Prologue

4 0 0
                                    

The Other Woman

------------------------------------------------------

"Nasaan ka na? Teh anong oras na mal-late na ka na! Jusko ka." Sigaw ni Kim. "Ito na malapit na ako! Magkita nalang tayo diyan. Bye bye!!" Sagot ko sakaniya.

Nagmamadali ako dahil sa sobrang iyak ko kagabi dahil sa pinanood kong pelikula, late na akong gumising at hanggang ngayon sobrang sakit ng mata ko kakaiyak. Dumaan muna ako sa malapit na simbahan dito sa amin at dumeretso na rin ako sa aking paaralan.

"Good morning, everyone! Sorry I'm late." Sabi ko pagkapasok ko sa room namin. "What happened, Ms. Valerie Gonzales? Bakit late ka sa aking klase? at bakit mukhang pagod ang iyong mga mata?" Tanong sa akin ni Mr. Dela Cruz. "Personal problem lang ho, Sir." Sagot ko sakaniya. Tumango lang siya at hinayaan na ako ay maupo sa aking silya.

"Ano nga ba ang nangyari sa'yo? Bakit ganiyan itsura mo?" Tanong sa'kin ni Kim. "Personal problem lang. Wala ka na dun." Sagot ko sakaniya. Inirapan niya lang ako at ibinalik niya ang kaniyang atensyon kay Mr. Dela Cruz. Nginisian ko lang siya at ibinalik ko na rin ang atensyon ko kay Sir.

Totoo nga naman na may personal problem ako pero hindi yun ang rason kung bakit ako umiyak. Ayun lang ang sinabi kong rason kasi pag sinabi ko yung tunay na rason baka pagtawanan pa nila akong lahat. Kahit ako matatawa pag sinabi ko yun sa harap nila. Mabilis talaga akong maiyak kahit sa maliit na bagay.

Nang matapos na ang aming lesson, pinalabas na kami sa room dahil breaktime na namin. "Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin ha? Tutulungan kita hanggat kaya ko." Sabi sa'kin ni Kim nang biglang sumulpot si Mr. Dela Cruz sa harap namin. "Mauna na ako ha? Magkita nalang tayo mamaya." Dagdag ni Kim. Tumango lang ako at umalis na rin siya bigla."

"Can we talk Ms. Gonzales?" Sabi ni Mr. Dela Cruz. Ngumisi lang ako at sumunod sakaniya. "May nangyari ba, Ms. Gonzales? Pwede bang mag kwento ka sa'kin?" Tanong ni Sir. "Napagod lang po sir pero magiging okay rin ho ang lahat." Sagot ko sakaniya. "Nak, nandito lang ako ha?" Sabi niya sa akin at umalis na rin ako agad sa tabi niya.

Nang makalayo na ako, bigla akong napaisip. Okay nga lang ba ako? Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? Sure akong hindi lang ito dahil sa pelikula. Huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang aking paglalakad.

Tuloy-tuloy lang ang aking paglalakad hanggang sa naramdaman ko na parang sumasakit ang aking ulo. Huminto muna ako saglit pero mas lalo itong sumakit nang biglang may tumulong dugo galing sa aking ilong. Binuksan ko agad ang aking bag at hinanap ang aking panyo pero hindi ko ito mahanap hanggang sa ako ay nawalan ng malay.

"Miss? Miss okay ka lang?! Miss naririnig mo ba ako?! Guard paki tulungan ako dalhin ito sa malapit na hospital" Rinig ko galing sa isang boses ng lalaki na nakahawak sa'kin.

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon