P.O.V Cassia
Nasa kwarto ako nakatulala nung biglang may munting alaalang pumasok sa aking isip.
Papa ang g-g-galing n-n-ni S-San Goku noh? Ang lakas lakas nya, hindi cha n-natatalo! Ang g-galing d-din n-ni R-r-robin Padilla! sabi ko sa aking Papa nung maliit pa ako at hinaplos nya ang aking buhok at nginitian nya lang ako.
Si Papa ko parang si San Goku at Robin Padilla para siyang super hero heheheh!Si Papa ko isang super hero!! - sabi ko sa aking isip
Hahaha tanda ko pa nun ang tagal kong mabigkas ng buo ang isang salita dahil bulol daw ako hehehe
Napangiti ako sa munting alaala na iyon. Ngunit di rin nagtagal ang munting ngiti sa aking labi nung maalala ko na hindi pala sya isang ganun.
"Cassia kakain na at maghain kana" dinig kong sabi ng mamita ko sa labas ng kwarto ko habang kumakatok. Kaya iwinaksi ko nalang ang alaalang iyon at lumabas na.
Nang tapos na akong maghain tinawag ko na sila
"Oh bakit ang lungkot ng mukha mo?May problema ba? " tanong sa akin ni Mamita
Umiling lang ako at pinagpatuloy na ang pagkain. Nang matapos kaming kumain ay naghugas na rin ako at bumalik na sa kwarto ko
Umandar nanaman ang aking isip mga tanong na alam kong wala namang sasagot ngunit patuloy parin sa pagtatanong nagbabakasakaling may sasagot.
Bakit?Bakit mo ako iniwan?
Bakit mo ako sinaktan?
Bakit ka naging ganyan? Hindi ganyan ang tingin ko sayo ng bata pa ako ang layo layo mo ngayon kaysa dati.
Bakit pakiramdam ko hindi mo ako minahal... papa?Naramdaman ko nalang na pumatak na ang aking luha... ulit kaya ayaw kong nag iisa eh kung anong mga tanong na walang kasagutan nanaman ang naiisip ko
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako at maramdaman kong bumibigat na ang talukap ng aking mata hanggang makatulog ako.