Zed's POV
KAMUNTIKAN pa akong mapasubsob sa lupa nang bumagsak ako sa makapal na halaman. Napangiwi naman ako nang matusok ako ng mga sanga, dumagdag pa ang masakit kong braso. Aish!
Pinagpag ko na lang ang katawan ko na kinapitan ng mga dahon saka tumingala sa third floor ng dorm. Mabuti na lang at mababa iyon, kung hindi ay baka nabalian ako.
"Ngayon ko lang nagawang tumalon mula sa bintana," nasabi ko na lang.
Pinagpag ko din ang buhok ko. Ang dami palang tuyong dahon ang nakakapit doon! Sa tanang buhay ko ay si Nix pa lang ang nakagawa noon. Naiiling na inayos ko na lang ang tshirt ko. Siniguro ko din na nakasuksok pa din sa bewang ko ang dala kong libro.
Natigilan naman ako nang mapansin ang mga estudyante sa paligid. Some of them are looking at me with confusion. Hay! Ito na nga ang sinasabi ko, mukhang may nakakita pa sa ginawa ko.
Binalewala ko na lang ang mga matang nakatutok sa akin saka nagsimulang maglakad.
This is really humiliating! Gusto ko tuloy iumpog ang sarili ko. Bakit ba sa kwarto pa ni Nix ako napadpad kagabi? Baka kung ano na ang iniisip nya sa akin. Napapadyak naman ako sa naisip na iyon. Baliw ka na talaga Zed!
Naiinis na napasabunot na lang ako.
"Teka..." nanlaki ang mga mata ko nang makapa na wala pala akong suot na cap man lang!
Agad akong napalingon sa paligid. I still saw some students staring at me while whispering to each other. They were even pointing at my head. Ang isa naman ay sa braso ko nakaturo.
Nagtataka na napasulyap ako sa sarili. Shit! Bahagya na palang nakikita ang itim na ugat sa punong braso ko! Hinila ko naman ang manggas para matakpan iyon ngunit hindi iyon sapat para itago iyon.
Aish! Stupid Zed! Stupid!
Kailan pa kumalat ang mga itim na ugat na iyon? Parang sasakit ang ulo ko sa napasukan ko. I'm doom!
Naalala ko naman ang binitiwang salita sa akin ni Hywell. Sa tuwing gagamitin ko daw ang ability ko ay nagti-trigger iyon para kumalat ang mga ugat sa katawan ko. Lihim akong napangiwi. Paano nawala iyon sa utak ko? I just fucking used my shadow ability last night!
"Here."
Bahagya akong nagulat nang may isang kamay ang sumulpot sa harapan ko. Saan nanggaling ang jacket na ito?
"Wear it before you call more attention," saad ulit ng pamilyar na boses.
Nagtaas ako ng paningin. "A-ava..."
She then put the jacket on my hand. Nagtataka man ay isinuot ko agad iyon. I zipped it up to my neck and put on the hood. Bahagya ko din naamoy ang kanyang pabango sa jacket na suot ko.
"A-ava..." I don't know what to say. It's been months since the last time I talked to her. Mula noon ay hindi na sya lumapit pa sa akin.
"Hindi ko alam kung anong nagaganap na pagbabago sa katawan mo pero mag-iingat ka sa mga mata sa paligid. Mabilis kumalat ang balita dito. Baka bukas ikaw na ang laman ng usap-usapan."
"S-salamat—"
Naputol ang sasabihin ko nang bigla syang tumalikod. Automatic naman na hinawakan ko sya sa braso para pigilan. Tumigil naman sya at bahagyang lumingon sa gawi ko.
"Pwede ba tayong mag-usap?" lakas loob kong tanong.
Nanatili naman sya sa ganoong posisyon.
"Ava..."
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasySuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022