga si Manang Tess at hinawakan ako sa balikat habang tinitingnan ako nang malumanay. Ngunit mababanaag ang pag-aalala sa mukha.
"Tama? Hindi na lang ito tungkol sa inyong dalawa. May bata sa iyong sinapupunan na kailangan ninyong isaalang alang. Hindi dapat kayo nagdedesisyon ng para sa mga sarili niyo lamang."
Dagli kong ipinikit ang mga mata at humugot ng malalim na hininga. I hate conversations like this. Pakiramdam ko kasi, hindi ako pwedeng magdesisyon na naayon sa kagustuhan ko dahil kailangan kong makinig sa sasabihin ng ibang tao. Kailangan ko isaalang-alang ang opinyon ng ibang tao.
It felt like I am doing everything the wrong way. I never feel I am right. Even once.
"At ano Manang? Manatili sa kanyang tabi? Magulo ang kanyang buhay! Umiikot ito sa kapangyarihan at patayan. Ayaw kong lumaki ang anak ko sa ganoong klaseng buhay. He already have Aki involved in his world. This one?"
Hinawakan ko ang sinapupunan at hinaplos.
"This one won't. This baby is mine. Mamumuhay siyang payapa at malayo sa gulo. Malayo sa karahasan."
"Sigurado ka na ba talaga, iha?"
"Siguradong sigurado na po ako sa desisyon ko," sagot ko.
Hindi na ako babalik doon at magmamakaawang kunin kami pabalik ng kanyang anak. We will live on our own. We will have a different life. A life far from this.
"Kung ganun, sa tingin ko'y buo na talaga ang desisyon niyo at wala na akong magagawa pa. Ang magagawa ko na lang ay manatili sa tabi mo hanggang sa magsilang ka. Ang gabayan ka."
Napangiti ako sa sinaad ni Manang Tess. Nakakataba ng puso.
"Tutulungan niyo ho ba ako ulit sa pagpapalaki ng anak ko, Manang?"
Tumawa ito na ikinagaan ng dibdib ko. She nearly feel like home.
"Ako pa talaga ang tinanong mo. Baka nakakalimutan mong ako ang nagpunas ng uhog mo noong bata ka pa."
Napatawa na rin ako nang malakas. She's right. She's been there when I was still a kid and she's still here now that I am having my second baby.
She witnessed everything I've been through.
Kung may maaasahan man ako kahit sa mga panahong naguguluhan at nanghihina ako, iyon ay si Manang at wala nang iba. Siya lang ang sigurado akong hindi ako iiwan.
Well, Theia and Xy would be too. I just took them for granted and now they're gone. I lost them.
Pagkatapos naming mag-usap ay umakyat ako sa rooftop para magpahangin at makapag-isip isip.
My life is all about confusion, pain, understanding and hiding.
I was blinded by my love for him that I ignored the fact he hurted me. He have caused me pain. Ang sabi ko noon ay hindi niya sadyang saktan ako dahil naging biktima rin siya. Ngunit ngayong nakapag-isip na ako nang maayos ay narealize ko na mali pala ang paniniwala kong 'yon.
He meant hurting me. Alam niyang mali ang kanyang gagawin ngunit ginawa niya pa rin. He had made his choice and he chose that way.
Dahil alam kong alam niya na hindi man siya ang gumawa ay masasaktan pa rin ako. Naiintindihan ko na rin kung bakit mas ginusto niyang siya ang mas manakit sa akin imbes na iligtas ang sarili niya mula sa galit ko.
BINABASA MO ANG
Hiding The Mafia's Son
RomanceBeing a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous to anyone. It is a heavy responsibility that adds pain to a past wound she thought would never heal...